Chapter Eleven

1.9K 54 0
                                    

Someone POV

"I saw her. I fucking saw her and she's alive!" seryosong wika ng isang lalaking mahihinuhang nagmula sa bansang britanya.

Inis na inihagis ni Inoue Sato ang sigarilyong malapit ng maubos at nagmamadaling kinuwelyuhan ang lalaki.

"Don't bullshit me!" gigil niyang singhal sa mukha ng lalaki. Siguradong sigurado siya na patay na si Princess Petunia, nakita ng dalawang mata nya at isa pa, siya ang gumilit sa leeg ng bata. "She's dead! I buried her six feet underground!"

"Was she?" nanunuyang asik ng lalaki at pilit kinakalas ang pagkakahawak ni Inoue sa collar ng damit niya. Kitang kita ang kalituhan sa mata ni Inoue. "You're not even sure yourself!"

"Fuck you! Don't test me!"

Tumalikod na ang lalaki at nag-iwan na lang ng mga katagang manginginig ang sinumang sinabihan. Salitang lubos na nakapagpakagabag kay Inoue. "Find her or else the Queen will hunt you down!"

Pilit pinapakalma ni Inoue Sato ang sarili. Pangalawang beses nang may naghihinala na buhay pa si Princess Petunia.

Ang una ay ang briton na nakausap niya sa public market na hindi naniniwala na patay na nga ang prinsesa. Para matigil na sa kakadakdak, inihagis niya ang mga pictures, pruweba na patay na nga ang prinsesa.

Ngayon naman ay isa pang briton na nagsasabing buhay nga ang dalagita.

The Queen is sending allies and spies at the same time making sure that deed successfully happened. Tangina! Imposibleng mabuhay ang bangkay!

Kahit kailan ay hindi pa siya sumablay sa pagpatay. Para saan pa ang tawag sa kanyang killing machine?

Nagmamadali niyang sinenyasan ang isa pang yakuza na sundan siya.

Pupunta sila sa mount Kurama! At kung kinakailangang hukayin ang bangkay, gagawin niya. Matigil lang sila sa kakahinala!


Bench POV

Nagulat ako pagpasok ng kitchen ng makita ang aking ina na naghahain ng pagkain na pananghalian. Alam niya bang nag cutting ako?

"My-

"Umupo ka at mag uusap tayo." nakangiti ng malumanay si Mrs. Benjamina. Mukhang good mood siya.

Tahimik naman akong sumunod. Naninibago.

"Anak, pagbutihin mo naman ang pag aaral. Kahit alam kong mapurol ang utak mo sa klase-

"Mommy naman." napakamot sa ulong reklamo ko. Gusto ko ang ganitong ambience, namimiss ko na ang panenermon ng aking ina.

Busy siya nitong nakaraang araw at ngayon lang muli kaming nagkita.

"Sshh. Tumahimik ka. Alam kong hindi ka pumapasok sa eskwelahan. Gusto mo bang maging tambay habang buhay?"

Hindi ako kumibo. Kumuha ng sushi gamit ang chopstick. Nilagyan ng kulay green na wasabi. Pagkatapos isawsaw sa sauce, diretsong nginuya.

Nakapagtatakang maraming niluto ang aking ina. At halos Japanese food lahat samantalang ang paborito naming pagkain ay Filipino food. Anong okasyon ang mayroon?

Napasulyap pa ako sa basket ng aking ina. May damit at mga undies na pangbabae. Para kanino iyon? Hindi naman para sa ina nya yun, dahil halatang pangbata ang mga kasuotan.

"Para kanino yan Mrs. Benjamina?" sa halip ay sagot ko sa tanong niya.

"Huwag mong baguhin ang tanong ko, tss!" singhal naman niya.

Napasimangot na lang ako at akmang kukuha ng fried shrimp ng bigla niyang tapikin ng chopstick ang chopstick ko.

"Hindi para sa iyo yan!"

"Isusumbong kita kay otousan! May kabit ka!" nagbibirong banta ko.

"Ay hinayupak kang bata ka. Nasaan ba ang walis tambo ng mabambo kitang damuho ka!"

Hinanap nya ang walis tambo sa likod ng pintuan.

Habang mabilis naman akong dumukwang at kumuha ng fried shrimp at nagmamadaling sinubo sa bibig.

Ganon na lang ang gulat ko ng makita ko sa likod ang aking ina, may dalang walis tambo.

Hindi ko na nanguya ang fried shrimp, dumiretso sa lalamunan ko at dahil doon, nabulunan ako.

Sinuntok suntok ko ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Tang inang hipon to!

"Huwag kang mag inarte. Kilalang kilala kitang damuho ka!" kunot-noong banta ng nanay ko. Bagamat inabutan naman ako ng tubig.

Pero patuloy pa rin ako sa pagsuntok sa dibdib habang maluha luha na. Hindi maalis ng tubig ang bara. Mamatay na yata ako samantalang nakapamaywang pa ang nanay ko! Tsk!

Hanggang sa naramdaman ko na lang na nasa likod ko na ang aking ina. Ang braso nya ay nakayakap sa abdomen at ribcage ko. Hanggang sa higpitan niya. At mabilis na inangat. Tumilapon sa bibig ko ang buong buong fried shrimp.

Buti na lang marunong si mommy ng heimlich manuever! Pero hindi pa rin inaalis ng aking ina ang pagkakayakap nya sa likod ko.

"Anak naman, mag-iingat ka. Sa simpleng katangahan mo, ikamamatay mo pa!" ramdam kong umiiyak si mommy sa likod ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang naluha ang mata ko sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang sobrang pagmamahal ng ina ko.

Siguro eto na ang time para isipin ko naman ang aking ina. Nagpapabaya ako at hindi ko napapansin na naghihirap din si mommy.

"Sorry mommy." pilit kong inaalis ang nginig sa tinig ko.

"Oh siya. Kainin mo na ang lahat ng gusto mo. Paparoon lang ako sa bundok, kailangan sa templo ang mga damit na ito." pinahid ng mommy ko ang luha niya at kinuha ang basket na may lamang damit.

"Huwag kang aalis dito, babalik ako agad. Mag uusap pa tayo." muling bilin niya sa pinto.

Tumango lang ako at naging abala na sa pagkain.

"Ingat, Mrs. Benjamina!" subalit nakalabas na siya ng bahay.

Bad Princess- Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon