Chapter 21
Those People
Rain is still pouring down for how many hours. Nakasakay pa rin kami sa motor at hindi na ako magtataka kung sakaling manigas ako dito. Salpak sa'min ang hangin kaya sobrang ginaw.
Hindi ko na ata kakayanin ang ginaw. Gusto ko nang bumaba at maghanap ng mainit na maiinom, lugar at damit.
"Okay ka lang ba diyan?" tanong ni Scott sa harap ko.
"Giniginaw na ako." I answered him honestly.
Naramdaman ko ang malalim niyang pagbuntong hininga at ang mahinang pagtango niya. Kanina ko na rin nararamdaman ang matigas sa may tiyan niya. Alam ko namang hindi lang ako ang giniginaw dito, siya rin.
Bigla siyang huminto sa gilid ng kalsada at pinatay ang makina saka ako pinababa. Kinuha ko ang katana na binigay niya sa'kin. Pati siya ay bumaba rin dala ang kaniyang baril.
"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kaniya.
"Let's get warm first." aniya at nagsimula na sa paglalakad.
"Teka lang," pigil ko.
Nilingon niya ako at nagtaas ng kilay na parang hinihintay ang sagot ko. "Dumiretso nalang tayo. Baka nandoon na ang mga pinsan ko."
"If you insist we might freeze along the road. Let's get warm first little rebel." he tilted his head sideways motioning to follow him.
Hindi na ako nakipagtalo dahil kain oras lang 'yon. Ang sabi niya naman ay mabilis lang kami at hindi magtatagal. May tindahan kaming nakita roon at may mga pagkain. May vending machine rin ngunit hindi na gumagana. Kumuha kami ng mga pagkain at nagpunta sa kabilang tindahan.
Pagkabukas ng pinto ay wala namang sumalubong na zombie. May mga sweater kaming nakita roon kaya kinuha at sinuot namin.
"Oh God, this feels so warm." I commented rubbing the cloth that covers my shoulder.
Nanatili muna kami doon upang magpahinga sandali. Bumuhos muli ang malakas na ulan sa labas kaya naudlot ang plano naming umalis agad. Napabuntong hininga na lamang ako umupo sa ibabaw ng counter habang kumakain.
"Hindi ba lasang expired?" tanong ng kasama ko sa'kin. Umiling lang ako bilang sagot.
Kinakausap ako ni Scott ngunit tanging pagtango at pag-iling na lamang ang nasasagot ko. Iniisip ko ang mga pinsan ko, ang iba pa naming mga kasama pati si Irene na naiwala namin.
"Makikita rin natin sila...Kira." agad akong napalingon kay Scott na ngayon ay nakangiti sa'kin.
Nang medyo humina na ang ulan ay doon lang kami lumabas ulit at bumalik sa lugar kung saan namin iniwan ang motor. Habang naglalakad kami ay napakunot noo ko nang may mapansin kay Scott.
Nakasampa na siya sa motor habang ako ay nanatili pa ring nakatayo. Tinitigan niya ako ng mapagtantong hindi pa ako umaangkas sa likod niya.
"Hey little rebel." he called, snapping his fingers.
"May sugat ka?" tanong ko sa kaniya habang hindi inaalis ang mata sa braso niya. Agad niyang binaba ang sleeve ng sweater niya para itago 'yon. "Ba't di mo sinabi?"
"It's not that serious. Let's go." he responded like he doesn't care about that at all.
"Gamutin mo 'yan, Scott." sabi ko habang nakaturo sa sugat niya.
"Huwag na. Nagmamadali tayo diba?"
"Gamutin mo sabi, e!" garalgal ko na dahil bumabakas na ang dugo sa sleeve ng suot niya.
BINABASA MO ANG
Dawn Of The Walkers
Horror𝐻𝒾𝑔𝒽𝑒𝓈𝓉 𝓇𝒶𝓃𝓀: 1 in zombie; 2 in apocalypse How much courage and faith do you have to survive? Will you run for your life in the midst of disaster or will you stand up there and wait for your death? Kira Carson had the chance to wake up a...