Kingsland Palace, London
Basag basag na nagkalat sa carpeted floor ang wineglass ni Reyna Elizabeth matapos niyang ibato sa dingding.
Nakayuko naman ang kanyang informant, nanginginig sa takot at pinagpapawisan ng malamig.
"She's just a kid. How come they can't kill her?" nagpupuyos sa galit na sigaw ng reyna. Nalaman niyang napatumba ni Petunia ang mga inutusan niyang yakuza.
"She's strong-
"It's Karim Cervantes' fault. He trained that brat very well." dagdag niya.
Ang tinutukoy niyang Karim Cervantes ay head ng Royal Guard ng Kingsland. Bihasa sa pakikipaglaban ang matandang lalaki at naging mentor ni Petunia.
"But I don't accept defeat. Tell the yakuza's if they can't kill her tomorrow, they will reap my wrath!"
Tumango ang informant. Nagmamadaling umalis.
Kailangan makarating agad sa yakuza ang utos ng reyna kung hindi ay aanihin nilang lahat ang galit ng pinuno ng Territorio Gang leader.
Kyoto, Japan
Bench POV
"Benjamino sabihin mo nga kung nananaginip lang ako." mahinang usal ni Kanari.
Tahimik syang nakayupyop sa kanyang tuhod at halatang nasa state of shock pa rin. Nanginginig sa nasaksihan.
Samantalang ako ay nakatayo at nakasandal sa puno ng sakura.
Nasa open field na kami. Umalis kami kaagad sa warehouse dahil delikado na matagpuan kami ng mga Keisatsu o pulis sa murder scene.
"Imposibleng kagagawan niya iyon." wala sa sariling sagot ko. Kung pwede lang mag yosi ay ginawa ko na pero nangako ako sa ina ko na hindi na magbibisyo. "Bata lang siya."
"Tama!" wika ni Kanari. "Posibleng may tumulong sa kanya." pinagpag ni Kanari ang kanyang short skirt.
"Saan ka pupunta?"
"Hahanapin ko ang banyaga!" sagot ni Kanari sa akin. Kinuha nya ang bisikleta nya at nagmamadaling umalis.
Napailing na lang ako. Gusto ko siyang pigilan dahil delikado ang gagawin niya. Maaring alam na ng iba pang muyembro ng yakuza ang nangyari sa kasamahan nila.
Umaabot ng mahigit sa limampung libo ang miyembro ng yakuza sa Japan, depende pa sa mga clan na kinabibilangan nila.
Ikapapahamak ni Kanari kung itutuloy nya ang pagsubaybay sa banyaga. Delikado ang yakuza subalit gusto ko rin malaman kung sino ang tumulong sa banyaga. "Aisshh bahala na!"
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa direksyon na tinahak ng bisikleta ni Kanari.
Hanggang ngayon ay nanginginig pa ang mga hita ko sa nangyari kanina. Sino ba naman ang mag-aakalang ang kinatatakutang grupo ng yakuza ay pinatay ng isang bata lang?
Posible rin na may tumulong sa kanya, ngunit sino? Walang sino mang Japanese ang nais bumunggo isa man sa miyembro ng yakuza. Isang pagpapatiwakal iyon dahil once na pumatay ka ng isang yakuza, kalaban mo na silang lahat. Kilalang mga berdugo ang yakuza.
Paliko na ako ng eskinita, madilim na sa parteng ito dahil hindi naaabot ng street light. Tahimik lang ang daan. Isa pa, talamak ang nakawan sa lugar na ito kaya madalang ang mga taong dumadaan.
BINABASA MO ANG
Bad Princess- Untold Story
AkcjaOnce upon a time there was a beautiful Princess named Petunia the First. She lived in a beautiful place called Kingsland Palace with her father and mother, and her two grannies, the Queens. But one day, her mother and father died. They were assass...