This is the Epilogue! I really appreciate you all! I'm gonna miss writing Satan and his baby! I want to say many things but I hope you learned something from them. Marami pong salamat!
See you on the next book of the Salvador Cousins Series! :)
***
Konklusyon
In Between
Ilang beses 'kong narinig ang boses ni Mama ngunit hindi pa rin ako nagpapatinag sa aking pwesto. Sobrang busy 'ko pa rin sa pag-iisip kung pa'nong lettering ang gagawin 'ko sa sulat na 'to. Hindi 'ko kasi maisip kung anong ibibigay 'kong regalo sa kanya.
"Isabelle, naayos mo na ba ang mga gamit mo?" may halong inis na ang tono ni Mama.
"Opo!" sigaw 'ko ng malakas habang kunot-kunot ang noo. "Ito na po! Inaayos 'ko na po ang gamit 'ko po Mama!" Huminga ako ng malalim, at inumpisahang ang paghawak sa coloring pencil na bagong bili lang noong Biyernes sa palengke.
Dito kasi sa Bocaue tuwing Friday ang palengke day kaya madalas sobrang traffic. Mabuti nga nabili ni Mama 'yon kasi nagtampo ako noong nakalimutan niya last week. "Mama, inaayos 'ko na po 'yong damit 'ko!" Kinumbinsi 'ko ang tono para malaman ni Mama na nag-aayos ako kahit hindi naman.
I'm busy!
I started to scribble letters. Sabi ni Jayden kahit ano naman daw tatanggapin ni Genesis basta galing sa akin. Kahit daw dahon, ikikip niya 'yon. Nainis pa 'ko ng kaunti kasi tinatanong 'ko siya ng maayos pero 'yon lang ang binibigay niya sa akin. Nagtampo ako ng konti lang sa pinsan 'ko pero noong may binigay siyang butterfly clip sa akin, okay na kami.
Hindi 'ko alam kung tama ba 'tong ginagawa 'ko pero hinayaan 'ko na lamang. Ilang bond paper na ang nasasayang 'ko para rito pero hindi 'ko pa rin ma-perfect ng husto. I stared at my window for a brief moment. Ilang memories ang lumipad sa isipan 'ko. Naramdaman 'ko ang pag-init ng aking mata. Umiling ako at napalunok upang pigilan ang emosyong namumuo sa aking mata. Nanginig ang aking labi.
Ayokong umalis, Mama!
Dito na lang ako sa Taal! Sabi ni Jayden pwede kami magtabi sa kama niya, Papa!
Mama, Papa! Sige na dito na lang ako sa Taal! Hindi na kami mag-aaway ni kuya pati na rin ni Jayden!
Please po! Sige na po! Mama! Papa! Sige na, hindi na 'ko iiyak kaagad!
Bumuhos ang luha 'ko. I sniffed and wiped the tears away.
Go, go tears! Alis! Alis! Hindi na 'ko iiyak!
"Ugh!" impit na boses ang pinakawalan 'ko nang tumulo ang luha 'ko sa papel. Tinapon 'ko iyon at nag-umpisa muling magsulat. Pinigilan 'ko ang luha pati na rin ang mga memories na lumagay sa isipan 'ko dahil baka hindi 'ko matapos ang regalo 'ko sa kanya. "Ugh!"
Ngayong araw ang alis namin papuntang Tondo, sa Maynila para doon na lamang manirahan. My parents decided it. Kaya wala na kaming magagawa ni kuya kahit gustong-gusto namin dito sa Bulacan. Kahit ilang iyak na 'ko at pagtatampo hindi pa rin nababago ang isipan nina Mama at Papa. Aalis kaming Taal ngayon at iiwan ang mga pinsan 'ko, tita at tito, at sina Jace.
Si lola Magdalene din, hindi 'ko na makikita.
Pati na rin si Gene.
Tumulo muli ang luha 'ko sa magkabilang pisngi. Nilayo 'ko ang papel sa akin panandalian upang punasan ang luha.
Ilang araw 'kong kinikip 'yon para hindi sabihin sa kanya - kay Genesis kasi akala 'ko hindi naman mangyayari. Akala 'ko nagdyo-joke lang si Papa na aalis na kami. Akala 'ko hindi totoo na nakahanap siya ng trabaho sa Manila. Akala 'ko hindi mangyayari iyon...kaya wala akong pinagsabihan. Hindi nga kasi totoo!
BINABASA MO ANG
In Between (SC, #4)
Teen FictionBecause of a tragedy, Isabelle Mendez had to stay in her childhood's hometown. Sa hindi inaasahang pagbalik ay pagbalik din ng ilang alaala ng kanyang puso. The fragments of cheerful life with her cousins and her friends in the province. Particular...
