Chapter 29

782 24 2
                                    

"May point talaga na may biglang darating para guluhin ang relasyon nyong dalawa"

- -

Isang araw bigla nalang nagising si Jade mula sa kanyang pagkakahimbing .Lulan ng panaginip nya ang senaryong may dumating na babaeng nagngangalang Alyssa Marie na patagong kinakausap ni Sam . Ramdam na ramdam nya ang kirot at sakit sa puso nya na tila ba totoo ang kanyang bangungot .

Napahawak pa ito sa kanyang dibdib sa sobrang hapdi nito .

Tulala syang kumilos at di namalayang tapos na pala mag ayos .

Wala sa sarili syang lumabas ng kanilang bahay at nadatnan si Sam sa may gate .

Biglang kumunot ang noo nito sa kanyang girlfriend .Alam nyang di dapat sya magalit dito ngunit di maalis sa isip nya ang senaryo sa kanyang panaginip .

Napansin naman agad ni Sam ang inakto nito .

" Aga naman magsungit ng girlfriend ko " pabirong puna nito

Sa halip na sumagot ay nanatiling tikom ang bibig nito at dinaanan lang ito .

Nagtataka namang sumunod si Sam sa paglalakad .Nasa likod lamang ito at nanatiling clueless sa toyo ng girlfriend nya .

"Haaaaaaaay " buntong hininga ni Jade saka ito tumigil sa paglalakad at lumingon sa girlfriend nyang nagkakamot ng kanyang batok .

"Sorry " mahinang sabi nito .

"Gusto ko muna mapag-isa" sunod pa nito .

Saka diretsong naglakad papasok sa school . Nanatiling nakatulala si Sam ng ilang segundo saka sumunod na naglakad sa likod ng girlfriend nya .

Simula umaga hanggang hapon nanatiling tahimik ang dalawa . Nakauwi na't lahat pero wala silang imikan .

Nanatiling clueless si Sam sa inaakto ni Jade . She even tried to approach her pero ayaw talaga ni Jade .

Maybe , the other day mawala na toyo nya . Sa isip isip ni Sam .

Sam was busy watching movies when Joshua called her .

Kinamusta lang naman sya nito . At saka binalitaan ng stuffs about dun sa grupo nila .

Parang gusto ko bumalik bigla .Sabi ng inner thoughts nya .

Pinilit sya ng pinilit ni Joshua hanggang sa napilit nga sya . Or i can say , gusto naman talaga nya .

After that call nag ayos na sya saka nagpunta sa Kawit . Doon talaga ang balwarte nila .

Pagdating na pagdating nito ay sinalubong agad sya ng ngiti ng mga tropa at co dancer nya .

Nandun din si Cath . Nagbatian lang ang dalawa saka nya lang napansin na may bago na naman silang miyembro . Kung titingnan mukhang bata pa ang isang to at maliit ang height nya compared sa iba .

Naglahad ito ng kamay para makipagkamay saka naman inabot ni Sam ito . Ngiting-ngiti ang batang lalaki na nagngangalang Nelson .

"NEL nalang for short idol " wika nito .

Bahagyang natawa si Sam sa inakto nito .Halata mong makulit ang isang ito .

"Samuel turuan mo yan . Sayo gusto magpaturo e " sabay halakhak ni Mico .

"Wow ha ! Anong gagawin nyo ? " sabat ni Sam

"Edi papraktis din ! " nakakalokong sagot naman nito .

Walang ibang nagawa si Sam kundi iassist si Nel . Tawa lang sila ng tawa dalawa dahil medyo matigas ang katawan ni Nel .Sa sobrang saya nya nakalimutan nyang magsabi kay Jade na nasa Kawit sya pati na din yung toyo ng girlfriend nya. 

Ang Girlfriend Kong DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon