Imperial Palace, Japan
Sunod- sunod ang meeting ng mga konseho ng palasyo sa kanyang nasasakupan.
Kabilang sa naturang pagtitipon ang prime minister ng Japan, bise nito at mga senado.
Ngayon lamang nakitang nagalit ang hari at patriarka ng Japan. At lubos silang natatakot dito.
"Sundin ninyo ang inuutos ko!" galit na wika ng Emperador sa salitang nihongo.
Nanganganib ang kanilang bansa kapag lumabas ang balitang may banyagang pumugot sa ulo ng isang kinatatakutang yakuza, gayundin ang isandaang tauhan nito. Ang mas nakakabahala, hindi kinaya ng mga dakilang warrior samurai na protektahan ang makasaysayang templo.
Kung nakakapagpasok ng mga illegal na armas ang mga yakuza, bakit hindi nila napatay ang nagiisang nilalang na tumapos sa buhay nila? Isa sa mga kinatatakutang tao ang yakuza sa buong mundo subalit ano ang lumalabas sa intel?
"Siguraduhin ninyong walang makalalabas na anumang balita patungkol sa manslaughter at massacre na ito!" galit na tinapos ng matandang emperador ang pagtitipon.
Isang destabilasyon ang mangyayari kapag nakalabas ang balita. Maari din silang targetin ng ibang bansa kung ganito kahina ang kanilang mga sundalo.
Marapat lamang na alamin ang puno't dulo ng pangyayari.
Kyoto, Japan
Third Person POV
"Tama na yan, Benjamino! Hindi na tayo makakalapit, sinaraduhan na ng mga pulis ang templo."
"Hindi pwede! Naandon ang nanay ko!" taranta na si Bench sa kakaisip ng paraan para makapasok sa templo.
Kung bakit kase walang signal sa bundok, hindi niya macontact ang ina.
Hindi pa umuuwi si Mrs. Benjamina, nangako siyang mag uusap pa sila. At halos mamatay sa pag-aalala si Benjamino.
Napabuntong hininga na lang si Kanari. At marahan niyang inakay ang kababata.
"May alam akong daan. Tara na!" muli na namang nginatngat ni Kanari ang kuko sa daliri, halatang tensyonado.
"Tss. Bakit ngayon mo lang sinabi?" muling nabuhay ang pag-aalala ni Benjamino.
"Dahil delikado! Bukod pa roon, wala pang sino man ang bumabalik na buhay pagkatapos makapasok sa teritoryo ng matandang bulag na samurai!" ganting singhal ni Kanari. Nanginginig na rin siya sa kaba.
"Tara na!"
Walang pag aalinlangan na nanguna sa paglalakad si Kanari.
Umalis na sila sa paanan ng bundok kung saan, maraming pulis ang nagbabantay kasama na ang ilang mga reporters na gustong makakuha ng detalye.
Lumigid sila sa kabilang paanan ng bundok kung saan may maliit na sapa. Lumusong sila sa tubig at isang malaking bato ang nakita ni Benjamino.
"Ready ka na?" nag aalalang tanong ni Kanari. Alam niya ang lugar dahil isang beses, hindi sinasadyang matagpuan niya ang secret passage ng bundok patungo sa templo.
Subalit hindi na niya itinuloy dahil mula sa dulo ng pintong bato, nakita niya ang bulag na kinatatakutang matandang samurai, nagbabantay.
Malakas ang pandama ng naturang samurai at sa hindi malamang kadahilanan, hinayaan lamang siya nito makabalik sa sapa.
"Pagbilang ko ng tatlo, sabay tayong sisisid. Sa ilalim ng higanteng batong ito, may isang lagusan. Lagusan patungo sa templo."
Tumango lang si Benjamino. At di kalaunan, pigil ang hingang sumisid sila sa sapa. Sa ilalim ng higanteng bato, matatagpuan ang isang maliit na tagong kweba.
![](https://img.wattpad.com/cover/163623086-288-k859898.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad Princess- Untold Story
ActionOnce upon a time there was a beautiful Princess named Petunia the First. She lived in a beautiful place called Kingsland Palace with her father and mother, and her two grannies, the Queens. But one day, her mother and father died. They were assass...