Kabanata 8

1.5K 35 3
                                        

Kabanata 8

Next Time


Si Julia ay inis na inis sa mga pinsan naming lalaki pati na rin sa kapatid niya sa lakad namin noong weekend. Akala nami'y kami-kami lang ang pupunta sa Malolos, ngunit nagkamali kami kasi nakasunod din sila. Nakabantay ang mga kuya namin sa labas ng cafe, nagkekwentuhan tungkol sa mga tipo nila. Si Genesis ang naghatid sa amin papunta sa Unicorn Cafe at parehas kaming walang imikan sa buong byahe pati na rin sa pag-uwi. I'm good at it, not concerning about him.

In the end, naging masaya naman ang pagpunta namin sa Malolos dahil una sa lahat libre iyong kinain ko saka ang cute ng onesie unicorn. Kami-kaming magpipinsan na babae ay nagsuot nito. Kaming apat ay may kuha ng litrato, credits kay kuya Kit. Na pinilit 'ko pa. Para lang makuhanan kami p ng litrato ay kailangang lumuhod pa sa pakiusap. Lagyan daw ng credits.

Credit his face!

"Sa'n sila?" tanong ko kay Mai, inaayos ang bike.

"Sa bukid, nagdya-jogging sina kuya, e, nagpapataasan ng ihi," irap ni Mai at sumakay na sa bike. Mukhang pati si Mai ay hindi pa rin nakakamove-on sa nangyari noong nakaraang linggo. "Naku, kapag nakasalubong natin 'yon, magtatanong na naman 'yon sa lakad natin," sunod nito.

"Yaan mo na, 'di na makakasunod sa 'tin 'yon sa Enchanted Kingdom. 'Wag na lang tayong mag-ingay," ani ko at sumakay na rin sa bike.

Nag-umpisa kaming mag-bike ni Mai papuntang bukid. Si Julia ay susunod na lamang sa amin dahil nautusan siya ng Papa niya na bumili sa Wakas. Si Jayden ay lumuwas ng Maynila, papuntang UST.  Malapit na rin mag-umpisa ang klase niya katulad ni Jace, na sa UP naman nag-aaral. Na abala na rin sa pag-aakikaso ng mga requirements nila. Kaya panay luwas nilang dalawa at hindi nakakasama. 

And while gazing the surrounding, I wonder what it feels like to wander in these fields with them. The fresh air. Ang kaluskos ng mga dahon sa paligid at ang ingay ng palay. Ang pag-ungol ng kalabaw o baka. Ang tanong mayroon pa ba ang bukid nito? After all these years? I am not certain though. Many things had changed. It is bound to be altered in this world. Sobrang laki ng pinagbago ng bukid. Though the rice fields are still there. Mas lalong dumami lamang ang bahay na nakatayo.  It is not the same ten years ago.

I pushed the thought immediately.

I should be thinking about my case study again.

Tumawid kami ni Mai sa kabila at sinuong na ang daan. Naalala ko dati na hindi pa ganito kadumi ang patubig, ngayon ay tuyo't na ito. Dati'y lubak-lubak ang daan ngunit ngayon ay patag na. Ganon pa rin naman kasarap ang simoy ng hangin dahil sa mga punong nakapaligid. Nandoon pa rin ang mga sakahan ng palay. Ngunit malaki ang pagbabago ng bukid. Kapag tinuloy-tuloy ang pagba-bike ay makakapunta ka sa Memorial, isang pribadong sementeryo. Madadaanan din naman iyong pampublikong sementeryo. 

Bago pa naman kami makarating ni Julia doon ay napansin na namin ang nagkukumpulong grupo ng mga lalaki.

Pansin ko kaagad ang likod nina kuya Kit na humahagalpak sa tawa. Kasama ang iba naming mga pinsan.

"Gago, Tripp, mahulog ka n'yan sa patubig!" halakhak ni kuya Hunter habang tinitignan si Tripp sa pagsubok ng skateboard. "Dude! Hindi kami magpupulot sa'yo 'dyan sa kanal!" sunod nito.

"Yaan niyo 'yan!" sigaw naman ni kuya Landon, abala sa phone, ngiting-ngiti, lumilitaw ang dimples.

"Tuloy mo lang, bro! Ready na 'ko sa video!" tawa ni kuya Kit, sabay lipat ng tingin sa katabi. Si Genesis, abala naman din sa telepono, nakakunot ang noo. Nakipag-usap si kuya sa kanya ng tahimik, at nagtawanan ang dalawa.

In Between (SC, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon