Chapter Twenty Two

1.5K 54 1
                                    

Petunia the First

First day of school.

Nakasuot siya ng school uniform ng West International which she finds comfortable to wear. School white blouse with collar, short skirt na dinagdagan niya ng jogging pants sa ilalim. Pinayagan naman siya ng school na suutin.

May dala dala siyang isang notebook at ballpen. Noong nasa London siya, sa tuwing may klase siya sa private tutor, isang panulat at papel lang ang kailangan.

Malayong malayo ang environment ng home schooled sa tipikal na paaralan.

Nagpakilala na siya sa harapan. At hindi niya alam kung bakit pinagtatawanan siya ng mga estudyante.

"Hmmn. My name is Petunia the First." she said in a soft low voice.

Dumagundong na naman ang mga tawanan ng mga ito. Subalit wala siyang paki alam.

Bahagya siyang tumitingin sa mga estudyante. Partikular sa isang grupo. Keep your enemy closer.

Nagsimula na siyang lumakad sa bakanteng upuan sa likuran.

May tumawag pa sa kanya. Hindi niya nilingon. May bulung-bulungan pa.

Lagot siya! Kay Rye na upuan yun.

Patay na!

Hindi niya pinansin ang lahat bagkos ay natulog siya sa desk niya. May jetlag siya at sumasakit ang ulo niya sa ingay ng mga ito.

Nagalit ang guro sa ginawa niyang pagtulog. Pero hindi niya mapigilan ang sarili.

Hanggang sa nawala ang ingay. Tuluyan ng nawala ang antok niya, napako ang atensyon at tumingin sa paligid. Abala ang lahat sa kani-kanilang mga papel, samantalang nagtatanong ang guro.

Wala talagang sumasagot sa mga tanong ng guro. Madali lang naman.

Tinaas niya ang kamay.

"Yes, Miss Dapers?" mataray na wika ng teacher nila. "You are not exempted to-

"Answer to number one is Petrach,  two is Visconti and three is Nicholas V." she confidently answered.

Biglang nag ingay ang mga estudyante. Ang iba ay pandalas sa pagsulat ng sagot sa papel.

TANGNA!

BILIS, ISULAT NYO!

MAY SAGOT NA TAYO, YEHEY!

HAHAHAHAHA

Kitang kita niya na namumula sa galit ang guro. Nagpupuyos na dinuro siya. Why?

"MISS DAPERSSS,  GINAGALIT MO TALAGA AKO.  MAGKITA TAYO NGAYON DIN SA FACULTY!"

Quiz pala hindi recitation kaya nagagalit ang guro!

Wala siyang nagawa kundi sundin ang utos ng guro. Mukhang nakagawa siya ng mali.

Tumayo siya at nagtungo sa faculty. Nakangiti naman ang mabait na headmaster. Siya ang pumayag na kahit hindi tama ang pagsusuot niya ng school uniform, hinayaan na lamang siya sapagkat na perfect niya ang school's entrance exam.

Binigyan siya nito ng red slip. Pinaliwanang na bilang parusa, kailangan niya maglinis sa school gym. Tumango naman siya.

Sinabi nito ang direksyon patungo sa janitor's room para kumuha siya ng mop na panglinis.

Ito ang kauna unahan na maglilinis siya sa buong buhay niya. She's a princess!

Pero nakapagtatakang masaya siya at magaan ang loob. Gusto niya!

Patungo na siya sa gym nang makasalubong niya ang isang estudyante.

He was looking intently at her. He was seriously scanning her with his curious eyes. It was telling something.

Tila ba kinakabisa ang buong mukha niya. Titig na titig sa kanya. Bahagyang kumislot ang puso niya.

Iniwas ang paningin sa lalaki at dumiretso na sa gym. She had to admit he's handsome but she needs to finish cleaning the gym.

Kaya tinungo na niya ang lugar. Pinagmasdan niya ang ubod laking lilinisan.

Muli niyang nakita ang lalaki kanina. Mukhang sinundan siya. May hawak itong bola at nakatitig na naman sa kanya habang nagdi dribble.

Silang dalawa lang ang tao sa loob ng gym.

Hindi niya alam kung bakit lumagabog ang puso niya. Iniwas niya ang paningin sa lalaki.

Para mawala ang kaba, binuksan niya ang headphone na bigay sa kanya ni Benjamino. Finull blast niya ang tunog.

Nakatungong pinagmasdan niya ang pang mop. Sa London ay vacuum ang ginagamit at hindi rin siya marunong.

How will I use it?

Binasa niya ng tubig ang mop at nilapag sa sahig. Sinimulang ikuskos sa sahig ng gym ang 'basang basang' basahan.

Nagliwanag ang mukha niya sapagkat marunong na siya! So it's easy!

Wala pang dalawang minuto ng sumulpot ang tatlong lalaki na namukhaan niyang kaklase niya.

Parang slow motion na nadulas sila sa sahig na basa. Lihim siyang napangisi.

Hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ng mga ito dahil naka full blast ang sound ng headphone niya.

Hanggang sa may humablot ng handle ng mop sa kanya. Pilit kinukuha sa kanya.

Lumagabog ang puso niya ng malakas. Napatingin siya sa gwapong mukha nito. Langhap na langhap niya ang cologne ng lalaki.

Nagsasalita ito subalit hindi niya maintindihan sa lakas ng sounds niya.

Ayaw niyang bitawan ang handle ng mop. Nag-agawan sila. Mukhang lalong nabadtrip ang lalaking masungit.

Sinipa nito ang baldeng may tubig. Tumilapon ang laman niyon. Halatang galit na galit ang lalaki lalo na ng padaskol nitong alisin ang headphone niya sa ulo.

Pagkatapos ay malakas siyang sininghalan sa mukha. "LET GO OF THIS FUCKING MOP, YOU MORON!"

Mulagat siya sa lalaki. Hindi niya nagustuhan ang tinawag sa kanya nito. Kaya nang hinila ng lalaki ang handle ng mop, bigla niyang binitawan.

Laglag siya sa sahig. Serves him right!

"WHAT A FUCKING DUMBSHIT, YOU STUPID ASDFGH@#$#*@#

She could'nt believe how 'colorful' his choice of words was. Nanggigigil man, pinilit niyang pakalmahin ang sarili.

Nilapitan niya ang baldeng nakataob. Sinipa niya at pinakita kung paano mag shoot ng balde sa ulo ng tao!

Natigil ang pagmumura ng lalaki.

Samantalang nganga ang tatlong estudyanteng marahil kaibigan nito, na nakakita ng ginawa niya.

Then she walked out of gym unminding their epic reaction!

This is good!


[Note: From this moment, this story will be Petunia's point of view. Naka fast forward lahat ng nangyari sa Part I. I am hoping na matapos ang story na ito this month. Thank you!]

Bad Princess- Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon