Chapter 8
Back Up!Nagising ako ng may jacket na nakatakip sa katawan at napaisip kung kanino ito dahil wala naman 'to kanina nang matulog ako. Umupo ako mula sa pagkakahiga habang kusot kusot ang mata. Napahikab ako at nag-inat ng ilang beses habang nagtatali ng buhok.
"Nasaan sila?" tanong ko sa sarili ko nang mapansing wala silang lahat sa kwarto na pinagtulugan namin kagabi.
Tumayo ako at isinuot muli ang mga belt bags pati ang earpiece. Dinampot ko ang rifle bago umalis sa lugar kung saan ako natulog. Iniisip ko na baka nasa labas na sila ng silid na ito. Malaki kasi ang stock room dito rito na parang isang buong classroom na hinati sa dalawa.
Pinihit ko ang doorknob tuluyang binuksan at nakita ang mga kasama ko na kausap si Scott habang nagkakape. Seryoso silang nag-uusap at narinig ko ang pagbanggit nila sa pangalan ng Algo.
Agad naman silang napalingon sa gawi ko ng bumati ako sa kanila ng magandang umaga. Bored akong naglakad papunta sa kanila at diretso sa tabi ni Joshua.
"Good morning sa pinsan kong matigas ang bungo!" nakangising bati sa'kin ni Jun.
I mocked a face and raised my middle finger at him. Nasa tapat ko lang siya kaya kitang kita ko ang makapal niyang mukha.
Tinanggap ko ang kapeng iniabot sa'kin ni Josh. "Thanks."
Kumuha ako ng tinapay na nasa gitna namin. Inabot ko ang isang bottled water at ibinato kay Jun na patuloy sa pang-aasar. Napapansin ko rin ang mga titig ni Scott ngunit hindi ko 'yon pinansin.
I would honestly say that he looks dark and mysterious because of his sharp eyes and aura. His silver piercing glitters to my eyes and his black hair satisfies the visual.
"What's our next plan boys?" tanong ko habang umiinom ng kape.
"Ang pabaitin ka, ang tigas kasi talaga ng ulo mo 'e." umiiling na sagot ng pinsan ko sa kabila.
I really want to shower him with my coffee.
May problema talaga ang gagong 'to sa bungo ko 'e. Kung tutuusin mas matigas ang ulo niya.
"Ah, nakakatawa yon?"
"Oo, sige iyak ka na."
Inirapan ko lang siya. Minsan talaga ang sarap bugbugin ng pinsan ko.
"Tumigil na nga kayong dalawa. Paguuntugin ko na talaga kayo. " katyaw sa'min ni Josh.
"Iyang pinsan mo kausapin mo."
Tumigil na kami dahil baka barilin kami ng pinsan ko rito kapag nainis siya. Inulit ko nalang ang tanong ko kanina na hindi nasagot dahil kay Jun.
"Sa Timber Land ang punta natin ngayon." si Harry ang sumagot sa tanong ko.
"Lilibutin ba talaga natin ang lahat ng bayan? Wala man lang ba tayong lead kung saan talaga pwedeng magsutsot si Algo?" tanong ko.
"Why? Tired already?" singit ni Scott sa usapan.
"May sinabi ba ako?" masungit kong sagot at umirap.
Binaling ko ulit ang atensyon ko sa nga kasama ko. I want to know their plans.
Harvey started to talk. "We have leads already, Kira. As what Manong Abdul said earlier, 10 cities are infected and their are 5 cities na pwedeng puntahan ni Algo."
BINABASA MO ANG
Dawn Of The Walkers
Horor𝐻𝒾𝑔𝒽𝑒𝓈𝓉 𝓇𝒶𝓃𝓀: 1 in zombie; 2 in apocalypse How much courage and faith do you have to survive? Will you run for your life in the midst of disaster or will you stand up there and wait for your death? Kira Carson had the chance to wake up a...