Chapter Twenty Four

1.4K 62 1
                                    

Ang gubat sa likod ng West International School ay pinaniniwalaang hideout ng mga mafioso's and their gangs, an international criminal organization.

Pero hindi lang haka haka ang teorya ng mga tao, it's a fucking reality!

"Intruder." wika ng isang lalaki na nagbabantay. Walang ingay na ikinabit at inassemble ng lalaki ang silencer sa kanyang Uzi.

"A weird looking girl" Sabat naman ng isa sa kanyang walkie-talkie. May hawak din siyang M16 rifle.

Pinagmamasdan nila sa kanilang binoculars ang intruder. Talagang weirdo ang babae.

Nakasuot siya ng school uniform ng West International. Wala siyang ginagawa maliban sa pagmasdan ang mga ligaw na bulaklak.

"Let's kill her now." inip na wika ng may hawak na Uzi. Natapos na niyang ikabit ang silencer.

Pero tila nabighani naman ang lalaking may hawak ng rifle sa kabilang side ng pinagtataguang makapal na puno. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ni Petunia.

"Don't kill this love." seryosong wika ng lalaki ng mapatunayang maganda nga ang intruder.

Love? Ngumisi ang may hawak ng Uzi. Alam na ang ibig sabihin non. Paglalaruan, paliligayahin bago ihatid sa huling hantungan ang babae.

Ang kanilang motto ay walang makakalabas ng buhay kapag pumasok ang sinumang intruder sa gubat na territoryo nila.

"Ah yeah, ah yeah. Rampapampam!" nakakalokong sagot ng lalaki.

"She's a fucking weakling bitch. Let's not scare her." Iniwan niya ang rifle sa damuhan pati na ang walkie talkie. Bago naglakad ng walang ingay.

"Aye aye!" ngising wika ng isang lalaki pero dala nya pa rin ang Uzi niya. Lumundag siya ng mabilis mula sa puno.

Wala siyang planong maunahan ng kasamang mafia. Siya ang unang titikim! At siya ang talagang mauuna dahil mas malapit siya sa babae.

Tumikhim siya ng malakas para kunin ang atensyon ng babaeng intruder.

"Hello, little red riding hood. Are you lost in the woods?" ngising demonyong pukaw niya sa dalaga.

Lumingon sa kanya si Petunia habang sa kamay niya ay may mga hawak na ligaw na bulaklak.

"Yes, Mr. Wolf." she replied sternly.

"You bitch can surely play. Do you want cookies?" excited na ngisi ng lalaki.

"Hmmn." she said yes. "But can I touch your toy first?"

Nakaturo ang weirdo sa uzi niya. Nawala ang ngisi niya. Tumingin sa mata ni Petunia at bahagyang umalpas ang kaba sa dibdib niya.

Ilang sandaling natuliro siya.

"Freak! Let her touch your toy! I am fucking horny. I am next, you idiot. Do it now!" sigaw ng lalaking nag iwan ng rifle sa damuhan. Inakala niyang nagrrole play ang dalawa.

Nilingon niya ang kasamahang tumawag sa kanya ng freak samantalang unti- unting lumapit si Petunia sa kanya.

Samantalang pinanood ng lalaking sumigaw ang freak na kasamahan habang sinasampay ng babae ang kamay sa balikat at batok ng kasamahan.

Ngumisi siya ng malaswa. Game ang babaeng intruder. While she's fucking hugging him, they're maybe doing a torrid french kiss. Malicious imaginations are creeping out of him. What a fucking lucky day!

Subalit napawi ang ngisi niya ng unti unting nanlulupaypay na bumagsak ang kasamahan niya sa damuhan. He's dead!

Walang tunog.

Walang sigaw.

Walang babala.

Walang dugo.

He's just stone dead lying on the grass.

At sa bilis ng pangyayari, naramdaman na lang niya na tinamaan na siya ng uzi sa balikat.

Namanhid ang balikat at nakakaramdaman siya ng pangangapos ng hininga habang unti unting lumalapit ang babaeng hawak ang baril na Uzi na plano sana nilang paglaruan. Hindi niya akalain na sila ang paglalaruan nito.

"Now where is mother wolf?" seryosong tanong ng babae sa sandaling nakalapit sa kanya.

Litong lito siya sa tanong nito, pati na rin kung paano niya napatay ng ganun ganon na lang ang kasamahan. Did she poisoned him?

"I broke his bones." maikling sagot ni Petunia na tila nahulaan ang tanong sa utak niya.

Nanlaki ang mata niya. Nanginig sa takot.

Kaya pala nakataas ang kamay ng babae sa batok ng kasamahan niya na akala yumayakap siya, yun pala hinihila na niya ang buto sa batok nito. Fuck! Hindi niya nakita dahil natatakluban ng bulaklak na hawak ng babae.

"I will revise my question. Where is the house of the wolves?" nagbabanta ang tinig ng babae. Tila walang planong makipag laro sa kanya.

Natataranta na ang utak ng mafia. Nawawalan na ng kulay ang kanyang mukha sa sobrang nerbyos.

"I- I won't talk." Pinal na sagot niya. Hinding hindi niya ipagkakanulo ang hideout ng Territorio Gang. Sigurado naman siyang hindi rin siya bubuhayin ng babae.

Mukha lang mahina ang babae, subalit isa siya sa pinakamapanganib na tao na nakasalamuha nila.

"Very well." and she shot him dead.

Bad Princess- Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon