Bench POV
It's back to normal.
Parang walang nangyari. Andito ako sa field and as usual, pinagmamasdan na naman ang ulap habang nakikinig sa sound ng headphone ko.
Hindi ko alam kung nagkasundo ba kami ni Kanari na huwag nang pag usapan ang nangyari sa banyaga o sadyang isa man sa amin ay umiiwas pagusapan ang malagim na sinapit ng batang babae.
I sighed. It's been one week and three days when that incident happened. It seems like yesterday.
Andito pa rin ako, madalas nagka cut sa klase. Minsan nakukonsensya din ako na walang kaalam alam ang mommy ko sa pinag gagawa ko sa buhay. Sabagay, nitong nakalipas na isang linggo, pabalik balik ng Mount Kurama ang nanay ko.
I don't even know what she's up to. Not that I do not care, but it's just I am busy mending my conscience. Dapat ba kaming magsumbong sa authority tungkol sa banyaga at sa ginawa sa kanya ng yakuza? Or hahayaan na lang na tila walang nangyari sapagkat wala namang naghahanap sa batang babae?
I sighed again. These past few days, I felt like I am in a nowhere place. Don't know where I am and don't know what to do, parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Ganito ba ang deppression?
Wala akong ginawa kung hindi mag isip ng mag isip. And it's drowning me, it's killing me.
Kanari Dessine POV
I can't believed she's dead. I have this feeling that she's alive and well. Pero ayaw kong sabihin kay Bench ang hinala ko sapagkat kitang kita kong depress ang kaibigan ko dahil sa nangyari.
Sabagay, nakita mismo ng dalawang mata niya ang ginawa ng yakuza sa banyaga. Sinakal at nakita nyang nakalugmok sa kalsada. It's traumatic for him.
Pero gayunpaman, hindi pa rin maalis sa pakiramdam ko na buhay pa rin siya. Kailangan ko lamang ng ebidensya.
Kaya ingat na ingat akong nagtatago at nagmamanman sa isang sulok malapit sa naguusap na mga yakuza, sa isang kanto malapit sa public market.
Hindi nila ako napapansin sapagkat madami dami na ring tao ang namimili sa pamilihan.
"What else do they want?" gigil na wika ni Inoue Sato sa isang lalaking tila nagmula sa bansang United Kingdom. Halata sa kulay niya at tangkad.
"An assurance." maikling sagot naman ng lalaki.
"Fuck that bullshit!" namumula sa galit na sigaw ni Inoue Sato. Inihagis niya ang sigarilyong kanina pa nauupos.
Pagkatapos ay inilabas nya sa inside pocket ng jacket nya ang isang envelop na halos mapunit ang laman ng buksan nya. He's mad!
Pagkalabas niya sa laman ng envelop, inihagis niya sa kalsada ang mga pictures.
Isang babaeng nakalagay sa wooden coffin at punong puno ng dugo na may gilit sa leeg. Pictures ng bangkay ng banyaga!
Napatakip ako sa bibig at tuloy tuloy na bumagsak ang luha sa magkabilang pisngi ko. Kitang kita kong isa isang pinulot ng lalaking Briton ang nagkalat na pictures sa kalsada.
Samantalang nagmamadali akong tumakbo paalis dahil alam ko sa sarili kong mapapasigaw ako sa galit.
Basta na lang ako tumakbo ng mabilis. Alam kong nagtataka ang mga tao. Subalit wala na akong pakialam.
Naninikip ang dibdib ko sa galit at lungkot.
No wonder! Bench was depressed. I can now feel his agony.
And this immeasurable pain will haunt me at night. Hindi kaya ng konsensya ko ang sinapit ng batang babae.
Ano bang kasalanan niya?
Bakit siya pinatay ng yakuza?
May ginawa ba siya bukod doon sa warehouse?
Nalilito na ako sa nangyayari. Tahimik ang buong komunidad subalit nangangamoy malansa ang ihip ng hangin.
Ganito na ba ang society? Pipi at bulag sa nangyayari sa kapaligiran?
Nasaan ang hustisya?
I am so sorry Ms. Zombie girl! And I so hate myself for doing nothing.
BINABASA MO ANG
Bad Princess- Untold Story
ActionOnce upon a time there was a beautiful Princess named Petunia the First. She lived in a beautiful place called Kingsland Palace with her father and mother, and her two grannies, the Queens. But one day, her mother and father died. They were assass...