Chapter 32: A Decision To Make

2.9K 193 0
                                    

Chapter 32

A Decision To Make


"Scott! Isang oras na tayong naglilibot!" reklamo ko.

Dahil sa dami ng mga tao at sa ingay ng paligid ay kailangan pa namin magsigawan ni Scott para lang marinig namin ang isa't-isa. Isang na oras at kalahati na kaming naglilibot dito pero hindi pa rin namin sila makita.

"Sa kabilang building tayo! Tara!" desididong aniya at hinila ako paalis sa kinatatayuan namin.

Kakapasok pa lang namin sa building ay may isang nakauniform na sundalo ang lumapit sa'min. May dala siyang plastic bag na may lamang pagkain at tubig na binigay niya kay Scott.

"Kumain na raw muna kayo sabi ng General. Huwag kayong mag-alala, pinagpapatuloy pa rin namin ang paghahanap." wika nito.

Nang makaalis na ito sa harap namin ay inabutan ako ng pagkain ni Scott pero tubig lang ang kinuha ko. "Doon tayo!"

Nagpatuloy kami sa paghahanap. Sumasakit na rin ang ulo ko sa labis na pag-iisip kung nasaan na ang pamilya ko at kung ano na ang nangyayari sa mga iba pa naming kasama. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kanila sa mga oras na 'to.

Naikot na namin ang building na ito ngunit wala pa rin ang presensiya nila kaya mas lalo lang akong kinakabahan. Inaya ko si Scott na subukan namin sa taas kaya mabilis niya akong hinila at tinahak ang hagdanan papunta sa taas.

Hindi ko alam kung bakit parang ang bilis kong panghinaan ng loob ngayon. I have my strongest faith before but after I heard about Cloak, I think it turned down. I was slowly losing hope until now. Yet I am still thankful to the man I am with, he was more determined than me.

"Scott! Teka lang!" pigil ko sa kaniya at binawi ang kamay ko.

Huminto siya sa at tinignan ako habang nakatingin sa isang direskyon. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa isang babae na nakatalikod sa'min. Kumukuha siya ng tubig sa isang cooling machine.

Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Ramdam ko na parang kilala ko ang babaeng ito kaya ng malaman ay hinila ko ang babae paharap sa akin. My eyes automatically widened in just a split second.

"H-Hannah," napakurap ako ng ilang beses sa nakikita ko. "HANNAH!"

"Oh my God! Ate Kira!"

Mabilis ko siyang hinila at niyakap ng sobrang higpit at halos himatayin na ako sa pag-iyak. Si Hannah, ligtas pa ang kapatid ng pinsan ko. Hinarap ko siya at pareho kaming hindi matigil sa pag-iyak.

"ATE KIRA! AKALA KO HINDI NA TAYO MAGKIKITA! AKALA KO HINDI NA DAHIL UMALIS KAMI SA CLOAK KAHIT HINDI NAMIN GUSTO!"

"Shh. Huwag ka nang umiyak Hannah. I'm happy that you're okay." I said and I hugged her again.

"Kira, is she your sister?" Scott asked after.

"No. She's my cousin too. Kapatid siya ni Joshua." pagpapakilala ko. Sinabi ko kay Hannah na kasamahan namin siya at ang akala niya pa ay isa ito sa mga military na naglalakad sa paligid.

"Nasaan ang mama at papa mo? Kasama mo ba sila?" muli kong tanong sa pinsan ko at binalingan ulit siya.

"Opo ate," sinagot niya ako nang nakatitig sa'kin. Mukhang alam na niya ang susunod kong itatanong kaya hinila na niya lamang ako.

Huminto kaming tatlo sa isang ward na may marami pa ring tao. Sa dami nila ay umalingawngaw ang mga boses ng nila sa lugar. Hannah motioned us to follow her so Scott and I did.

Dawn Of The WalkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon