Chapter 18
To Kill
"You're being lunatic Harvs." inirapan ko siya at inunahan sa paglalakad.
Sumabay na ako sa mga pinsan ko na tahimik lang sa harap. Kanina pa ako binubwisit ni Harvey sa likod. Panay ang bulong niya sa'kin tungkol kay Scott. Nasisiraan na talaga siya. Kapag ako nainis tatapusin ko talaga buhay niya.
Nagsisimula na kami sa pag-iikot dito sa Zambia City. Mausok ang lugar at puno ng mga sirang gamit. Lahat ng mga departamento dito ay sabog at wala kang makikitang maayos.
Naging maayos ang gising ko kanina at nasa ayos na rin ang mood ko. Siguro ay dahil sa sobrang saya na naramdaman ko kahapon.
Huminto ako sa paglalakad at nagpunta sa harap ng isang chocolate store. Naalala ko si Kenneth. Nagbilin pa naman 'yon.
Bubuksan ko palang sana ang pinto ng may biglang lumitaw na matabang zombie sa gilid ko. Agad akong napamura sa gulat. Huli na ng bunutin ko ang katana dahil nabaril na ito ni Harvey. Yun nga lang, naligo ako ng dugo.
"You're welcome." ngisi niya.
"Asshole."
Nagpaalam ako sa kanila na hintayin ako sandali sa labas dahil may kukunin lang ako. Tinignan ko muna ang mga chocolates kung malinis pa ba. Next year pa ang expiration date na nakalagay pero yung iba ay tunaw na o di kaya'y sunog. Kumuha ako ng mga chocolates na alam kong paborito ni Ken saka ko pinasok sa safe bag ko.
"Tara na?" tinanguan ko si Josh ng makalabas ako.
Naglakad na ulit kami. Hindi gaanong mainit ang sikat ng araw ngayon at baka uulan mamaya.
Sa tuwing naglalakad kami ay hindi maiiwasan na may sasalubong na zombies kaya hinahanda namin ang mga sarili namin kasama ang mga baril. Minsan ay nangangalay ang mga kamay at balikat ko sa paghawak ng katana kaya para maiba naman ay nanununtok ako.
Nagma-martial arts. Si Harvey at Jun ay tuwang tuwa pa kaya ganon din ginawa nila.
"Saan ba papunta ang tulay na 'to?" tanong ko sa kanila.
Nasa dulo kami ng isang tulay ngayon. Sa tulay na 'to ay may mga sirang sasakyan na nakaharang. May iba na umuusok pa.
"I don't know. Hindi rin ako pamilyar sa lugar na 'to." sagot ni Harry. Ganon din ang sagot ni Volt.
"The place looks familiar." I glanced at Joshua who's examining the place.
Napagdesisyunan namin na tahakin na lamang ang tulay hanggang sa makaabot kami sa kabila. Pinili namin na dumiretso kesa bumalik kung saan kami galing at sinigurado naming tahimik ang bawat galaw na ginagawa namin.
Lumapit ako sa isang sasakyan ng may makitang kakaiba sa ibabaw nito. Ginamit ko ang katana para kunin 'yon at napangiwi ng mapagtantong isa iyong bituka. Agad ko iyong tinapon sa kung saan. Tawang tawa pa ang mga kasama ko.
Nahinto ang mga mata ko sa paanan ko at napakunot noo sa nakita ko. May dugo. Dugo na nagkalat sa iisang lugar. ako mula sa kinatatayuan ko at tinagilid ang ulo ko. Oh shit.
"Dito siya galing." sabi ko habang nakaturo sa dugo.
Hindi lang pala 'yon nag-iisa. Marami ang nagkalat na bakas ng dugo na hugis paa. Malaking paa.
"Hindi pa siguro nakakalayo ang Algo na 'yon." wika ni Volt at luminga sa paligid.
Pinagpatuloy namin ang paglalakad papunta sa dulo ng tulay na 'to. Sabay sabay kaming napalinga sa paligid ng may marinig na sigaw. Boses ng babae.
BINABASA MO ANG
Dawn Of The Walkers
Horror𝐻𝒾𝑔𝒽𝑒𝓈𝓉 𝓇𝒶𝓃𝓀: 1 in zombie; 2 in apocalypse How much courage and faith do you have to survive? Will you run for your life in the midst of disaster or will you stand up there and wait for your death? Kira Carson had the chance to wake up a...