Kabanata 2

3.2K 60 2
                                    


Kabanata 2

Never Look Back


Huli na 'ko para sa unang klase ko nang makarating ng PUP kanina. Mabuti na lamang late din si Prof kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko inaasahan ang punuang ng bus sa amin—sa may Wakas. Ilang bus na ang dumaan ngunit wala ng pwesto. I hate Mondays and traffic. Isama pa ang mahabang pila sa LRT. Isama pa ang punuang Jeep na Punta. Isama pa ang init ng araw sa umaga. Ang hirap. Sa byahe palang papuntang PUP, pagod na 'ko. Mabuti na lang Tuesday at Thursday ang Programming subject dahil kung natapat pa 'tong Monday baka mapa'no na 'ko. Kaya 'ko ng hulaan kung ano ang magiging grado 'ko!

Antok na antok pa 'ko, at kinakalabit na lang ako ni Cassie kapag tumitingin ang Prof sa aming pwesto. Hindi kasi ako makatulog kahapon kahit sa sobrang pagod. Sa pagbuhuhat. Sa pag-aayos ng gamit ko. Sa paglangoy. Dahil nakikisama pa rin ang katawan ko sa bagong tirahan. Sobrang ingay pa ng katahimikan kapag gabi dito sa amin. It felt weird though to call this home again. Iyong mga insekto iyong maingay, e. Kung sa Manila 'to, ingay ng sasakyan ang sasalubong.

Si Cassie o Cassandra ang palagian ko ng nakakasabay pauwi. Parehas kasi kami ng mga tatahaking daan. From LRT Recto o kaya Jeep papuntang Recto pagkatapos LRT 1 Monumento. Siya mag-jeep pa-Valenzuela, ako naman sasakay ng bus pa Bulacan.

The half-crescent circle under my eyes are visible. I think, I yawned in million times. I rolled my eyes internally, convincing myself. Wala tuloy akong naintindihan sa unang klase, nagsusulat lang ako at napapaidlip ng kaunti. Nagbigay lang ng aaralin si Prof pagkatapos ng iyon ay nagpalabas na.

"Natulog ka ba?" ani Cassie habang inaayos ang binder sa bag.

"Oo. Isang oras," ani ko at pumikit nang humikab na naman.

"Hmmm..." aniya, "tapos galing ka pang Bulacan..."

Kinusot ko ang mata ko at tinapik ang pisngi ko. I took a deep breath. Pakiramdam ko lumulutang ako. May isang klase pa ko ngayong araw at parang ayoko ng pumasok. Kung matulog na lang ako? Umuwi? Hindi naman siguro malalaman nina Papa at Mama iyon...

Iniba ko na lamang ang usapan. "Sa East pa rin, 'di ba 'yong next class?" ani ko.

Tumango lang si Cassie sa akin. Nilagay ko na ang notebook ko sa loob ng bag ko nang magsitayuan ng ang mga kaklase ko para lumabas ng kwarto. Gulo-gulo pang iniwan ng ilang ang mga upuan. I almost shoot a dagger, seeing this mess. Tumayo na ako nang tumayo si Cassie.

"11:00 pa," ani Cassie pagkalabas ng kwarto.

"Kain muna ba tayo?" tanong ko.

Ilang estudyante ang nakasabay namin sa hall. Ang ilan naming kaklase ay nanatili sa South. Ang ilan ay bumaba na para kumain. May less than hour pa kami bago ang susunod na klase.

"Ikaw?" tanong niya.

"Kain na tayo. 'Di pa 'ko kumakain mula kanina..." 

Tumango si Cassie. Sa dome kami naglakad—paikot iyon at padausdos ang daanan. Habang papalakad pababa mula sa fourth floor, napag-usapan namin ang case study sa Programming. Natapos ko na iyong isa noong sabado, iyong isa, dami pang errors na naiwan. Nakaka-tempt na ring tumingin ng code sa internet dahil puro line of errors. Tinanong ko siya kung tapos na siya sa dalawa. Tapos na siya! Minsan talaga ang katamaran ko wala sa lugar. Isang linggo na binigay iyon, e, pero malapit na sa deadline ko palang umpisahan. Kasi naman, nagbigay kaagad ng case study, sumabak kaagad sa pagko-code, nahilo ang utak ko! Hindi pa naman ako kagalingan!

Sa loob ng Intra ang bilihan ng makakain. Mini-Intramuros iyon dito sa unibersidad. Mabuti na lang talaga sobrang budget meal ang pagkain dito sa PUP. Mga unang linggo ko sa Sampaguita Canteen pa 'ko—kami kumakain pero nang hindi na 'ko umaarte-arte, siomai rice na kasi twenty lang, busog na 'ko. Ngayon, hindi muna kami siomai kasi pasalit-salit kami noong isang linggo sa fried o kaya steam baka maging balat na kami ng siomai ni Cassie. Sa tig-thirty five meal naman kami, may sarsa naman. Ako na ang bumili sa amin ng lunch, siya nama'y bumili ng tubig namin. Sa unang stall iyong binilhan ko dahil masarap daw mga ulam dito! Saka proven naman kasi daming bumibili! Halos humaba na ang pila o nagkakagulo na sa harap! Mabuti nakasingit ako kahit papaano!

In Between (SC, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon