Jade ! Tawag ng mommy nya sa pinto ng kwarto nya .
'Ang kuya mo . Nasa kwarto na '
Napabangon sya bigla sa narinig . After 5 years , nakauwi na ang kuya nya . Saksi ito sa lungkot na dinanas nito noong mga panahong biglang umalis ang kanyang gf . Ano na lang kaya ang sasabihin nito sa kanya lalo na ngayong sila na at hindi pa sila magkaayos nitong nakaraan .
Napasapo nalang sya sa mukha sabay naghilamos para makakain na . Linggo ngayong araw kaya magsisimba sila . Syempre kasama ang kuya nya .
Pagkatapos mag almusal ay naligo na ito at nagbihis para makaalis na sila .
Paglabas ng kwarto saka nya lang nakita ang kuya nyang si Aries .
"Musta bunso ? May nalaman ako sayo " seryosong pagkakasabi nito
"Okay naman kuya . Ay kuya tara na mahuhuli na tayo sa misa ." Biglang pagbago nito ng usapan .
"Sige . Mamaya pag'uwi mag-usap tayo " wika ni Aries
Samantala , nagkakatext naman sila Nel at Samantha . Hindi naman nagbibigay ng number itong si Sam kani-kanino ngunit ng hingin ito ng lalaki ay ibinigay naman nya agad ito .
Tila ba nakalimutan nya bigla ang girlfriend ng dahil sa lalaking iyon . Siguro nga natutuwa lang sya at gusto lang nya ng nakababatang kapatid na lalaki ?
Panay lang ang batuhan nila ng mensahe ng biglang mag'alarm yung cellphone nya .
" 8th 😍♥️ "
Nagulat bigla si Sam at napabalikwas ng tayo sa nabasa . Paano nyang nakalimutang monthsarry nila ngayon ! Dali dali syang naghanap ng damit saka nag ayos para makabili ng gift para sa girlfriend nya .
Gamit ng mom nya ang kotse kaya no choice sya kung di ang magcommute . Pagpunta sa mall ay dali-dali syang nagpunta sa jewelry store saka nagtingin ng kung ano . Naagaw ang pansin nya ng heart shaped earrings na silver . It will look good on her . Sa isip ni Sam . She was about to pay ng tumawag si Nelson sa kanya .
"Oh ? Dedede ka ba ? " Bungad agad nito
"Papadede ka ba ! Hahaha" sagot naman ng isa .
"Busy ako ! Wag ka nga epal "
"HAHAHA sige . Text mo ko pag di ka na busy sa kanya " Nel
"Letse ! " saka nito pinatay ang tawag .
Binayaran na agad nya ito then nagcommute na papunta kila Jade .
Pagkarating na pagkarating nya ay dumiretso agad sya sa kwarto ni Jade . Kumatok sya ngunit walang sumasagot .
"Babs ? Nandyan ka ba ? " tanong nito
"Anong ginagawa mo dito ?" Biglang lingon ni Sam sa nagsalita .
Nagulat ito ng makita ang nakatatandang kapatid ni Jade na si Aries .
"A. aaries . Ikaw pala , kelan ka pa nakauwi ? " Tanong nito
"Sino nagsabi sayong welcome ka dito Samantha ? Umalis ka na . Bago ko pa makalimutang babae ka " May tono ng pagbabanta sa pagkakasabi nito .
"Pero ! Hindi ko pa nakakausap si Jade "
"Aalis ka o di mo na sya makikita kahit kailan ? " Maotoridad nyang tanong .
Walang nagawa si Samantha kundi ang umalis ng masama ang loob .
Pagkalabas na pagkalabas nya sa bahay nila Jade ay inilabas agad nya ang phone nyang nagriring .
" Oh ! Bakit ba ? " May galit at maluha luha ng si Sam
"Kakamustahin lang kita . Teka umiiyak ka ba ? " Napansin ni Nel ang pagbago ng boses nito .
"Nasaan ka ? Pupuntahan kita " Nel
Pinatay ni Sam ang tawag saka nagsend ng message kay Nel .
Fountain ng Kawit .
Hindi na nagreply ang lalaki ngunit pumunta pa din doon si Sam . Kailangan nya mailabas ang sama ng loob nya . She felt rejected . No one ever did that to her . She cant blame Aries naman pero it still hurts . Yung feeling na ilang araw na silang di magkaayos tapos ganun pa madadatnan nya .
Patuloy lang syang umiiyak sa kawalan ng may mag alok sa kanya ng panyo . Saka nya nakita si Nelson na nakangiti .
"Pangit mo pala pag umiiyak " pagbibiro nito
Inabot lang nito ang panyo saka pinunasan ang luha saka tumingin sa malayo .
"Bakit nandito ka ? " Still hindi tumitingin kay Nel
"I think you need someone to talk " Nel
"Yeah . I badly need one right now " Saka tumingin sa mga mata ni Nel
"Gusto mo hug kita ? Wag ka mag alala walang malisya " Nakangiti pa ding sabi ni Nel
Di pa nakakasagot si Sam ay niyakap na nya ito . Nabigla ito nung una ngunit kalaunay niyakap na din ang lalaki saka humagulgol .
Sam never felt this vulnerable ever in her life . She must've been hurt inside that make her count on others hands right now .
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
AcakNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...