Chapter 9
Timber LandNagising ako mula sa mahimbing kong tulog nang maramdaman ang marahang pagtapik sa pisngi at balikat ko. Pagkamulat ko ay bumungad sa'kin ang mukha ni Joshua na naiipit ang nakasinding yosi sa bibig niya.
"We just arrived here in Timber Land. " aniya at naupo sa tabi ko sabay patay sa yosi niya.
I thought he forgot how I hate the smell of cigarettes.
Umayos ako sa pagkakaupo at dumungaw sa bintana. Nakikita ko ang tahimik na at payapang lugar. Nakaparada ang bus namin sa gilid ng kalsada kung saan nagkalat ang ilang katawan at nagliliparan na mga dyaryo.
Panibagong lugar. Hindi ko na naman alam kung ano ang mangyayari sa'min dito.
Napatingin ako sa harap nang lumitaw si Jun mula sa upuan. He rest his chin on the headboard of the chair. Umismid ako nang mapansin ang nakakasar niyang titig.
"Bakit matigas ulo mo?" tanong niya sa'kin.
"Sino ikaw?" pagbabalik ko.
"Alam kong matigas din ang ulo ko pero hindi naman kasing tigas ng sayo."
"Alangan namang tumunganga lang ako diba?" sinipa ko ang likod ng upuan niya kaya naman napamura siya.
Napalingon ako kay Josh nang hinawakan niya ang kamay ko at itinaas na para bang sinusuri. Napailing siya ng may makitang mga sugat sa kamay ko. Kinuha niya ang bag sa harap ko at inilabas ang alcohol at cotton.
"Malayo naman 'yan sa bituka." saad ko at sinubukan na bawiin ang kamay ko pero hinila niya lang ulit ito.
Hinayaan ko na lamang siyang linisin ang mga sugat ko. Siya naman talaga ang tagalinis ng sugat ko mula pa ng mga bata kami hanggang ngayon.
Since we were kids, he stands as our nurse. Mula ng maghigh school kaming tatlo ay laging nasasangkot sa gulo si Jun. Of course kaklase ko siya noon kaya naman resbak niya ako kapag wala ang ibang tropa niya. Mas matanda sa'min ng isang taon si Joshua kaya madalas pinapagalitan niya kami. Palagi niyang ginagamot ang mga pasa namin ni Jun para hindi makita ng mga magulang namin dahil ayaw niyang napapagalitan kami.
"Hindi ko talaga alam kung anong kagaguhan ang tinuro sayo ni Jun pero Kira, naniniwala ako sayo. Alam kong matino ka mag-isip pero sana naman isipin mo rin ang sarili mo bago ka sumugod sa isang bagay. Magiging useless ang pagsama mo sa'min kung mawawala ka." kalmadong sabi ni Joshua sa'kin.
"Fuck, anong tinuro? Wala akong tinuro diyan ah!" Jun hissed defensively. "Kagaguhan. Inborn na yang katigasan niya." bulyaw na naman niya at nagawa pang abutin ang noo ko at pinitik.
Ilang sandali lang ay iniwan na ako ng dalawa at nagpunta sa harap kung nasaan ang iba. Napabuntong hininga na lamang ako at inayos ang sarili. Kinuha ko ang baril na nakalatag sa sahig at nilagyan ng mga bala. I checked my bombs and found out that I only have two mill bombs left.
Pati ang mga bala ko ay kaunti na lang. Sana man lang ay may makita kaming gun shop dito.
Tumayo na ako at nilibot ang paningin ko sa buong bus. Nahagip ng mga mata ko sina Harvey at Harry na nag-uusap. Si Volt ay kasama ang mga pinsan ko. Nahinto ang mga mata ko sa lalaking nasa likod ng upuan kung saan ako nakaupo.
Nakapikit siya at nakakrus ang mga balikat habang nakasandal ang ulo niya sa bintana. Scott looks like a fallen angel when he sleeps but when he's awake, he looks like a dangerous devil.
BINABASA MO ANG
Dawn Of The Walkers
Horror𝐻𝒾𝑔𝒽𝑒𝓈𝓉 𝓇𝒶𝓃𝓀: 1 in zombie; 2 in apocalypse How much courage and faith do you have to survive? Will you run for your life in the midst of disaster or will you stand up there and wait for your death? Kira Carson had the chance to wake up a...