Chapter 15
PsycopathDon't trust anyone. Iyon ang palagi kong iniisip kapag lumalapit sa'kin si Flynn. Hindi ko siya kilala, hindi namin siya kilala. Tinulungan niya lang kami ngunit hindi ibig sabihin no'n ay magtitiwala na kami.
Every traitor has a mask. Siguro nga ay traydor din siya. Na baka sa huli ay papatayin niya rin kami para masolo niya ang pagpatay kay Algo o baka naman kapag sama sama kaming pumatay kay Algo at natapos na ang lahat ay kami naman ang tatapusin niya.
Strategies.
Tatlong araw na mula nang nakasama namin si Flynn. Nanatili pa rin kami sa bayan na ito. Hindi pa namin kayang sumugod sa kabilang bayan dahil kulang kami sa gamit. Sa mga nagdaang araw ay nakakuha kami ng iilang baril at bala mula sa tindahan at sa mga bahay bahay ngunit kukulangin pa rin kung susugod kami.
"Beer?" yaya sa'kin ni Flynn.
Umiling ako. Nandito kami sa isang bar. Maliit lang ang bar na ito kumpara sa bar na pinuntahan namin noon. Isang stage at counter lang ang nandito.
"She's not allowed to drink." wika ni Scott na nasa gilid ko. Nilagok niya ang bote ng beer ng hindi lumilingon.
"I'm actually allowed. Ayoko lang malasing." sagot ko at tinignan ulit si Flynn. Tumaas baba ang kaniyang medyo makapal na kilay at ngumuso.
"Mag-isa ka nalang ba talaga?" I asked.
"Wala na akong mga magulang and I was separated to my friends when this happened." sagot niya at inubos ang laman ng kaniyang bote.
Nakatitig ako sa baso na nasa harap ko ng maramdaman ko ang kamay sa balikat ko. Tumindig ang balahibo ko ng malamang kay Flynn ang kamay na 'yon. Tinignan ko ang kamay niya saka ang mukha niya.
"Hands off dude." matigas na sabi ni Scott. Mabilis namang kinuha ni Flynn ang kamay at itinaas habang nakangisi.
Si Scott naman ang tinignan ko ngayon. Kahit na umiwas agad siya ng tingin ay alam kong matalim ang titig niya kay Flynn. Hindi ko alam bakit. Nag-igting ang kaniyang panga. Nagpaalam si Flynn na magbabanyo muna siya sandali kaya naiwan kami rito.
"You should stay away from him."
Ngayon ay tumagilid ako para harapin si Scott na hawak pa rin ang alak niya.
"Why would I?" tanong ko kahit alam kong dapat naman talaga.
"Just do what I said."
"Bakit kita susundin?" I raised my one eyebrow.
He gave me a death glare. Tumawa lang ako ng mahina. "Kapag hindi ka lumayo sa kaniya ako mismo ang gagawa ng paraan."
"Seriously? Kailan ka pa naging ganiyan ka protective Scott?" he shrugged at me.
Sabay naming nilingon si Jun nang tinawag kaming dalawa. Sumenyas siya aalis na kami. Tumango ako at inubos ang tubig sa baso ko saka kinuha ang katana.
Naghanap kami ng matutuluyan para sa gabing ito. Bukas na bukas din ay aalis na kami. Ilang linggo na kaming nasa labas at wala pa ring senyales na nandito si Algo.
Tahimik lang kaming naglalakad habang nasa daan. Medyo madilim din dahil sira ang mga street lights. May iba na patay sindi. Nasira ang van ni Flynn kahapon kaya palakad lakad nalang kami.
Sa hindi kalayuan ay may naaninag na naman kaming grupo ng mga zombies at tumatakbo papunta sa'min nang makita kami. Napairap at napamura na lang ako saka sumabay sa pagtakbo nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/161938477-288-k903163.jpg)
BINABASA MO ANG
Dawn Of The Walkers
Horror𝐻𝒾𝑔𝒽𝑒𝓈𝓉 𝓇𝒶𝓃𝓀: 1 in zombie; 2 in apocalypse How much courage and faith do you have to survive? Will you run for your life in the midst of disaster or will you stand up there and wait for your death? Kira Carson had the chance to wake up a...