Chapter Twenty Nine

1.1K 50 1
                                    

West International School, Philippines

Kim Jin
Half-Korean, Half Filipino
Siblings: None
Mother: Filipina
Father: Korean
Vince Park's cousin

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Princess Petunia. Patuloy pa rin niyang binabasa ang mga impormasyon na ibinigay ko.

Subalit, tila nakakahalata ang batang prinsesa. Tinitigan nya ako na tila walang pakialam sa pamumutla ng aking mukha. Why the hell not? She can kill me in a snap! Lalo na kapag nalaman niyang lahat ng details tungkol kay Kim Jin ay panloloko.

Unti unti siyang lumapit sa pwesto ko. Halos tumigil ang puso ko sa kaba.

"Do you love your life?" wika niya na tila nagtatanong ng simpleng bagay. Subalit alam na alam kong pag mali ang sagot ko, katapusan ko na!

May balita na kapag niloko mo ang prinsesa, darating na lang siya na walang anumang babala para tapusin ang buhay mo kahit magtago ka pa sa pinaka dulo ng mundo.

May sabi sabi din na kapag may ginawa kang kasalanan, pati pamilya mo ay magdurusa hanggang sa kanuno- nunuan mo. Ganyan kalupit, ka bad ang batang Prinsesa.

Subalit, kahit madaming masasamang balita ang kwento tungkol sa Prinsesa, wala akong choice kundi sumunod sa mas nakakatakot na nilalang, si Queen Elizabeth.

Ilang beses ko ng nakaharap ang masamang reyna, isa siyang walang kaluluwa, greedy at mapang abusong reyna. Kapag sinabi niya, ginagawa nya. Kagaya na lang ng panggigipit niya sa akin. Samantalang si Princess Petunia ay ngayon ko lang nakaharap ng personal, mukhang mali ang kwento tungkol sa kanya.

Kailangan kong maging spy ni Princess Petunia. At para makalapit sa kanya, kinailangan ko pang magpanggap na tapat na detective ng Kingsland Palace.

"W-what do you mean, my Princess?" tanong ko habang nakayuko. Hindi niya pwedeng makita ang takot ko sa mata.

Lumakad ng bahagya palayo ang batang prinsesa. Kung titingnan, para lang siyang pangkaraniwang nilalang.

"You have a family in Venice. Your father is an Italian. He's a great chef, I once ate at his restaurant." nanigas ang buong katawan ko pagkarinig sa sinabi ng prinsesa.

Kung ganon ay totoo nga! Matalino ang prinsesa! Kayang kaya niyang hanapin ang kahinaan mo!

Kitang kita ko kung paano niya kinuha ang isang ligaw na bulaklak at itinanim sa maliit na paso. Andito kami sa gubat sa likod ng West International School.

"I- I don't know what-

"You have a son. His name is Kilo. He's in the Philippines right now."

Unti unting tinatakasan ng hangin ang buong katawan ko. Ramdam ko ang takot na nangingibabaw sa pagkatao ko. Paano nya nalaman ang isang lihim na kahit si Queen Elizabeth ay walang alam?

"I- P-please-

"Please what? Do you want to see your son?" nakangisi ang Prinsesa na tila nagbabanta. "Rather, do you want to see him dead?"

Nanlalabo ang mata ko sa luha. Ganito na lang ba ang sasapitin ko sa kamay ng pamilya ng reyna at prinsesa ng Kingsland? Lahat ay nanggigipit.

Kapag hindi ko sinunod si Queen Elizabeth, siguradong papatayin nya si Lilly, ang aking asawa na hostage ng reyna. Subalit kapag hindi ko sinunod ang batang prinsesa, malamang mamatay din ang anak kong si Kilo.

"You have an option." nakangiti na wika ng Prinsesa habang binibigay sa akin ang isang paso na naglalaman ng bulaklak.

Matagal akong nakayuko. Hindi alam ang gagawin. Patuloy sa pagluha ang mata ko. Alam kong patatawarin ako ni Lilly. Matanda na kami parehas, wala ng future sa aming dalawa kaya okay lang mamatay. Samantalang ang nagiisa naming anak, madami pa siyang mararating.

Tahimik kong inabot ang paso na may bulaklak. "Kim Jin is Benjamino Sakauchi. He suffered from amnesia. Emperor Izanagi made sure no one will know about the secret. He's afraid yakuza may hunt him."

Ngumiti ng nagagalak ang Prinsesa.

"About his Filipina mother?"

"She's a decoy. So no one will suspect about Benjamino Sakauchi's personality. She also had a son but died in an accident. Kim Jin is the replacement that transpired to hide Sakauchi's secret."

"Hmmn very well."

Iyon lang at tuluyan ng umalis ang batang prinsesa na tila walang nangyari. Wala man lang siyang pangako na binitawan na hindi gagalawin o papatayin ang kanyang anak. Subalit alam kong tumutupad sa usapan ang batang prinsesa.

Bago siya tuluyang nakalayo, nakita ko pang may sinenyasan siya. Mabilis na may lumundag na isang ninja sa kanyang tabi.

Ang dakilang samurai warrior!

"Tell the decoy to call Kim Jin. I don't want him here. He's not safe here. By the way, he's no longer Benjamino Sakauchi." wika ng prinsesa.

Kitang kita na bahagyang nagulat ang samurai warrior, tila hindi inasahan ang sinabi ng Prinsesa. Bagaman, tumalima na din ang ninja. Mabilis na lumundag sa puno at nawala na parang bula. Ganundin si Princess Petunia.

Samantalang ako ay naiwan na lang na tulala habang pinagmamasdan ang bulaklak na iniwan ng dalaga. Unti unti na din kumalma ang pakiramdam ko.

Sa isang banda, nalaman ko rin na may puso ang Prinsesa hindi kagaya ng sabi sabi. Napaka swerte ni Kim Jin. Sana ay naging kaibigan din ng aking anak na si Kilo ang batang prinsesa.

"Elle est très gentille" [She is very kind] wika ng isang tinig sa likuran ko.

Nanlaki ang mata ko sa nadinig. "P-papa?" dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng tinig.

"I miss you dad!" wika naman ng isa pang tinig.

Halos hindi makapaniwala na nasa harapan ko ang aking italyanong ama, pati na rin ang aking anak ni Kilo at gayundin si Lilly.

"Kilo?! Lilly? H-how??" naluluhang tanong ko habang nakayakap sa mag-ina ko.

"The Princess saved us. She's kind. You only need to trust her. We are now safe!"

Thank you, Princess!

Bad Princess- Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon