Kabanata 10

1.4K 28 2
                                    

Kabanata 10

Mark my word


Hinuli na namin ang mga wet rides katulad ng Jungle Jam at Rio Grande. Since maraming tao'y, extreme rides na talaga ang inuna namin para masulit ang binayad. Nakasunod ng nakasunod ang mga pinsan namin sa amin. Nang may kausapin lang si Jayden na kakilala niya'y napapunta kaagad ang mga kuya namin sa tabi niya. Napailing at napatawa na lamang kami nina Julia at Mai. Maayos na si Julia pagkatapos, at hindi na sumusubok nang extremes. Kasama na niya lang ang kapatid sa mga okay-na-hindi-nakakahilong-rides.

Uminom ng tubig si Jayden nang humarap sa mga lalaki. "Ugh! 'Pag 'di pa kayo tumigil!" Sabay irap sa kanila. "Para kayong mga ano!" dagdag niyang inis sabay inom muli. Her eyes narrowed even more to our boy cousins. Sila nama'y nag-alisan ng tingin sa kanya ngunit sumisilip ang ngiti sa labi. Si Tripp lang yata ang nagpapakita ng harot sa nakakatandang kapatid. "Bakit, Jaydi? Gigil ka na?" halakhak nito.

Jayden flipped him off, raising two of her middle fingers. Umirap ito at nagmartsa sa pwesto namin nina Mai at Julia. "Tara na, girls!" hiyaw niya. Hinatak niya ang dalawa habang ako'y sumunod sa kanilang lakad. When I looked at our cousins, I saw them following us. I set each one of them a glare. Nagbubulungan ang apat na tila nagsisisi sa ginawa. Not that they are wrong, no, they are just a over...protective.

"Parating na ba 'yong magkapatid?" narinig kong boses ni kuya Hunter.

"Dala yata ni Genesis girlfriend niya..." ani Tripp.

I don't know why I stopped for seconds on moving. Umiling na lamang ako upang itulak iyon kung saan hindi ko na mahahanap pa. Of course, Genesis could have a girlfriend! He's...may itsura. Mukha namang pumapasok sa relasyon ang taong 'yon! Saka dapat wala talagang pake. Mabuti na lang talaga'y parating rin si Jace. Iyong ang good news!

Ngiting-ngiti na 'kong tumakbo upang makasabay sa mga babae kong pinsan.

"Si Jace kasi nagsabi sa kanila, e," maktol ni Julia, sabay hipan ng bangs

"Sorry, guys!" Napabusangot si Mai. "'Di ko lang talaga napigilan sarili ko..."

Sabay kaming napabuntong hininga ni Jayden. Nagtipon-tipon kaming apat at pumorma ng pabilog habang nag-uusap. "Okay lang 'yon, Mai. Naiintindihan ka namin," ani Jayden, "next time girls. We need to clamp our lips, ah. Kahit crush pa natin 'yong kausap natin." Namula ang pisngi ni Mai. "We could have a peaceful lakad without them. Sa susunod naman na gala sasama natin sila."

I heard Julia mumbled, omo.

"Tama, tama," sang-ayon 'ko. "Dami pa natin plano, ah." Isa-isa ko silang tinignan. "We need to plan secretly na ah, para 'di na tayo nahuhuli."

"Ang plano natin ngayon, i-enjoy na lang natin iyong binayad natin. Hayaan na lang natin iyong mga trip nila," suhestyon ni Jayden. Umakbay siya sa amin ni Julia. She looked at us, eye to eyes. "Okay?"

Sabay-sabay kaming tumangong tatlo at naghiwalay-hiwalay mula sa kaninang pwesto. "Hindi na talaga mauulit! Promise!" bulong ni Mai. "Pero kain na tayo ulit? Please! Kanina pa 'ko gutom ulit!" Ngumuso ito habang tinitignan ang pagkain sa harap namin, malapit sa Anchor's. 

Sumagot si Julia pati na rin si Jayden. Nilingon ko naman ang mga pinsan namin na pare-parehas na nakikinig sa usapan ni Tripp saka ng katawagan. Umirap ako at hinarap na lang ang mga pinsan 'kong babae.

**

Nakapila kami sa Jungle log nang sabay-sabay kaming napalingon nang humalakhak ang dalawang pamilyar na boses, si kuya Kit at Tripp. Nang lingunin namin ang pila'y nakita namin ang tatlong bagong dating. Sina Genesis, Jace, at ang girlfriend daw ni Genesis. Well, napaismid akong pinagmamasdan ang galaw nila.

In Between (SC, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon