Chapter Twenty

1.4K 64 8
                                    

"Ilang buhay pa ang gusto mong mamatay, Emperador Izanagi?" nagtitimpi sa galit na sigaw ng pinuno ng yakuza habang nakatutok ang baril sa gusgusing batang babae.

Walang kabuhay buhay itong bumababa ng hagdan. Parang zombie, walang reaksyon. Hindi kakikitaan ng takot kahit nakatutok ang baril sa kanya.

"Tama na. Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo, pakawalan mo lang ang dalawang bata." nanghihinang usal ng emperador. Hindi maampat ang dugo sa hita niya.

Galit na binalikan ng yakuza ang emperador. Pinukpok ng baril ang likod ng ulo. "Bakero! Isa lang ang hinihiling ko, ibigay mo sa akin ang pumatay sa anak ko at mga tauhan ko!"

Samantalang nakalapit na ang gusgusing bata kay Hara Isis na nasa paanan ng hagdan. Tinulungan makatayo.

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na kung ayaw mong madamay." umiiyak na singhal ni Hara sa batang babae.

Hindi kumibo ang batang babae. Nakatingin lang kay Hara Isis. Tila tood.

"Ahhhh, inuubos nyo ang pasensya ko. Mabuti pa, tapusin ko na kayong lahat!" tila nababaliw na sigaw ng pinuno ng yakuza.

Kinalabit ang gatilyo, handa ng pasabugin ang ulo ng emperador.

"Chotto matte." Isang malagom na tinig ng matandang lalaki ang nadinig nila. Nakakatakot ang timbre ng boses nito. [Chotto matte- Sandali lang.]

Sa pangalawang pagkakataon, naalerto ang mahigit dalawampung yakuza na nasa paligid kasama ang pinuno.

Hinahanap sa madilim na parte ng paanan ng bundok ang tinig.

Makikita sa mata ng bawat isa ang agam agam at takot.

Ito ang kauna- unahang pagkakataon sa buhay nila na makikita nila ang tinaguriang legendary samurai warrior.

"Nasaan ka? Magpakita ka!" galit na sigaw ng yakuza. Bago pinaulanan ng baril ang mga puno.

Kasabay ng maingay na putok ang baril, tatlong miyembro ng yakuza ang bumulagta.

Nagimbal ang mga yakuza!

Nasaan ang kalaban? Paano niya napaslang ang tatlong yakuza na hindi siya nagpapakita?

Mas lalong inaniban ng takot ang mga miyembro ng yakuza. Sunod sunod na putok ang pinaulanan muli nila sa paligid.

Subalit, dalawang miyembro muli ang nalagas.

"Duwag ka. Magpakita ka!" sigaw ng naghuhumerentadong pinuno. Sabay hablot sa emperador ng Japan.

Kinalabit ang gatilyo. Lumabas ang bala ng baril patungo sa ulo ng matandang emperador.

"Jijiiiiiiiiiiii!" hagulgol na sigaw ni Hara.

Nakabibinging katahimikan ang sumunod. Tila nawalan ng buhay ang paligid.

"Ako ba ang hinahanap nyo?" nakakatakot na bulong ng matandang lalaki.

Nakapagitan siya sa emperador at pinuno ng yakuza. Ang samurai niya ay nakaharang sa baril ng yakuza.

Dumaplis ang bala ng baril ng yakuza sa samurai o espada ng matanda.

Buhay ang emperador!

Samantalang napaatras ang nangatal na yakuza. Natumba pa siya sa pagkagulat!

Napasinghap ang ilang miyembro ng yakuza. Kakikitaan ng labis na takot ang mata nila.

Isang matandang bulag na may taas na 6'2 ft, nakasuot ng itim na ninja suit at may tangang samurai. Nakangisi ang halos nabubulok na mga ngipin ng matanda.

Bad Princess- Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon