Kabanata 5

1.6K 47 4
                                    


Kabanata 5

Aso't Pusa


Matapos kong makakain ng agahan ay kaagad akong umalis ng bahay para pumasok. Mahigit dalawang oras ang nilaan kong oras sa pagbabyahe ngayon dahil natatakot na 'kong ma-late sa sa klase. Okay lang na kalahating oras na una ako sa room, okay na 'yon dahil pwede pa 'kong matulog o matanong kay Cassie iyong pinapagawa ni Prof. Reyes. Sa pagpunta palang sa Wakas kung saan humihinto ang bus sa amin ay traffic na. Hindi pa Biyernes pero ganito na. Hindi rin Lunes pero ganito na katindi.

I breathed a sigh.

Sakto namang may bus na nang ako'y makarating sa Wakas. May upuan pa kaya ngiting-ngiting aso ako. Pwede pa 'kong mamili kung saan pupwesto. Masaya akong pwede pa 'kong mag-review para sa exam. Hindi kasi ako gaanong nakapag-aral kasi nag-binge watch ako ng series. Hirap talaga na may umaagaw ng atensyon mo. Mag-review sa exam o manood ng series. Tough choice though!

Sa tatluhan ako umupo, pang-apat mula sa una, solo ko lang iyon kaya nilagay ko ang bag sa tabi. Nilabas ko kaagad ang notes ko at mag-umpisang gumala ang mata ko sa sinulat. Hindi pa umaandar ang bus at naghihintay pa rin ng pasahero. Hindi ako 'ko makuha ang atensyon sa binabasa dahil sa bawat taong pumapasok sa loob ng bus.

Focus, Isabelle!

I closed my eyes tightly when the information started to flow inside my mind.

Binary. Decimal. Octal. Hexadecimal. BCD. Shit. Shit.

Hindi talaga matuon ang atensyon ko kaya makikinig na lang ako ng songs. Mas may focus kasi ako kapag nakikinig ng mga kanta. I put my buds on my ears and started to skimmed my notes. My eyes wandered to it. And thank God, may naalala na 'ko sa mga binabasa ko. Sakto namang umandar na ang bus ngunit napahinto ulit nang may sumakay. Nanatili ang mata ko sa notes at sa pagkakabisa. Siguro naman sa byahe na 'to papuntang LRT Monumento, mangangalahati ako.

May umupo sa aking tabi, sa gitna ang bag ko kaya kaagad kong inalis ito at pinatong sa hita. Humalimuyak ang panglalaking pabango nito dahil umusad pa siya. Napakunot ako ng noo ngunit hindi ko pinansin at tinuon ang atensyon sa aking notes. Konti na lang, matatapos ko na 'tong first page, e! Tapos maganda pa ang song na tumutugtog, Stockholm Syndrome pa ng 1D. Hindi ko tuloy alam kung kakanta ako sa loob-loob ko o magkakabisado?

I shook my head. Of course, review!

Napapikit ako upang kabisaduhin at unawain ang mga nakasulat sa papel ngunit may naramdaman akong paglapit sa akin. Napabukas ako ng mata at nakita ko sa gilid ng aking mata na sumisilip ang katabi ko. Hindi na 'ko nag-alinlangan na lingunin siya.

Kumabog ang dibdib ko sa nakikita ko.

"Genesis!" Kaagad kong tinakpan ang bibig ko dahil napalakas ang boses ko. Napatingin pa ang konduktor sa akin kaya napayuko ako. My eyes suddenly checked the surrounding. Nakahinga ako ng maluwag nang wala naman nakatingin sa akin—sa aming pwesto.

Sinamaan ko ng tingin si Genesis dahil patuloy pa rin siya sa pagsilip sa notes ko. Umangat ang tingin niya at napakurba ang labi niyang mala-rosas sa akin. Pinipigilan niya ang ngiti habang pasalit-salit ang tingin sa notes ko at sa aking mukhang masama ang tingin sa kanya.

"Kinakabisado pa ba 'yan?" aniya sabay iling.

Inalis ko ang earbuds sa aking tainga.

Napasuklay siya ng buhok gamit ang kanyang kamay. Hindi na niya napigilang mangiti.

Napasandal siya sa upuan at tumagilid ang kanyang ulo upang ako'y tignan ng mabuti. His eyes lingered over my features. Napalunok ako ngunit nanatiling masama ang tingin ko. Niyakap ko ang notes ko at napairap sa kanya.

In Between (SC, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon