Imperial Palace, Japan
Muli na naman nagpulong ang Emperor ng Japan kasama ang Prime Minister.
Yukong yuko ang nagsisilbing presidente ng bansang Japan. Namumula ang kanyang mukha sa pagkapahiya.
"There is nothing we can do about the massacre. Yakuza is seeking revenge for the deaths of their members. I am afraid our country may suffer in destabilization." wika ng Prime Minister na nakaupo sa sahig ng tanggapan ng hari. Nag uulat ng nakatungo.
Kailangan nilang mapigil ang nagagalit na grupo ng yakuza. Siguradong manggugulo sila sa lahat ng lugar sa Japan. Madami na ang bilang nila at takot ang mga tao sa yakuza. Pumapatay sila ng walang pakundangan.
Kahit ang mga kapulisan nila ay hindi rin kaya sapagkat madami ang koneksyon ng naturang grupo.
" Find the culprit. Find the person who killed the gangs. Find that person because it's the only way you can appease yakuza." seryosong sagot ng emperor.
Naisip na rin nila ang bagay na iyon subalit tikom ang bibig ng mga nakasaksing reiki. Ayaw nilang ipagkanulo kung sino ang 'nilalang' na iyon na tumapos sa buhay ng isang daang myembro ng yakuza.
"If you can't find that 'killer', I will need to have your resignation at the end of this month. I am serious, Mr. Prime Minister."
Nanlalaki ang mata ng presidente. Nangingilid ang luha sa magkabilang mata. Sa kauna unahang pagkakataon, naramdaman niya na isa siyang inutil sapagkat responsibilidad niyang pangalagaan ang kanilang mga mamamayan subalit ano ang nangyayari ngayon?
"Hai." nakatungong sang-ayon ng presidente.
Nakuntento naman ang hari. Hindi maaring wala silang gawin sa galit ng yakuza. Kilalang mga berdugo ang mga kriminal. Matagal na nilang problema ang mga naghahari hariang yakuza, panahon pa ng Meiji.
Nagpaalam na ang Prime Minister.Samantalang pinatawag ng Emperador ang Head ng Royal Guard niya.
"At midnight, we are going to Mt. Kurama. Tell Hara Isis to go with me." utos niya.
Nais niyang makita ng personal ang templo subalit hindi niya magagawa ng araw sapagkat marami ang mangyayaring spekulasyon. Ayaw niyang maraming paparazzi ang nakasunod sa kanya kaya sa gabi gagawin ang pagbisita.
Si Hara Isis Izanagi ay ang kaisa isang apo niya at lehitimong taga pagmana ng trono niya. Subait, suwail at matigas ang ulo ng nasabing prinsesa.
Mount Kurama, Underground Tunnel
Mula sa madilim at malamig na kweba, madidinig ang mahihinang lagaslas ng tubig. Kasabay ng payapang pagdaloy ng tubig ay ang tunog ng isang pares ng paang lumalakad ng marahan.
Umalerto ang matandang bulag na samurai na nagbabantay sa lagusan. Sa lugar nila, kinikilala din siyang legend dahil sa natatangi niyang lakas sa kabila ng kapansanan.
"Hime." wika niya.
"Where is Kanari Dessine?" wika ng tinig ng babae.
"Ligtas siya. Subalit kagaya ng utos mo, prinsesa, itinago ko siya sa kwebang ito." wika ng matanda sa salitang nihongo.
Tumango lang si Petunia.
Naalala pa niya ng nagkakagulo na sa templo, inutusan niya ang isang reiki na palihim na puntahan ang matandang samurai sa kweba.
Nagaalinlangan man sapagkat kilala ding berdugo ang matandang samurai, sumunod pa rin ang reiki sa pangakong hindi siya sasaktan nito.
Ipinabatid niya na may dalawang tao ang dadaan sa kweba. Inutos niyang huwag saktan ang mga ito. Subalit, kuhanin ang batang babae at hayaang makalabas ang batang lalaki.
Karapatan ni Benjamino na makita ang bangkay ng kanyang ina sa huling pagkakataon.
"I have another favor to ask. I will bring Benjamino here. Make him safe."
"H-hime?"
Nakatungo lang si Petunia. Nangingilid ang luha sa mata.
Kung makikita ng matandang samurai ang itsura ng batang prinsesa, malamang ay maawa din siya dito.
Gusgusing damit, gulo gulong buhok, maputlang kutis at walang buhay na mata.
"Benjamino is dying. He met an accident while he's grieving. He's suicidal. Make him well and safe." mahinang usal ni Petunia.
Kinakabahan ang matandang samurai sa ipinupunto ng batang prinsesa.
Ilang buwan na buhat ng makilala niya ito. Isang batang banyaga na naghahanap sa kanya. Hindi niya alam kung paano natuklasan ng prinsesa ang kanyang teritoryo.
Kagaya ng mga sabi-sabi, totoong berdugo siya. Pumapatay, kumakatay. Papasok kang buhay sa kweba, lalabas kang bangkay na hindi nakadaan sa lagusan.
Noong araw na sumulpot si Petunia sa kweba, agad niyang iwinasiwas sa leeg ng batang babae ang kanyang samurai. Subalit, sa hindi makitang aksyon ni Petunia, naramdaman na lang niya na tumutulo na ang dugo niya sa sariling leeg.
"I am Princess Petunia the First. I am not here to kill you. I have nowhere to go. Can you keep me?" naalala niyang seryosong bulong ng Prinsesa.
"Bakit naman kita kukupkupin, Hime?"
"You will do it. Unless you don't want to obey your master. Haven't you realized you were defeated?" nakangising usal niya. Mas lumalim pa ang diin niya sa samurai sa leeg ng matanda.
Bumuntong hininga ang matandang samurai. Kagaya ng mga nadidinig ng mga tao, ayon sa kwento, ang sinomang makatalo sa dakilang samurai ay pagsisilbihan niya hanggang sa huling hininga.
Sa puntong ito, wala pang minuto ng matalo siya ng batang prinsesa. Kung gugustuhin niya, maari siyang paslangin ni Petunia. Pero hindi.
Kahit hindi niya nakikita ito, alam niyang mahiwaga at malakas ang prinsesa. Siya pa lamang ang kauna-unang nilalang na sinunod niya.
"When are you going to bring the boy?" tanong niya.
May pakiramdam siyang susugod ang pinaka pinuno ng yakuza sa templo. Marahil ay naghahanda ang batang prinsesa sa mangyayaring kaguluhan.
Siya na matandang samurai ay hindi lamang legend sa pakikipaglabn, may kakaibang husay din siya sapagkat kaya niyang basahin ang mangyayari sa susunod na mga araw.
"Today at midnight." wika ni Petunia at marahang naglakad palabas ng kweba.
BINABASA MO ANG
Bad Princess- Untold Story
AcciónOnce upon a time there was a beautiful Princess named Petunia the First. She lived in a beautiful place called Kingsland Palace with her father and mother, and her two grannies, the Queens. But one day, her mother and father died. They were assass...