Chapter Eight

1.9K 54 2
                                    

Kingsland Palace, London

"Is she dead?" seryosong tanong ni Reyna Elizabeth sa tauhan na nakayuko sa kanyang harapan.

"Yes, my queen."

"And the proof?" taas kilay niyang tanong habang nakatingin sa envelop na hawak ng tauhan.

Mabilis namang ibinigay ng tauhan ang envelop at pagkatapos ay lumabas na ng bulwagan.

Nagsalin muna ng alak ang reyna bago dahan dahang binuksan ang envelop.

Napahalakhak pa siya sa nakita.

Unang larawang bumungad,
Si Petunia, napupuno ng dugo ang kasuotan. May hiwa sa kanyang leeg kung saan nagmumula ang dugo.

Ikalawang larawan,
Si Petunia, nakagapos ang kamay at mga paa, may mga pasa pa ang kanyang balat, tanda na pinahirapan.

Ikatlong larawan,
Si Petunia, nakahiga sa isang wooden coffin.

Ikaapat,
Tinabunan ng lupa, in her grave. She's clearly dead.

Tuluyan ng nagdiwang ang reyna sa mga nakitang larawan.


Kyoto, Japan

Inoue Sato POV

Slitting her throat is the biggest guilt I ever felt. She's a princess and I brutally killed her.

I have one-fourth american blood and the rest is japanese. Subalit walang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyon. Ang alam lang nila ay isa akong killing machine. Guess, I am.

Kung hindi ko papatayin ang prinsesa, malamang wala na rin ako sa mundong ibabaw. Sa mundo namin, alam ko kung paano magalit ang head ng territorio gang, si Queen Elizabeth.

She's greedy, brutal and ambitious. At mula sa palad nya, kayang kaya niyang paglaruan ang lahat ng nilalang na lumabag sa utos niya.

Muli akong napabuntong hininga, humithit ng sigarilyo at tumingin sa mga palad ko.

Kahapon pa nailibing ang prinsesa. Hindi biro ang pagpapahirap sa kanya. Binugbog muna siya ng mga galit na yakuza and to end her life, I slit her throat. She's dead when we put her in the box, in her grave.

Nakaka konsensya sapagkat hindi siya lumaban. Hinayaan lamang kami na gawin ang pagpatay sa kanya. Kapalit ng pangakong hindi namin sasaktan ang mga kaibigan niya.

Muntik pa siyang halayin, subalit hindi ako pumayag. Tama na ang pananakit sa kanya.

Maya maya ay may ibinigay ang isa sa mga kasama ko. Isang puting sobre na naglalaman ng pera. Siguradong premyo ng reyna sa pagpatay sa kanyang apong si Petunia.


Benjamino's House, Kyoto Japan

Bench POV

Tahimik akong nakahiga sa tatami bed. Nakatitig sa ceeling subalit lagpasan ang tingin at kahit ubod ng lakas ang sound sa headphone ko, tila wala pa rin akong nadidinig.

Literal na nakatulala dahil alam kong wala na siya, ang banyaga.

Kung hindi dahil sa kanya, wala na rin kami ni Kanari.

Wala siyang kasalanan. Kami ang pilit sumasali sa eksena o sa kung ano mang gulo ang meron siya.

Alam kong hindi siya patatawarin ng mga yakuza. She's definitely dead.

"Benjamino, ano bang nagyayari sa iyong bata ka?" nagaalalang tanong ng aking ina.

May bitbit na naman siyang mga gamit, at may salakot sa kanyang likod. Mukhang mamumundok na naman ang aking ina.

Taon taon ay ginagawa niya ang pamumundok, sa bundok Kurama. Nasa north-west na bahagi ng kinalulugaran ng Kyoto. Nag aalay siya sa templo ng mga Reiki. Ang mga reiki ay tanyag sa pagpapagaling ng mga sakit sa pamamagitan ng palad. Naniniwala ang aking ina sa natural healing.

"Galing na kayo sa bundok kahapon, bakit babalik na naman kayo?" sa halip ay tanong ko sa tanong niya.

Mabuti na lamang at kahapon ay wala siya sa bahay. Hindi niya nakita ang mga pasa ko.

Biglang umiwas ng tingin si Mrs. Benjamina. Tila hindi naging palagay. "Gusto kong matutunan ang panggamot mula sa mga reiki kaya ilang araw muna akong mawawala." matigas niyang wika.

Kung dati ay nagaalay at sumasamba lamang siya, ngayon ay tila gusto na niyang magpaka dalubhasa. Anong nangyayari sa aking ina?

Sabagay, dati ay pilit niya rin akong isinasama sa bundok. Naaalala ko pa na madalas niyang ikwento na may mga monghe sa templo na dalubhasa sa samurai.

Ang Mount Kurama ay kilala din bilang tahanan ng mga dakilang warriors na dalubahasa sa samurai. Sila ang bayani na nagligtas mula sa pananakop ng mga dayuhan sa Japan.

Subalit, hindi pa rin ako mapilit ng aking ina na sumama sa kanya.

Maaring dahil na rin sa katamaran. "Ingat ka, Mrs. Benjamina." wika ko na lang at muling ipinikit ang aking mga mata.

Bad Princess- Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon