Chapter 14: The Runners

3.5K 233 41
                                    

Chapter 14
The Runners

It's 2pm in the afternoon and we are here keeping our feet on the ground walking around. Nakakapagod maglakad ng halos limang oras sa ilalim ng mainit na araw at bumubuhos na ang mga pawis namin. Hindi kami gumamit ng sasakyan dahil maari itong gumawa ng ingay. Nilingon ko si Josh sa harap ng magsalita ito.

"Last nalang itong lugar na pupuntahan natin. Pagkatapos ay pwede na tayong pumunta sa kabilang syudad." anunsyo siya.

"Can we rest for a while? 10 minutes." said Volt, raising his hands.

Nagpahinga nga kami. Para kaming mga tuyong dahon nang makaupo sa gilid. Pare-pareho kami ngayong nakasandal sa pader habang naghahabol ng hininga. Tinanggap ko ang inalok na tubig ni Scott sa tabi ko.

"Salamat." I closed my eyes for a while after taking a drink.

For Pete's sake! Ipakita niyo na sa'min si Algo! Dammit. Napapagod na ako.


Nakakapagod nang hanapin ang kamatayan ko.

Tama. Ang paghahanap kay Algo ay hindi lang para matapos ang lahat ng 'to kundi para na rin naming hinahanap ang aming kamatayan. Totoo naman 'e. Wala talagang kasiguraduhan na mabubuhay kami once na nakaharap na namin si Algo.

Kaya nga hinahanda ko ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari.

Nagmulat ako ng mata nang makarinig ng iilang mura galing sa mga kasama ko. Nakita ko ang  madaliang pagtayo nila. Kahit hindi ko alam kung bakit sila nagkakaganito ay tumayo na rin ako. Nagaalburuto na sila sa pagsigaw at sinasabing bilisan namin.

Naramdaman ko nalang ang kamay ni Jun nang mahuli na naman ako sabay hila sa'kin. Nasa harap na ako habang tumatakbo at kasabay na nila.

"Bakit ba tayo tumatakbo?!" sigaw kong tanong habang patuloy pa rin sa takbo.

"Dahil kapag hindi mauubos tayo! Tangina."

Binitawan na ako ni Jun at hinayaan akong tumakbo kaya nakuha ko ang chance na lumingon sa likod.


"WHAT THE HELL! SAAN SILA GALING?!"  I shouted in mixed confusion and surprised.

I motivated myself to run as fast as I can dahil kapag hindi malalagotan kami ng hininga dito. Hindi lang isang grupo o batalyon ang humahabol sa'min kundi isang bayan!

Parang lahat ata ng taong naging zombies sa bayan na ito ay sumugod nang sabay sabay. Hindi ako makapaniwala dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito kadami and worst is, tumatakbo silang lahat.

I tried to shot them with bullets kahit na alam kong wala namang silbi dahil hindi naman sila nababawasan.

Patuloy lang kami sa pagtakbo sa gitna ng kalsada. Wala kaming ibang nakikita sa paligid kundi mga sirang sasakyan at mga poste. Wala kaming nakikitang lugar na pwede naming pagtaguan dahil sira ang mga establisimento rito.

"Shit. Ayoko pang makain ng buhay!" sigaw ni Harvey.

"Just go faster everyone! They're getting closer!" Scott exclaimed behind.

Hingal na hingal na ako sa pagtakbo at pakiramdam ko ay dito ako mamamatay. Kanina pa kami tumatakbo at paikot-ikot sa lugar. Sinusubukan namin silang iligaw ngunit hindi namin magawa dahil tumatakbo rin sila.

Sandali kaming napahinto ng matrap kami sa mga sasakyang nakaharang sa dadaanan namin. Nilagay ko sa likod ko ang rifle at kinuha ang katana. Tumuntong ako sa ibabaw ng isang sasakyan saka sila tinawag.

Dawn Of The WalkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon