Kith Sentosa at Kyoto, Japan
He found her! At long last! The Royal Princess is in Kyoto, Japan.
Nagpadala na siya ng sulat kay Queen Petunia ng Kingsland Palace tungkol sa whereabouts ng prinsesa.
Ngayon ay inaatasan siya upang magmanman sa aktibidades ng lagalag at suwail na prinsesa. Kahit pwersahin niya pauwi ng London ang dalagita ay sigurado siyang hindi niya makakaya. Malakas siya!
She's badass. There's a nasty rumor about her that she can kill you without blinking her eyes. Without remorse! She had no conscience.
Kahit medyo kinakabahan siya sa pagmamanman kay Princess Petunia, gagawin niya pa rin. Kung badass ang princess, mas nakakatakot naman ang lola niya.
Queen Petunia is the London's Head of State. She's known for her notorious rules. Walang makababali at walang makakatutol sa lahat ng gusto niya.
Including the arrange marriage of Princess Petunia. She's only fourteen years old but she need to be wed asap. Mga mahaharlikang walang gustong gawin kundi palakasin ang kanilang imperyo.
In that case, kailangan ni Princess Petunia ang magkaanak ng isang tagapagmana.
Pero sa nakikita niya ngayon sa batang Prinsesa, tila walang kabuhay buhay ang kanyang mata.
Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng isang Japanese house. Kanina pa siya doon, nakatingin lang siya at hindi umaalis.
Maririnig sa loob ng tahanan ang malakas na iyakan. Mukhang may namatay. Pumapalahaw ang tinig ng isang teenager na lalaki habang tinatawag ang kanyang ina.
Mayamaya ay lumabas ang batang lalaki. Nagulat pagkakita kay Princess Petunia.
"W-what are you doing here?" tanong nito. Kitang kita ang pamumula ng kanyang mata. Bagama't maayos ang pagkausap nito sa prinsesa, mahahalatang masama ang loob niya.
And as usual, hindi sumagot ang prinsesa. Natural na sa kanya iyon. Bihirang bihira siyang magsalita kahit noong nasa palasyo pa siya.
Ilang sandali ang lumipas, ginulo ng binatilyo ang buhok ng prinsesa. "Wait here." pagkatapos ay muling pumasok sa bahay.
Pagbalik niya ay may dala na siyang headphone. Kulay red. Marahan niyang isinuot sa tainga ni Princess Petunia. "This headphone is my mother's gift to me. Whenever I am sad, I will turn it in full volume." wika nito sa garalgal na tinig. Mula sa ipod nano ng binatilyo, pinalakasan niya ang sound.
Muling nagsalita ang binatilyo. Ngunit alam niyang hindi na naririnig ni Petunia dahil sa lakas ng sound sa headphone niya. "Ayokong marinig mo ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi kita sisihin sa pagkamatay ng nanay ko. Hindi mo rin kasalanan kung bakit namatay ang matalik kong kaibigan. Kahit na simula ng dumating ka, andaming nawala sa akin." unti unting tumulo ang luha ng binatilyo.
"Kahit na sinasabi ng utak kong magalit sayo, hindi ko magawa dahil nararamdaman kong mas higit ang pinagdaraanan mo. Kung ano man iyon, makaya mo sanang lagpasan. Alagaan mo ang headphone na iyan, alaala ng nanay ko yan." niyakap niya ang walang katinag tinag na si Petunia. Pagkatapos ay tumakbo paalis ng bahay.
Halos hindi makahinga si Kith Sentosa sa nakita at nadinig. Ang dami na palang nangyari sa buhay ng Prinsesa sa loob ng ilang buwan na pinaghahanap nila ito.
Sa nakikita niya, masyadong malungkot ang prinsesa. May kakaiba sa kanya na hindi niya mapangalanan. Lalo na ng unti unting tumulo ang luha niya sa magkabilang pisngi.
Sa tagal ng panahon na naglilingkod siya sa palasyo, ngayon niya lamang nakitang umiyak ang prinsesa.
And it's really painful seeing her cry. Bakit ba sinasabi ng mga tao sa palasyo na masama ang prinsesa? Na wala siyang kaluluwa? Bakit sa tingin niya ngayon sa prinsesa ay isang batang naghahanap ng kalinga ng isang pamilya? Naghahanap ng pagmamahal ng isang ina at ama?
Hindi na natiis ni Kith ang pagmamasid sa Prinsesa. Bahagya siyang lumakad paalis ng lugar.
Bahala na kinabukasan kung ano ang maireport nya kay Queen Petunia.
Kailangan niyang huminga ng malalim. Mag isip ng diretso. Hindi dapat nahahaluan ng awa ang kanyang trabaho.
Lumiko na siya ng eskinita. May mga sasakyan na dumadaan sa lugar na napuntahan niya.
Ilang sandali pa, nakakita siya ng mga nagkakagulong tao. Nagkukumpulan.
Mukhang may aksidente. Mukhang may nabunggo ng sasakyan.
Lumapit siya at gayon na lamang ang pagsinghap niya ng makita kung ano ang tinitingnan ng mga tao.
Ang batang lalaki na yumakap at nagbigay ng headphone sa prinsesa ay nakahandusay sa kalsada.
Punong puno ng dugo ang ulo at katawan.
At wala ng buhay.
Oh poor soul!
BINABASA MO ANG
Bad Princess- Untold Story
حركة (أكشن)Once upon a time there was a beautiful Princess named Petunia the First. She lived in a beautiful place called Kingsland Palace with her father and mother, and her two grannies, the Queens. But one day, her mother and father died. They were assass...