[PS. Gusto ko talagang gawing lovestory ito, kaso paano ba magpa kilig? Hahahahah ang hirap promise! Mas madali pa ang manakot at magpakaba hahaha!] 👹💩😂
Petunia the First
The next day, naisipan niyang magsuot ng apron para hindi siya madumihan. Pinayagan naman siya ng headmaster sapagkat sinabi niya na hindi natapos ang 'paglilinis' nya ng gym. Plano niyang maglinis sa paligid. It's fun!
Hindi na rin niya hinubad ang apron pagpasok sa room. Wala pa ang teacher nila.
Heto na naman sila sa tawanan nila which she obviously ignore. The students here were really weird! They easily get entertained sa mga bagay na kakaiba.
Sa London kahit sa Japan, anuman ang isuot ng isang tao, walang nanunuri. Walang tumatawa sa kakaibang itsura at kahit anong katayuan ng isang tao ay wala silang paki alam. They obviously won't mind other's business.
But this is Philippines! Ano nga yung sinabi nilang word? Tsismis. Issues.. Hmmn..
Dumiretso na siya sa vacant seat sa pinaka dulo. Tahimik na sinilip ang labas na kita sa glass window.
Nakarinig siya ng impit na tilian. Tila kinikilig.
Yaaaayyy, andito si Prince Rye!
Waaaaaaahhh, ang swerte!!!
Huhuhuhu, sinong binibisita niya dito??
Naingayan siya masyado kaya sinuot niya muli ang headphone. Finullblast ang music.
Pero nagulat siya ng mas malakas pa rin ang sound ng mga upuang umurong at tumilapon. Kaya pala, yung lalaking naghila ng mop, nasa harapan niya at nanlilisik ang mata.
Bahagyang kumabog ang dibdib niya. This is really something. Sa tuwing nakakaharap niya ang masungit na lalaki, lumalakas ang pintig ng puso niya. Weird dahil sa dami ng mga 'nakakaaway' niya, never siyang kinabahan, worst natakot. Bakit ngayon, parang natatakot siya sa lalaki?
Hinamig niya ang sarili. Diretsong tumingin sa mukha nito.
Subalit knwelyuhan siya ng lalaki. Hinatak sa leeg. Nilapit nito ang mukha sa mukha niya. Alam niya sa sarili niya na namumula ang tainga niya, sapagkat umiinit iyon.
"YOU'RE DEAD!" wika ng lalaki na hindi niya naintindihan bago hinatak siya papuntang likod ng gym. Malakas siyang ibinalya sa pader.
Akala niya ay hindi na gaganti ang lalaki. At akala niya din, ang mga lalaki sa Pilipinas ay maginoo. Bakit ang isang ito ay pumapatol sa babae?
Nakatitig na naman ito sa mukha niya.. Bakit ba ganun siya makatingin?
Nagsalita na naman siya ng pasinghal sa mukha ng dalaga, subalit hindi maintindihan ni Petunia.
Biglang namula ang mukha nito at galit na sinuntok ang pader sa likuran niya. What is happening?
Hanggang sa bigla itong natulala na nakatitig sa kamao nito. Baliw na yata ang isang ito!
Umalis siya sa harapan ng binata at kinuha ang roller ng pintura na mukhang iniwan ng maintenance sa gilid ng pader. Tamang tama, nakasuot siya ng apron at hindi siya madudumihan.
Gusto niyang gumawa ng mural. Nagagandahan siya sa mga street arts na nakikita sa London. Excited siya habang pinipinturahan ng puti ang dingding na hugis aso.
Pero nagulat na naman siya ng sumigaw ang lalaki.
Hindi lang iyon, sinipa pa nito ang mga pintura. Natapon lahat.
Hindi niya nagustuhan ang ginawa ng lalaki. Kaya naman sa galit niya, inilampaso nya ang roller sa mukha ng binata. Pininturahan niya ang mukha nito!
This is crazy! Ngumisi siya sa isip ng makita ang tulalang mukha ng binata.
Kinabukasan, alam na ng dalaga na gaganti ang lalaki.
Nalaman niya na he's popular and that he owned West International School. It's not hard to guess, he acts like a king in this place. Rainwater Sky.
Payapa siyang natutulog sa dulong bahagi ng room, nagulantang na lang siya ng muli na naman siyang kwelyuhan ng binata. Ang ginawa niyang iyon ay nagdulot ng paghagis niya ng headphone na bigay ni Benjamino.
Malungkot na kinuha ni Petunia ang headphone sa sahig. Chneck kung gumagana pa pero wala na, basag na ang tunog.
Bumuntong hininga si Petunia. Ano ba ang ginagawa niya sa school na ito? Dapat hindi ito ang inaasikaso niya. Dapat na siyang umisip ng paraan para malaman kung sino sino ang mga myembro ng Territorio gang.
Dapat niyang pigilan si Rhapael Montoya sa kung ano man ang pinaplano nito tungkol sa Territorio. She cannot lose him now.
Tahimik siyang lumabas ng room na hindi alintana na pinagtitinginan siya ng mga estudyante.
Hindi niya tinapunan ng tingin si Rainwater Sky. Pumapatol talaga siya sa babaeng katulad niya, pero hindi siya galit sa ginawa nito.
Marahil kaya nasira ang headphone niya dahil pinapaalalahanan siya tungkol sa naiwan niyang rason at misyon kung bakit naririto siya sa Pilipinas.
Para kay Rhapael Montoya. Para sa Kingsland Palace laban sa Territorio Gang.
BINABASA MO ANG
Bad Princess- Untold Story
ActionOnce upon a time there was a beautiful Princess named Petunia the First. She lived in a beautiful place called Kingsland Palace with her father and mother, and her two grannies, the Queens. But one day, her mother and father died. They were assass...