Chapter Four

2.6K 75 1
                                    

Thank you kanaridessine for allowing me to use your pretty name! Yayyy!🤗🤗🤗 [Kanari in Japanese means pretty, fairy!] 💓

Time waits for no one.

Mabilis na nakarating sa gang ng yakuza ang utos ni Reyna Elizabeth. From London to Japan.

Mula sa bulong ng isang myembro ng yakuza, patungo sa isa pang tao, hanggang sa magpasa pasa ang impormasyon, nalaman nila kung nasaan ang target.

Ang sinomang makapatay sa prinsesa ay mabibigyan ng malaking pabuya sa leader ng yakuza.

"Jakkupotto." [Jackpot!] nakangising wika ng lalaking Japanese na may hikaw sa kabilang tainga.

Alas siyete na ng gabi at nakita nila si Petunia na nakahiga sa isa sa mga benches sa open field.

Hinagod ng tingin ng hapon ang batang babae. She's only fourteen years old. Maganda at halatang banyaga.

Gusot gusot ang damit ni Petunia, gulo gulo ang buhok. Namumugto ang mata.

Unti unting lumapit ang ang apat na miyembro ng yakuza.

Pero bago pa sila makalapit ay isang batang babae pa ang humarang sa kanila.

"Chottomatte!" sigaw ng babaeng naka school uniform ng isang tanyag na unibersidad sa Kyoto. Sa likod niya ay isang bisikleta. "On'nanoko o kizutsukeru ikemasen!"   seryosong sigaw pa niya. [Don't hurt the girl!]

Ngumisi lang ang grupo ng yakuza. Tila hindi siya iniintindi subalit halata sa mukha nila na may gagawin silang masama. "Anata wa watashitachi o hakai suru monodesu!" nakakalokong tanong ng yakuza. [Who are you to disrupt us?]

"Watashi no namae wa Kanari Dessine Yamamoto!" seryosong pakilala niya sa sarili niya. She needs time to wake the girl up. Tila hindi napapansin ng babaeng banyaga ang panganib na naka amba sa kanya.

"Kanari eh?!" ngingisi ngisi na ulit ng isang mukhang adik na Japanese. Hinagod pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Kanari wa utsukushīdesu" [Kanari is beautiful.]

"Hai!" sigaw ni Kanari sabay nag bow. Kailangan niyang lansihin ang mga yakuza kung nais nya pang mabuhay.

Mula sa peripheral vision niya ay nagising na ang banyagang babae. Mukhang kasing edad nya rin ito.

Unti unting tumayo ang batang babae, nakayuko at marahang naglakad paalis. Tila walang pakialam sa kanila.

"Ehhh?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Kanari Dessine, ganun din ang mga yakuza.

"On'nanoko ga esukēpu sa remasu!" sigaw ng yakuza na ang ibig sabihin ay tumatakas ang babae. "Kanojo o oikakemasu!" Chase her!

Nagmamadaling tumakbo ang ilang yakuza samantalang si Kanari ay sumakay na sa kanyang bisikleta at nagpedal ng mabilis palapit kay Petunia.

"Hop in!" pinapawisang sigaw ni Kanari kay Petunia. Palapit na ang mga yakuza kailangan makatakas sila.

Subalit parang tulala lamang na naglalakad si Petunia at hindi siya pinansin. Walang nagawa si Kanari kundi iharang ang kaniyang bisikleta sa kalsada at hatakin patakbo ang tulalang banyaga.

"We need to run as fast as we can. The yakuza is after you!" sigaw niya. Nababahala sa kawalang interes ni Petunia. Although hindi niya kilala ang babae, naawa siya ng makitang pinaliligiran ng mga yakuza kanina.

Malupit ang yakuza sa Japan. Maari siyang patayin, gahasain, ibenta sa bahay aliwan at gawan ng iba pang karumal dumal na krimen, lalo na at batang bata si Petunia, fresh at banyaga. Malaki ang market value niya kung saka-sakali.

Pagliko nila sa isang street ay may nakita silang bukas na gate. Mabilis niyang hinatak si Petunia papasok at nagtago sila sa pader.

Dinig na dinig pa nila ang kaluskos at mga yabag ng mga nagtatakbuhang yakuza.

Tatlumpong minuto ang lumipas at nawala na sa pandinig nila ang mga grupo ng yakuza. Mukhang nailigaw na nila. "We're safe!"

Nakangiti na si Kanari at lumabas na sila sa pinagtataguan nila.

Pinagmasdan niya pa ang babaeng banyaga. Halata sa mukha ng banyaga ang kakaibang lungkot, at kahit maganda ang tabas ng kanyang mukha, halatang halatang wala siyang kabuhay buhay. There is something deep in her sad beautiful eyes.

"What are you doing there? Do you know it's dangerous-

Hindi sumagot ang babae. Tahimik lang na nagsimula ng maglakad.

"Bakeroooo!" inis na sigaw ni Kanari. Marunong siya mag english dahil half-Filipino at half Japanese siya.

"By the way, my name is Kanari Dessine Yamamoto! Nice meeting you, Miss Zombie girl!" sarkastiko pang sigaw niya sa nakatalikod na babae.

Nanalangin na lamang siya na maging ligtas sana siya sa anumang panganib.

Bad Princess- Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon