Don't forget to vote if you are enjoying the story so far! Click the "⭐" below. Thank you! Happy reading, walkers!
Chapter 10
ProtectedNakahinga kami ng maluwag nang walang sumalubong na zombies pagkapasok namin sa bar. Malawak ang loob at nagkagulo ang mga mesa sa paligid. May parte sa lugar na walang ilaw at may parte rin na patay sindi ang ilaw. Nakita ko kung paano naglakad si Harvey sa gilid at may pinindot.
Then the main lights turned on.
Sinundan namin si Jun papunta sa mesa kung saan madalas nakikita ang mga bartenders. Nilapag ko sa sahig ang rifle at naupo sa pinakadulong upuan sa counter. Napansin ko ang pag-upo ni Scott sa katabi kong upuan ngunit hindi ko siya binigyan ng pansin.
Napapikit ako habang hinihimas ang batok at sentido ko. I feel tired and sleepy already.
"Vodka or Black Label?" tiningala ko si Jun ng magtanong siya. Nasa harap siya ng counter at nagsilbing bartender namin.
Tinignan ko ang mga kasama ko at nakitang may mga hawak na silang mga alak. Bumaling ulit ako sa pinsan kong nakatingin pa rin sa'kin.
"Juice or water will do my cousin." kumunot ang noo niya at hindi pa rin gumagalaw. "Please? Wala ako sa mood mag-alcohol ngayon."
"Alright, alright."
Tumalikod siya sa'kin at pagbalik niya ay may dala na siyang pineapple canned juice. Binigyan niya naman si Scott ng vodka.
Tahimik lang ako habang nakaupo habang nag-uusap sila maliban sa'min ni Scott na nasa gilid lang at tahimik. Pinaglalaruan ko lang ang canned juice habang nakapangalumbaba. Hindi ko na rin bilang kung ilang beses na akong napapahikab kaya tumayo ako at kinuha ang baril ko.
I'm really sleepy and I can feel my eyes drowning. Gusto ko nang magpahinga dahil alam kong mapapagod na naman kami bukas.
"Hey where are you going?" tanong ni Joshua sa likod ko.
Nilingon ko siya nang sumagot ako. "I'll go upstairs. Baka may kwarto."
"I'll go with her." Scott volunteered in sudden and stood up right away.
Tumango lang ang mga kasama ko lalo na ang mga pinsan ko na parang sang-ayon sila na may makakasama ako.
Mukha ba akong tatakas?
Muli akong tumalikod at nagsimulang maglakad. May hagdanan kasi akong nakita kanina so I was wondering if there are rooms here. Nakasunod lang si Scott sa'kin habang nilalaro ang isang lighter sa kamay niya.
"You should rest."
"That's why I'm searching for a room, idiot." he didn't respond and just grinned.
May nakita kaming nag-iisang pinto sa taas. Sana lang naman kwarto na 'to na hindi amoy patay. Nagkatinginan muna kami bago naglakad ulit hanggang sa makarating mismo sa tapat ng pinto. Nakahawak na ako sa doorknob pero natigil ako sa planong pagbukas nito.
Kumunot ang noo ko ng may kakaiba akong narinig sa loob. What's that noise? Idinikit ko pa ang tenga ko sa pinto para marinig ko ito ng maayos. Napaatras ako nang marinig ulit ang malakas na ungol nito.
"Oh...ah, shit...oh!"
Like what the actual fuck?
Nakayukong tumatawa ng mahina si Scott dahil sa narinig namin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko namumula ang pisngi ko. And after how many years, my cheeks heated up again!
BINABASA MO ANG
Dawn Of The Walkers
Horror𝐻𝒾𝑔𝒽𝑒𝓈𝓉 𝓇𝒶𝓃𝓀: 1 in zombie; 2 in apocalypse How much courage and faith do you have to survive? Will you run for your life in the midst of disaster or will you stand up there and wait for your death? Kira Carson had the chance to wake up a...