Bench POV
My name is Benjamino Sakauchi, short for Bench, para tunog gwapo.
I am half filipino- half Japanese.
And yeah, gwapo ako.
6 ft tall, may yummy abs, habulin ng mga chics!
Kase, I'm gwapo. Sugoiiii!
Kagaya ngayon, hinahabol ako ng chic na nagngangalang Mina o mas kilala sa pangalang Benjamina, ang aking nanay.
Scratch that, hinahabol niya ako ng may kasamang walis tambo. Shit!
"Tinamaan ka ng magaling, Benjamino! Anong petsa na, late ka na naman!" sabay hampas sa macho kong braso.
"My naman. Wala nga po kaseng pasok ngayon. It's saturday, Mrs. Benjamina Sakauchi!" ngingisi ngisi kong katwiran sa kanya. Sana lang ay makalusot, kase tangina, nakakatamad pumasok!
"Ay linsyak kang bata ka. Kabata bata mo palang may alzheimer ka na! Lunes ngayon!" pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin iyon ay nakatanggap na naman ako ng hampas ng walis tambo.
Pota, sino ba nakaimbento ng walis tambo? Bakit naman kase nagdala pa ng walis tambo sa Japan si mommy? May vacuum naman!
Opo, andito kami sa Japan. Dito ako lumaki ngunit hindi ipinanganak. Gulo ba?
Sa Pilipinas ako ipinanganak, pero lumipat kami ng Japan noong six years old ako. I'm now sixteen, at nasa middle school na ako.
Pero shit, ayoko pa rin pumasok! Sino ba naka imbento ng school? Hindi ba nila alam, madami ang nai stress sa school? Marami ang nagsu suicide dahil sa school? Assignment, projects, thesis, research kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit maraming panot at kalbong scientist. Wala silang ginawa kundi mag-aral.
Hindi mo kailangan mag-aral. Ang kailangan mo lang sa buhay ay pagkain, tirahan at maraming pahinga.
Bakit ba kailangan pang paguluhin ang simpleng buhay?
Pero joke lang lahat ng sinabi ko. Hindi ka magkakaroon ng pagkain kung wala kang pera. Hindi ka magkakaroon ng pera kung wala kang trabaho. Hindi ka magkaka trabaho kung wala kang pinag aralan.
Teka, bakit ang lalim na ng mga hugot ko? Is dis me? Or dis is me?
"Importante na pumasok sa eskwela para magkalaman ang mapurol mong utak. Anong mangyayari sa buhay mo kung blah blah blah blah-
Blah blah blah blah blah blah blah
Blah blah blah blah
Blahblahblahblahblahblahblah
"Opo mommy, papasok na!" nakasimangot kong sagot.
Blah blah blah blahblahblahblah
Blah blah blah -
Sinuot ko na ang aking headset para hindi na madinig pa ang nakaka badtrip na sermon ni okasan, ang aking mommy.
Lumapit pa siya sa akin para batukan ako. Sa tangkad kong ito, hindi siya natatakot sa higante kong built, samantalang 4'11 lang siya!
Joke, 5'4 si mommy at mataba siya!
Tipikal na Filipina! Ang aking otosan ay pure Japanese. Na inlove sa dambuhala kong mommy, hehehe pero love ko yan!
Kitang kita ko pa ang pagbuka ng kanyang bibig, tanda ng panenermon na naman.
Mabuti na lang at mahal na mahal ako ng headset kong si Sony, hindi niya ako pinababayaan sa tuwing nangyayari ang ganitong sakuna at trahedya. Handang handang protektahan ako ni sony para maging shield at barrier sa nakakarinding sermon ni ina.
TUGSTUGSTUGSTUGSTUGSm
TUGSTUGSTUGSTUGSTUGSTUGS
Dumiretso na ako sa genkan, (entryway or porch area). Kinuha ko ang sapatos ko sa getabako (lagayan ng sapatos at slippers.)
Nanenermon pa si mommy pero lumabas na ako ng bahay.
Nasa middle school na ako sa Japan pero sa totoo lang, hindi ako masaya na nagaaral dito. Masyadong mahigpit, disiplinado, seryoso. Walang kalayaan.
I want peace!
Pagliko ko ng street, may nakita akong isang bulto ng babae. May mahaba siyang kulot na buhok at parang may lahing banyaga. British!
Nakasalampak ito sa kalsada at patalikod sa akin.
Wala sana akong paki alam pero narinig ko ang mahina niyang pag iyak.
Dahan dahan akong lumapit. At ang una akong nakita ay isang naghihingalong maliit na tuta. Duguan ang kawawang tuta, tila anumang oras ay babawian na ng bubay. Mukhang may nangtrip sa aso.
Samantalang tumingala ang babae sa akin.
And it broke my heart seeing pain ang agony on her bluish and greenish beautiful eyes.
She's crying!
Dugdugdugdugdugdudugdugdugdug!
![](https://img.wattpad.com/cover/163623086-288-k859898.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad Princess- Untold Story
ActionOnce upon a time there was a beautiful Princess named Petunia the First. She lived in a beautiful place called Kingsland Palace with her father and mother, and her two grannies, the Queens. But one day, her mother and father died. They were assass...