Chapter Thirteen

1.6K 47 5
                                    

[This is dedicated to Ashniefah. Keep reading. Thank you!💓]

Bench POV

TAKBO!

Nanginginig na binuksan ko ng malakas ang pinto ng abandonadong warehouse na hideout ng yakuza.

Halos madapa ako sa paghahanap ng daan sa likod ng warehouse para makatakas sa yakuza. Magubat at madamo ang naturang daan.

Subalit pagtakbo ko, tumambad ang maraming ahas na handang sumugod sa akin. Mga rattle snakes! Venomous ang mga ahas!

Muli pa akong lumingon sa pinanggalingan kong warehouse kung saan naglalabasan ang mga yakuza na may mga hawak na baril. Nakangisi ng demonyo ang mga yakuza!

Unti unting pinanlamigan ang buong katawan ko habang hindi alam ang gagawin. Hindi ko maisip kung paano akong nakarating sa warehouse ng yakuza. Ah marahil bumalik ako para hanapin ang banyaga. Nagbabakasakaling makita siya ng buhay.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Pumikit ng ilang minuto at handa ng tanggapin ang kamatayan lalo na at nadidinig ko ang pagkasa ng baril at ganun din ang unti unting paglapit ng mga rattle snakes sa akin.

"Anak. Dito! Dito, lumapit ka sa akin!"

Bigla akong napamulat at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaliwa ko.

Si mommy, nakaputing damit at may hawak na pulumpon ng mga ligaw na bulaklak! Masyadong mausok sa kinalulugaran niya. Nakangiti at nagaanyayang pumunta ako sa kanya!

Humakbang ako ng dahan dahan. Palapit ng palapit. Subalit may isa pang tinig akong nadinig.

"Benjamino, tulong! Tulungan mo ako!" Napakunot ang noo ko. Kilala ko ang tinig na iyon! Paglingon ko sa kanan, nakita ko ang duguang katawan ni Kanari!

Tangina! Hawak hawak siya ng banyaga habang sakal sakal nito. Nakangisi ang babae at tila tuwang tuwa sa ginagawa niyang pagsakal kay Kanari!

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung sasama sa nanay ko o tutulungan ang kababata ko!

"Anak, sumama ka na sa akin!" muling nakangiting pag anyaya ng ina ko sa akin.

At para akong nahihipnotismo habang lumalapit sa kanya. Pero sigaw pa rin ng sigaw ang nanghihingi ng tulong na si Kanari.

Wala akong nagawa kundi kumuyom ng kamao. At tumigil sa paglakad.

"Sorry mommy!" sigaw ko habang nakapikit na tumakbo pa kanan. Tutulungan ko si Kanari!

Subalit nasa kalagitnaan na ako ng makadinig ako ng sunod-sunod na tunog ng baril.

Nanlalaki ang mata ko ng makita kong tumilapon sa ere ang mga bulaklak habang nauupos na bumagsak ang ina ko sa damuhan. Punong puno ng dugo ang kanyang puting damit!

"Mommmmy! Hindiiiiiiii!" Tumakbo ako ng matulin palapit sa duguang bangkay ng aking ina.

Tumatangis na hinawakan at hinalikan ang noo niya. "Mommy, gising. Gising mommy!" tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha ko. Magkahalo na ang sipon.

Hinawakan ko pa at pilit tinatakpan ang mga parte ng katawan niya na may mga tama ng baril. "Mommy, huwag mo akong iiwan, please!"

Ngunit wala na talaga siyang buhay. Hindi na siya humihinga. Wala na akong nagawa kundi sumigaw ng malakas.

"AaaaaahHhhhhhhhh!" Namimighati, nagagalit, nagsisisi, naghihinagpis.

"Hindi mo siya pinili, kasalanan mo!" Nakangising sigaw ng yakuza.

Nanlilisik akong lumingon sa mga yakuza subalit nakapagtatakang bigla silang nawala. Parang aparisyon.

Nagpalingon lingon ako sa paligid. Wala na din ang mga rattle snakes! Naglahong parang bula!

"By the way, it is me who killed your mother!" biglang wika ng banyaga na kasalukuyang hinihimas ang baril na hawak nya. "And your friend!"

Nanlalaki ang mata ko ng makitang patay na rin na nakalugmok sa damuhan si Kanari.

At tila hindi pa rin nakuntento ang banyaga, muli niyang binaril si Kanari.

"Kanariiiiii AhhhhhhHhh!"

Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon. Pagkatapos namin siyang tulungan, eto ang ibabalik niya? Unti unting namuhay ang galit sa dibdib ko. Nanlilisik ang matang tinitigan ang maamo, malungkot ngunit nakangising mukha ng banyaga. You bitch! I hate you!

Hanggang sa sinampal ako ni Kanari!

"Benjamino! Benjamino, ano ba! Gumising ka na!"

Tuluyan na akong napadilat. Tangina! Panaginip lang pala!

"Ano yan?!" naniningkit na singhal ko kay Kanari.

May hawak siyang isang basong tubig.

"In case na hindi ka magising, bubuhusan na kita ng tubig."

"Arigatōgozaimashita!" sabay hablot ng tubig sa kamay niya. At mabilis na ininom. Pasalamat na rin sa kutong lupang ito, nagising ako sa masamang bangungot.

"Ano bang napanaginipan mo? Ungol ka ng ungol! Tigilan mo na kase ang kakapanood ng hentai!" sita pa ni Kanari.

"Ikaw." wala sa loob na sagot ko na lang.

Sandaling tumahimik ang babae. At dinig na dinig ko ang pag atras niya sa akin.

Pag-angat ko ng paningin, kakatwa ang itsura ni Kanari. Namumula ang mukha at nakaharang ang dalawang braso sa kanyang kaliitan o munting burol.

"Hentai- ako? Manyak ka." bulong ni Kanari na dinig na dinig ko naman. Mukha siyang tuliro.

Gamunggong dibdib? Pagnanasaan ko? King inang yan!

Inis na bumangon ako sa tatami bed at lumapit sa kanya para batukan. "Magtigil ka nga. At hindi ako nanonood ng hentai!" naninitang singhal ko sa kanya.

"Malay ko naman! Andoon ako sa labas, pumasok na ako ng bahay niyo dahil nadidinig kitang sumisigaw ng "Kanari Ahhhhhh Ahhhh-

Bigla kong tinakpan ang bibig niya, parang ang laswa eh. "Ano bang sadyang mong kutong lupa ka at nagpunta ka pa dito?"

Alam kong trouble na naman ang sadya ng bubwit. Impossible namang pumunta yan dito at magyaya ng date or kumain sa labas este-

"Sinugod at nanggulo ang gang ng yakuza sa templo ng mga Reiki at sinunog nila ang bundok ng Kurama, balita na ngayon yan sa telebisyon!"

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko, lalo na ng bumagsak sa sahig ang baso at nabasag.

Andoon ngayon ang ina ko. Shit!

Mommy!

Bad Princess- Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon