Kabanata 9
Satan's Pawn
Isang malaking usapan sa mga pinsan naming lalaki ang tipo ni kuya Kit kahapon. Hanggang sa group chat namin sa Facebook ay iyon ang usapan nila. Muntik na nga kaming apat na mga babae'y mag-leave sa chat dahil dito. Puros emojis lamang ang binabato namin. Sa pagkakaalalam ko'y umalis na pala si Jayden ngunit binalik lang ng magaling niyang kapatid na si Tripp. Ramdam kong hanggang ngayo'y iyon ang pagkekwentuhan nila.
Mabuti na lamang ay aalis kaming apat na hindi nila alam! I hope no one eavesdropped our talk. May secret group kami sa Facebook na hindi alam ng kahit sino man sa mga pinsan namin. Dahil oras na malaman ng isa iyon at hindi pa rin nila pasukan, natitiyak kong may paraan ang mga iyon sa pagsunod sa amin!
Kaya, we need to move secretly.
And slowly.
Like my very movement.
Bukas na ang wifi nang ako'y magising. Ang telepono ko ang una kong dinampot nang ang mata ko ay dumilat. Binuksan ko kaagad ang Facebook at may ilang notifications mula sa mga group na sinalihan ko. Mostly, mga fandom groups ng mga fave artists or banda na fan-based nila dito sa Philippines. Lumipat ako sa Twitter upang makita kung anong trending. Sumabog ang messenger ko nang sunod-sunod ang mga messages sa mga group chats na sinalihan ko. Tinignan ko muna ang group chat namin magpipinsan.
Tripp Salem Mendez:
San kaya pwedeng pumunta ngayon, kuya Kit?
Kit Loren Mendez:
Laguna?
Plus devil emoji.
Nanlaki ang mata ko sa mga sagutan ng dalawa. Lalo na ng sumingit sina kuya Hunter at kuya Landon.
Hunter Gibson Mendez:
Starcity na lang kaya?
Landon Theon Mendez:
Extreme rides...
Added by pissed-off emojis, or nauseated emojis?
Kagabi pa ang mga messages na 'to at mukhang sila-sila lang ang nag-uusap. Madaling araw at nagbabangayan na tila wala kaming alam sa pinagsasabi. Magtitipa na sana ako nang makita kong nagtitipa na si Jayden. Hinintay ko ang sagot niya.
Jayden Lilith Mendez:
Ah, sabihin niyo na lang pupunta rin kayo ng EK.
Dinugtungan ng middle-finger-something emojis in her own.
Jayden Lilith Mendez:
Malaman ko lang kung kanino niyo nalaman 'to...
Jayden Lilith Mendez:
thanks, kuyas and tripp
I scoffed when a message popped up.
Tripp Salem Mendez:
Ready na 'ko.
May larawan pa nang sarili na nakadila habang nakaporma ng simpleng tee-shirt at pantalon. Mirror shot na nang-aasar para sa amin. Sunod-sunod ang kuha, pino-portay ang mga paborito naming shot na mga babae. Si Julia, shoefie. Si Mai, ang gamit na dadalin. Ako, bintana kasama ang ulap. At si Jayden na nakakaloko ang kuha ang sarili. Sumunod na nagpasa ng mga picture ang mga lalaki naming pinsan ng mga larawan nila, maliban na lamang kay kuya Hunter. Sina kuya Kit, Tripp, at kuya Landon, may mga kuha ng kung ano-ano, na paalis na sila. Nang-aasar sa amin.
BINABASA MO ANG
In Between (SC, #4)
Teen FictionBecause of a tragedy, Isabelle Mendez had to stay in her childhood's hometown. Sa hindi inaasahang pagbalik ay pagbalik din ng ilang alaala ng kanyang puso. The fragments of cheerful life with her cousins and her friends in the province. Particular...
