Kabanata 6

1.7K 41 8
                                    

Kabanata 6

Magkakaroon Ba?


Sabado, ang araw kung saan tamad na tamad kang gawin ang mga activity or case study na binigay ng maaga, kung saan gustong humilata lang ng katawan mo sa kama at hintaying tawagin ka upang kumain, o kung saan matulog ng walang umiistorbo sa'yo kahit h'wag ng kumain. I am all on these things. I wanted to do all of these after a tiring week in school. Pabalik-balik ako ng tulog hanggang sa mapansing mag ala-sonse na ng umaga. Alam ko Linggo ng gabi ay pagsisihan ko ang ginagawa kong paghilata lamang. Na walang natatapos. Na kahit isa man lang sa gawain.

"Ate, sina ate Julia saka si ate Mai nandito! Hinahanap ka!" Kalabog ni Jere sa aking pintuan. My brows furrowed. Kaagad kong sinara ang aking mata dahil bumukas ang pintuan. Nagtalukbong kaagad ako ng mukha. Ngunit hinila ng magaling kong kapatid ang kumot. I scowled. "Bumangon ka na 'dyan, ate! Sabi ni Ate Julia, baka raw gusto mong sumama sa kanila sa Cafe Silvara. Dali na kasi!" Sa repleksyon na nakikita 'ko sa kumot nakita 'kong bumusangot si Jeremiah kasabay ng padabog na sara sa pinto ng aking kwarto.

Umiirap akong bumabangon.

Inayos ko ang aking buhok sa isang pusod pagkatapos ay napahikab. Pakiramdam ko kulang pa rin ang tulog ko na sampung oras o mahigit pa. I need more. I need a day to sleep and do nothing but to lie down forever, maybe. I yawned again. Bumaba ako at naabutan ko sina Julia saka si Mai, tutok ang mata sa panonood ng American Dad sa Fox. Ngiting-ngiti pa ang dalawa sa tuwa. Ang kapatid ko naman ay buryong-buryo. His nose scrunched in boredom. His small arms crossed furiously, watching. Hindi ko alam kung sa panonood o sa pagdating ng dalawa naming pinsan.

Ang dalawa'y nakabihis ng pang-alis. Si Julia, naka-itim na tee-shirt na nakaimprinta ang BTS sa damit. Sa Manila ang dami kong nakikitang ganito ang tatak. Mapalalaki man o babae. Base sa mga post ni Julia sa Facebook ay hilig na hilig 'to sa KPOP. Pati na rin yata sa mga Kdrama ba 'yon? Sa ibabang pangsuot nama'y nakaputi itong jean shorts. Nakaayos ang maikling buhok. Hinihipan ang bangs sandali. Habang si Mai,  lugay ang medyo kulot na buhok sa dulo. Naka-asul na sleeveless pagkatapos ay naka-pedal shorts. Kaming tatlo'y pare-parehas ang edad. Mas matanda lang ng buwan si Mai, sumunod ako, pagkatapos si Julia. Kumpara sa ayos ng dalawa, tila dinaanan ng bagyo ang akin. Lukot ang mahabang tee shirt at maikling jersey shorts. Hindi pa naghihilamos. Hindi ko alam kung may morning glory pa sa mata. And my breath...don't ever ask me a question.

"Isabelle!" tawag ni Mai nang ako'y mapansin.

Napatayo pa ito at nang papalapit ay mabilis akong tumakbo papuntang banyo. "Teka lang!" I said quickly. Muntik na 'kong madapa sa kilos. Kaagad akong naghilamos at nagmumog bago gerahin ang dalawa na alam kong hindi magpapigil. Na kahit ayawan ko ang pag-aya nila, pipilitin pa rin nila ako.

"Omo!" rinig kong wika ni Julia.

My brows creased. Ano 'yon?

"Ish, sama ka na please!" sunod ni Mai.

Kumalabog ang pinto ng banyo.

"Isabelle Renee, sumama ka na sa amin! Libre naman ni Mai iyong frappe mo--" si Julia.

"Ano!" biglang gulat ni Mai.

Ngiting-ngiti kong binuksan ang pintuan sa narinig. Kahit na basa pa rin ang mukha ko mula sa paghihilamos. Kapag talaga, salitang libre, kahit anong katayuan mo mapapaawat ka para sa pagkunpirma, e. Ngising aso akong humarap kay Mai tapos kay Julia na paulit-ulit ang Omo sa bibig. "Hala! Hindi ah! Wala naman akong sinasabi ha! Uy, Julia--" awat ni Mai.

I cut her off.

I crossed my arms and tapped my foot. "Sama na 'ko. Libre naman pala ni Mai, e."

In Between (SC, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon