Chapter 1

5.5K 131 14
                                    


Si Jade ay kasalukuyang nasa isang dance contest sa bayan ng Tanza hindi para sumayaw kundi para manuod at aliwin ang sarili bago magsimula ang pasukan sa ikatlong taon nya sa sekondarya .

Sakto lamang ang dating nya dahil nagsisimula ng magsalita ng emcee ng contest at ipinakikilala ang unang kalahok .

Remix dito , remix doon , sayaw dito , sayaw doon . Di naman sya galang tao pero mahilig talaga sya manood ng mga pacontest sa kanila .

Hindi sya nadala sa mga naunang kalahok kaya't nagsimula na syang humakbang paatras upang maglakad pauwi ngunit napatigil sya ng marinig ang malakas na hiyawan sa susunod na kalahok.

Dali dali syang humarap at nakita ang mga miyembrong nakadress to kill na pinaghalong pula at itim .

Simula pa lamang ng kanta ay di na magkamayaw ang lahat sa pinapakitang galaw ng grupo .

Apat na babae at labinlimang lalaki sila ngunit sa iisang babae lamang nakatuon ang pansin nya .

Isang babaeng maliit na may perpektong pangangatawan , magandang mukha at napakagandang galaw .

Napunta ang babae sa gitna na saktong tapat lamang nya ng bigla na lamang itong kumindat at nagpakitang gilas di lang sa kanya kundi sa lahat .

Luminga linga pa nga sya kung sya talaga ang kinindatan ng mananayaw at napag isip isip na imposibleng sya nga ang kinindatan nito .

Di mawari'y napahawak na lamang sya sa kanyang pisngi dulot ng kilig na nadama nung mga segundong iyon .

Natapos ng sumayaw ang grupo at halos mamaos kakasigaw ang mga tao sa pinakita nila . Pababa na ng hagdan ang babae ngunit heto syang mariing tinititigan ito hanggang mawala na sya sa paningin nya .

Makaraan ang ilang minuto ay inanounce na din ang mga nanalo sa contest . Ang nanalo ay ang CBL .

Yun ang grupo nung babaeng tiniliang maigi ng mga tao . Umakyat muli sila sa stage at nagpicture picture .

Halata mo sa mga mukha nila ang labis na saya sa kanilang natamo at kitang kita mo talaga sa kanilang mahal nila ang pagsasayaw .

Mag aalas dose na ng madaling araw ng makauwi si Jade sa kanilang bahay . Makailang ulit pa nyang tinitigan ang babaeng mananayaw bago sya umuwi .

Bago matulog ay muli nyang inalala ang mga pangyayari . Paanong ang isang kindat lamang ng isang babae ay natutuliro na sya .

Nakakatuwang isipin ngunit hiniling nya na sana'y maayos na makauwi ang babae at sana'y magkita sila sa kanyang panaginip .

Ang Girlfriend Kong DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon