Kabanata 19

1.2K 34 7
                                    

Kabanata 19

Help

"Kina Ma'am Magdalene tayo maghapunan mamaya," anunsyo ni Mama habang kinukuha ang mga tuyong damit sa bakuran.

My gaze ping-ponged between my laptop and to Mama. Napalunok ako at naramdaman 'ko ang pagdagundong ng aking dibdib...sa kaba o sa kung ano mang pakiramdam. Napaayos ako ng upo habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. The wind whispered violently as my heart thundered against my ribcage.

I think of tita Hannah. And Jace, our constant communication. Wala naman dapat ikabahala pero pa'no kung-shit! There are random thoughts jumbling inside my mind. I wish it wouldn't occupy a lot here because I really needed to finish my last final case study for Programming I. But, shit, it is. It took a lot of space inside my head.

Napasinghap ako at biglang napatingin si Mama sa akin habang yakap ang mga damit.

"May lakad ka ba?" tanong niya, nakataas ang isang kilay.

"Wala po..." sagot 'ko bigla. The gala ban is still on-going. Hindi pa muli nalalagi ang usapan tungkol doon. All we are doing, Kit and I, are obeying our parents. At least right now, they are talking to us now. Noong una talaga'y, hindi nila kami kinakausap sa sobrang sama ng loob. I understand them that they care too much about us, their children. Kaya ganoon na lamang ang pag-aalala nila sa amin.

Our fault for not informing them about our whereabouts.

"Magluluto sana ako ng Kaldereta pero naubusan na tayo ng patatas, pwede bang bumili ka sa SPAK saglit?" ani Mama, may dinudukot sa bulsa.

I stood up immediately. Sinara 'ko ang laptop at pinatong ang mga papeles 'ko roon. "Okay lang, Ma. Saka dito ka pa rin naman sa labas? Pwede 'kong iwan muna 'yong gamit 'ko?" Lumiban ang tingin 'ko sa aking gamit at napunta kay Mama na...papaloob na sa bahay.

"Oo, pwede. Kunin 'ko pa 'yong iba. Pasok 'ko na lang kapag magtiklop na 'ko," aniya.

Tumango ako ng ilang beses. Before I turned my back, I saw Mama smirked and shook her head. "Bait, a. Gano'n yata kapag may kasalanan."

My lips curved downward. Mama laughed at my reaction. Hindi ako makasagot.

"O, siya bumili ka na..." may halong pang pagtawa.

Nakabusangot lamang ako nang kunin ang bike sa likod ng bahay. Sumakay at pinaandar 'ko na iyon nang makita. It will just take me 10 minutes or less than that to go to SPAK. Sandaling minuto lamang ang kailangan unless wala ng patatas doon at kailangan 'ko pang maghanap sa ibang talipapa. Or worse, pumuntang palengke talaga.

The road seems not busy. Iilang tricycle or kotse lamang ang nakasabay 'ko sa daan. Walang pamilyar na tao akong nakasalubong sa byahe. Nadaanan 'ko na ang kalye kung saan ang bahay ng mga pinsan 'ko o kahit ang harap ng kalsada. Gripping the handle bar tightly as I biked my way to the place, I focused my eyes to the road. I trained myself not to get on in any trouble as I could.

Huminga ako nang malalim nang paikot na 'ko ng daan.

"Ish!" boses na pamilyar.

I looked over my shoulder for a second. Tinuloy 'ko ang padyak. "Ezra!" Kumunot ang noo 'ko. I zoned in on my focus, the road. Naramdaman 'ko ang pagsunod niya, ang mabilis niyang pagpadyak upang makahabol sa akin.

Hindi 'ko siya pinansin ng maigi.

"Saan ka pupunta?" The tone seems annoying yet he's fun.

Napahalakhak siya nang hindi ako sumagot.

"Oh, nagsusungit ka naman sa akin. Hindi pa naman kayo ni Jace, a."

Nanlaki ang mata 'ko. Mabuti't hindi 'ko natigil ang pagba-bike sa minutawi niya. How dare he! At bakit-at anong pinagsasabi ng isang 'to? Pa'no niyang nakalap ang ganitong impormasyon? Okay, it must be one of my cousins who can't zip his/her mouth. But my cousin will never spread information like that, okay?

In Between (SC, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon