Bench POV
"Bench! Bench! Benjamino!"
May nadinig akong tumatawag sa gwapo kong pangalan pero hindi ko nilingon.
"Benjamino! Halika, may sasabihin ako sa iyo!" muling sigaw ng isang nilalang mula sa loob ng lupa.
De joke! Hhahhahahahaha
Si Kanari Dessine Yamamoto, kababata ko, may lihim na crush sa akin ngunit ayaw aminin. Ano na naman kayang problema ng kutong lupang ito?
Kunwaring naiiinip na lumapit ako sa kanya. "Ano na naman?" hindi interesadong tanong ko sa kanya.
Kilalang kilala ko ang likaw ng bituka ng babaeng ito. Masyadong adventorous at delikado lagi ang trip sa buhay nito.
Laging laman ng guidance office. Basagulera, takaw gulo. Gayunpaman, kasundo ko siya.
Mabait din naman kapag walang toyo hehehhe
"Kagabi may mga yakuza na-
"Na naman?!" gusto kong pingutin ang tainga mg babaeng ito. Takaw gulo talaga. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na delikado ang mga ginagawa niya.
"Makinig ka muna kase! Kagabi ay may tinulungan akong-
"Aissshhh. Tigilan mo na ang kalokohan mo. Paano kung mapahamak ka? Babae ka pa naman. Sabagay hindi ka mukhang babae--Aray! Pucha, sakit mo talaga mambatok!" angal ko kay Kanari.
Sanay na akong nababatukan ng babaeng ito. Pasalamat talaga siya na hindi ako napatol sa mga babae, turo sa akin ni Mrs. Benjamina.
"May banyagang babae ang tinambangan ng mga yakuza kagabi. Nakita ko siyang natutulog sa park-
"Ano??! Nasaan siya?" Sigurado akong yung british na babae ang tinutukoy niya. Madalang lang naman ang mga bumibisitang banyaga sa lugar namin, lalo na ang isang katulad niya na bata pa lamang at nag-iisa.
Nagblink si Kanari. Tila nagtataka. "Kilala mo siya?"
"Hindi. Pero nakita ko siya kahapon umiiyak dahil namatay ang aso niya." napakamot sa ulong sagot ko.
"Oh, that explains!"
"Explain what?" Sanay kaming dalawa na magsalita ng Filipino at English. Kapag kaming dalawa lamang ang nag-uusap, hindi kami gumagamit ng nihonggo. Trip lang hehehe
"Tulala siya, parang zombie. Hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon. Hanapin natin?" suhestiyon ni Kanari.
At sa lahat ng mga delikadong trip niya sa buhay, ito lang yata ang sinang-ayunan ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nag-aalala din ako sa batang babae kahit kahapon ko lang siya nakita.
"Angkas ka na!" muling sabi ni Kanari. Nakabisikleta na naman siya.
"Talaga?! Okay, sure!" Ngisi kong pagpayag. Pero gayon na lamang ang gulat ko ng muli na namang nakatanggap ng batok mula dito. "Shit, tangina! Bakit na naman?" reklamo ko.
"Hoy Benjamino, ano ka, sinuswerte! Ikaw ang magmaneho! Papagurin mo akong magpedal, sa bigat mong iyan! Hindi na uy!"
Lukaret! Aalukin ako, tapos hindi naman pala. Baliw talaga. Sakit pa mambatok. Ang bigat ng kamay. Kawawa ang magiging boyfriend ng abnormal nato!
Nakasimangot kong kinuha sa kanya ang bike. Samantalang siya ay sumampa na sa likod at nilagay ang kamay niya sa magkabilang balikat ko.
Kung may kapatid akong babae, gusto ko ay katulad ni Kanari. Walang arte at mabait din naman. Ang ayoko lang ay laging nasasabit sa gulo.
"Saan natin unang hahanapin?" tanong ko.
"Tingnan natin sa park."
Mabilis akong nagpedal papuntang park. Ilang minuto pa ay nakarating na kami doon, subalit wala ang anino niya.
"What's next?" mababakas sa tinig ko ang pagod habang nag-aalala naman ang mukha ni Kanari.
Kinagat pa niya ang kuko sa daliri niya, halatang tense at kinakabahan.
"Hanapin natin sa hideout ng yakuza!"
"ANOOOO?! Shocked na tanong ko. Hindi dahil sa natatakot ako kundi dahil paanong nalaman ng lukaret na ito ang hideout ng pinaka kinatatakutakng gang ng Japan, ang yakuza!
"Bilisan na natin. Baka kung ano na ang ginagawa sa kanya ng yakuza!"
"Aisssshhhh!" pati ako nataranta sa boses niya. "Turo mo kung saan!" inis kong singhal. Matapos lang namin ito, lagot itong babaeng ito pag-uwi namin!
Habang nagpepedal, kinuha ng kaliwang kamay ko ang cellphone sa bulsa ko.
"Benjamino, anong ginagawa mo?"
"Tatawag ako ng pulis!"
"Sira ka ba?! Hindi pa nga natin alam kung naandoon nga yung babae!"
"Oo na!" Muli kong binulsa ang cellphone ko. Mabilis na nagpedal.
Malapit na kami sa itinuro niyang abandonadong warehouse. Grabe talaga ang tapang ng bubwit na ito at talagang nalaman pa ang hideout ng yakuza.
Nang nasa entrada na kami ng warehouse, tinago muna namin ang bisikleta. At dahan dahang pumasok sa gilid malapit sa pinto ng warehouse.
Pinapakiramdaman kung may tao sa loob. Mukhang tahimik naman.
Unti unti kong inangat ang pinto ng warehouse. Maingat na hindi makagawa ng tunog. May kabigatan ang pinto.
Sumilip si Kanari. Sumenyas na pumasok kami dahil wala siyang nakitang tao sa loob.
Pag bukas namin ng pinto, parehas kaming nagitla. Napaupo pa kami sa sahig.
Yung babaeng banyaga! Nakatayo sa pinto at may mga dugo sa kanyang damit!
Nakatitig ang blue green niyang mata sa aming dalawa!
What the fuck! Anong nangyari? Mukha naman siyang okay subalit puro dugo ang kanyang damit!
Humakbang siya palabas at parang wala lang na lumabas, iniwan kami. Samantalang hindi kami makakilos.
Lalo na ng bumungad sa amin ang mga bangkay ng limang yakuza!
They were swimming on their own blood. All dead and massacred! Fuck!
BINABASA MO ANG
Bad Princess- Untold Story
AcciónOnce upon a time there was a beautiful Princess named Petunia the First. She lived in a beautiful place called Kingsland Palace with her father and mother, and her two grannies, the Queens. But one day, her mother and father died. They were assass...