Bench POV
Mula sa dilim unti unting naglakad ang banyaga patungo sa amin.
Hindi alintana ang yakuza. Mukhang hindi nya alam ang panganib na nakaamba sa kanya.
Sumenyas ako na tumakbo na siya paalis subalit tila hindi nya nauunawaan.
Butil butil na pawis na ang tumutulo sa noo ko kasama ng dugo. Wala akong nagawa kundi kumuyon ng kamao.
"My name is Inoue Sato. I am a yakuza and I need you, dead or alive Princess." wika ng yakuza.
Nagulat pa ako na marunong siya magsalita ng ingles.
Nakapagtatakang ang isang sangganong yakuza ay nagpakilala sa kanyang biktima. Ano ang layunin nya? At bakit niya tinawag na prinsesa ang banyaga?
Palapit ng palapit si Inoue sa banyaga, samantalang walang kakilos kilos ang babae. Mukha siyang tuod na walang reaksyon. Ganun pa rin ang kanyang kasuotan, madumi, may bahid ng dugo at dungis dungis.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako na dapat ko siyang protektahan, samantalang hindi ko naman siya kilala. Nagulat na lang ako sa sarili kong sigaw. "RUN! PLEASE RUN FOR YOUR LIFE!"
"FUCK YOU!" malutong naman na mura ni Inoue. Muli niya akong binalikan. Mabilis na sinuntok sa mukha at sinipa sa tiyan.
Sa sobrang gigil niya rin ay pinihit ang gatilyo at tinutok sa ulo ko. Halos ramdam ko ang lamig ng revolver sa noo ko. "YOU WANT TO DIE HUH?!"
Hindi na ako makahinga sa kaba. Kung kagaya siya ng iba pang yakuza, malamang bumulagta na lang ako sa kalsada. Walang pagdadalawang isip niyang babarilin ang isang kagaya ko, subalit hindi naman niya pinatay si Kanari. Maaring bago lamang siya sa grupo.
Napatingin na lang ako sa wala pa ring reaksyon na mukha ng banyaga. She's like a lifeless baby doll. Beautiful but dead and sad, like a dead stone. What happened to her? Bakit ganon siya?
Nasa bingit kami ng kamatayan subalit tila balewala sa kanya. Baka nga kahit sa harap niya ako patayin ng yakuza, wala pa rin siyang reaksyon.
Napailing na lang ako. Hindi dapat kami sumuong sa panganib ni Kanari para sa isang taong tila walang pakialam sa kanyang paligid.
Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin magawang magsisi dahil malakas ang hatak ng banyaga, malakas ang instinct ko na dapat siyang protektahan sapagkat may nagsasabi sa isip ko na isa siyang importante at prominenteng tao. Sana lang.
Huminga ako ng malalim. Pumikit at handang tanggapin ang kamatayan. Subalit narinig ko ang malagim niyang tinig.
"Stop." mahina at mabagal niyang wika sa british accent. "Don't kill him, I am going with you." dagdag niya habang nakatingin sa aspaltong kalsada.
"Very nice." nakangising wika ni Inoue.
At gayon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makadinig kami ng nga yabag at hiyawan ng iba pang yakuza. Unti unti silang lumitaw mula sa dilim. "Sato san."
Nakita kong hinawakan nila sa leeg ang babaeng banyaga. Sinakal nila at kahit gusto kong kumilos patakbo sa kanya, wala na akong nagawa dahil bigla na lang akong hinataw ni Inoue ng baril.
"Sleep." bulong ni Inoue sa akin. At bago ako nawalan na ako ng malay, nakita ko pang unti unting bumulagta ang banyaga sa kalsada.
Kanari Dessine POV
Hinanap ko ang banyaga subalit minamalas na nakaengkwentro ko si Inoue Sato, ang notorious na yakuza na kilala bilang Killing Machine dahil walang pag aalinlangan niyang papatayin ang sinomang sagabal sa kanya.
Subalit tila hindi totoo ang bali- balita tungkol sa kanya dahil heto ako at buhay pa. Isa lang ang tinanong nya sa akin. Nasaan ang banyaga?
Sinabi kong hinahanap ko at wala pang tatlong minuto niya akong sinaktan at pinatulog.
Nakapagtatakang paggising ko sa eskinita kung saan ko nakita si Inoue ay bumulaga na lang sa paningin ko si Benjamino na puro pasa at dugo ang katawan. Maaring naka engkwentro nya din si Inoue.
Subalit ang tanong, bakit niya kami binuhay? Ano ang pakay niya sa banyaga? Bakit niya hinahanap?
"I need to find her. She's important." Iyon ang huling sinabi ni Inoue bago niya ako patulugin sa suntok.
Niyugyog ko si Bench. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang pagdilat niya ng mata.
"Wala na siya."
Kunot noo ko siyang tiningnan. Baka nagdedeliryo na si Benjamino at kailangan ko na siyng dalhin sa ospital. "Wala na ang banyaga." usal niya.
"She's dead?" nanlalaki ang matang tanong ko. Lumakas ang tibok ng puso.
"Killed."
And Benjamino passed out.
![](https://img.wattpad.com/cover/163623086-288-k859898.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad Princess- Untold Story
AçãoOnce upon a time there was a beautiful Princess named Petunia the First. She lived in a beautiful place called Kingsland Palace with her father and mother, and her two grannies, the Queens. But one day, her mother and father died. They were assass...