Chapter 23
Unknown Creature
Nagising ako na nakapulupot ang mga balikat ni Scott sa'kin na para bang pinoprotektahan ako mula sa pagsabog kanina. Minulat ko ang mga mata ko at pinilit na igalaw ang sumasakit kong mga braso.
Scott groaned so I got up. Umupo ako at napahawak sa ulo ko. Madami akong galos na natamo ngunit mas marami ang sugat ni Scott. Madami ang sugat sa balikat niya at may punit ang kaniyang noo. Umupo rin siya sa tabi ko at napahawak sa ulo niya.
"Are you okay?"
Medyo awkward dahil sabay naming tinanong ang isa't-isa ngunit hindi ko pa rin inalis ang mga mata ko sa kaniya. Nang dahil sa pagprotekta niya sa'kin ay nadagdagan ang mga sugat at galos niya. Great.
"I'm good. Ikaw dapat ang tinatanong niyan Scott."
"I'm okay."
"You're not." giit ko at hinawakan ang panga niya para humarap siya sa'kin at makita ko ng maayos ang sugat sa kaniyang noo.
"I'm okay because I'm still with you." he retorted.
My eyes went down to his smirking lips. Kung hindi lang marami ang nakikita kong mga sugat sa kaniya ay baka binugbog ko na 'to.
"Stop those lines, Scott." sabi ko at umiwas ng tingin. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
Kinuha ko ang bandage sa safe bag ko at inagaw sa kaniya ang balikat niya. Tinuon ko ang sarili ko sa paggamot sa kaniya kahit na naiilang ako dahil alam kong nakatitig siya sa'kin.
"Tara na." saad ko at tinulak siya ng marahan.
Nang makatayo ako ay kinuha ko ang katana ko na tumilapon sa kung saan kanina at ibinigay na rin kay Scott ang baril na ginamit ko kanina. Paubos na ang kaniyang bala pati ang mga granada.
"Wait," pigil niya sa akin sa paglalakad. "Stay behind me."
My eyebrow raised at its fine. "What?Tara na Scott, kailangan na nating magmadali."
"Stay behind me." diin at ma-awtoridad niyang sinabi ulit. "Cooperate please."
"Wow." napairap na lamang ako at nagpunta sa likod niya.
We started to walk the path silently and alert. Pareho naming hindi alam kung nasaan kami ngayon. Medyo madilim dito. Sa pagkakaalam ko ay sa basement kami nanggaling kanina.
"May pinto." turo ko sa may dulo. Tumango siya.
Tinahak namin ang daan hanggang sa makapasok kami sa pintong iyon. Kumunot ang noo ko ng makita ang lugar. Paano nangyaring nasa isang tunnel na kami? Nilingon ko ang pinanggalingan naming pinto at pinilit intindihin ang lugar.
It's dark and creepy here. Sobrang tahimik at paniguradong konting ingay ay mage-echo rito. May mga ilaw ngunit dim lang at ang iba ay patay sindi pa.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Sana lang ay makalabas na kami rito at sana lang talaga walang mga peste dito dahil hindi namin alam kung saan kami pupunta. Nagtaka ako ng may makitang sasakyan. Lumang sasakyan. Si Scott ay nagpatuloy sa paglalakad habang ako ay lumapit sa sasakyan.
"Sira na 'yan. Tara na." utas niya.
"Just a minute, Scott."
Pinagpatuloy ko ang pag-check sa sasakyan. Tinignan ko ang loob at napansin na medyo ayos pa naman. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan. Medyo maalikabok pa sa loob. Hahawak pa lang sana ako sa manibela nang mapansin kong parang kakaiba ang kinikilos ng kasama ko sa labas.
![](https://img.wattpad.com/cover/161938477-288-k903163.jpg)
BINABASA MO ANG
Dawn Of The Walkers
Terror𝐻𝒾𝑔𝒽𝑒𝓈𝓉 𝓇𝒶𝓃𝓀: 1 in zombie; 2 in apocalypse How much courage and faith do you have to survive? Will you run for your life in the midst of disaster or will you stand up there and wait for your death? Kira Carson had the chance to wake up a...