Chapter 1
Dawn Of The WalkersNapahilot ako sa batok ko ng maramdaman ang pangangalay dahil sa ilang oras kong nakaharap sa computer. Alas diyes na ng gabi at nasa opisina pa rin ako. Tumayo ako at nag-inat pagkatapos kong patayin ko ang computer at inayos ang mga gamit ko para makauwi na.
"Una na ako," paalam ko sa mga kasama ko.
"Ingat, Kira!"
Pagkalabas ko sa unit office namin ay agad akong naglakad papunta sa banyo para makapag-ayos ng konti. Nagsuklay ako at nagpabango. I can feel my heavy shoulders that's about to drop due to tiredness.
"Ingat po ma'am." The guard says, opening the transparent door for me.
"Kayo rin po,"
Kinuha ko ang susi sa bag ko at nagsuot ng helmet. Binuhay ko na agad ang motorbike ko at umalis sa lugar. Habang nasa biyahe ako ay hindi ko maintindihan ang kakaibang hangin na dumadapo sa'kin. Hindi ko rin alam bakit pero ito yung rason na nagpapatindig ng balahibo ko.
It gives me an alarming shiver.
Nakakapanibago rin ang pagiging tahimik ng paligid at walang ibang sasakyan ang tumatakbo sa daan. Patay sindi rin ang mga ilaw sa daan. Dati kapag umuuwi ako ay panay ang mura ko dahil sa traffic pero iba ngayon.
And the I remember, it's Saturday night.
Nang may makita akong convenient store ay agad ko itong pinuntahan at pinarada ang motor sa labas. Tumunog ang bell na pagkabukas ko sa pinto ng shop. A sign that a customer is entering. Dumiretso ako sa chocolate station para bilhan ang dalawa kong kapatid. Bumili din ako ng siopao at iba pang makakain. Binayaran ko ito agad sa cashier at lumabas na pagkatapos.
Pagdating ko sa bahay ay kumatok ako ng dalawang beses pero walang nagbukas. Natutulog na siguro sila. Kinuha ko ang spare key sa bag ko at binuksan ang nakalock na pinto. Nang makapasok ako ay isinarado ko ulit ito at pinatay ang ilaw sa labas.
Sa sala ako dumiretso dahil naririnig ko ang boses mula nakabukas na TV. Naabutan ko doon ang tatlong tao na natutulog sa malaking sofa. Si mama at ang dalawa ko pang kapatid. Nagpunta ako sa kusina para ipasok ang mga binili ko. Bukas ko nalang ito ibibigay sa kanila.
Nilapag ko muna ang bag ko at lumapit ulit kay mama saka siya ginising.
"Nandito ka na pala," she said in her sleepy voice. Eyes are half open.
"Let's move to your room."
Sinabi ko sa kaniya na ako ang na ang magdadala kay Kenneth, our big baby in his eight age. Binilin ko kay mama na gisingin na rin si Keziah na payapang humihilik sa dulo ng sofa.
Binuhat ko na si Kenneth paakyat sa kwarto at halos matanggal ang braso ko sa bigat niya. Nang maihiga ko na si Ken ay sumunod si Keziah na diretsong itinapon ang sarili sa kabilang kama.
"Kira, kumain ka na ba? Ipagluluto kita." baling ni mama sa'kin.
Lumapit ako sa kaniya at nag-mano na hindi ko nagawa kanina. "Kumain na po ako sa office. Pahinga na kayo."
"Sigurado ka anak?"
I gave her an assuring nod before kissing her cheeks. "Goodnight po."
Hinintay kong makahiga si Mama sa tabi ni Kenneth bago ko pinatay ang ilaw sa kwarto at lumabas. Bumaba ulit ako sa sala para kunin ang bag ko at icheck kung nakalock na ba lahat ng pinto sa bahay.
Bago ko pa maisara ng tuluyan ang kurtina ng bintana ay may napansin ako sa labas. May taong naglalakad sa may daan at pagewang-gewang na. Gusot pa ang damit nito. I didn't bother to mind that person because it is either a crazy guy or a stupid drunk person.
BINABASA MO ANG
Dawn Of The Walkers
Terror𝐻𝒾𝑔𝒽𝑒𝓈𝓉 𝓇𝒶𝓃𝓀: 1 in zombie; 2 in apocalypse How much courage and faith do you have to survive? Will you run for your life in the midst of disaster or will you stand up there and wait for your death? Kira Carson had the chance to wake up a...