Chapter 17

1.3K 53 3
                                    

Jade

Pagkatapos ng nangyaring iyon di ko na siya pinapansin . Baka mamaya kung ano anong kalokohan na naman gawin niya sakin. 

Nasa locker na ako ng school .Binuksan ko na yung padlock ko para kunin yung libro ko sa Chemistry ng may mahulog na sulat dito .

'Old Building . ASAP ' nakasulat dito

Sino naman kaya nagsulat nito ?

Di naman siguro ako tanga para pumunta diyan .

Instead ,nilagay ko yung letter mga ilang locker mula sa akin .

Swerte ng makabasa nito .

Naglalakad na ako sa papunta sa room ng may kumalabit sa akin .

Paglingon ko nakita ko na naman ang  smirk ng babaeng nagdidirty talk .

Inirapan ko ito saka dire-diretsong naglakad papunta sa upuan ko .

I miss you ' bulong na naman niya

Seryoso !!?  Ang aga-aga nitong isang to ha ! Nakakairita lang din kapag ginagawa niya yan kinikilabutan talaga ako .

Di ko na lang pinansin baka ano na naman gawin .

Napansin ko din wala pa yung Layne Alexis . Baka absent .

Maya-maya dumating na din si Ma'am Diosana .

Mga 30 mins. na nakalipas ng may dumating sa pinto .

Si L.A pala . Ang kaso mo puro putik siya ?

Anong nangyari Ms. Sarmiento bakit ganyan ang itsura mo ? tanong ni Ma'am

May nabasa kasi akong sulat sa locker ko ma'am . Tinignan ko kung sino yung nagsulat sana kaso paakyat palang ako ng hagdan papuntang old building may nahulog ng timba na puro putik kaya ganito itsura ko ngayon . walang ganang sabi nito.

Pagkasabi niya nito ay kinilabutan agad ako. Sa akin nakalagay ang sulat na yon . So ako dapat ang naliligo  sa putik na yan .

Ang di ko lang maintindihan , bakit ? bakit ako at sino naman kaya ang may pakana nito ?

Sam'

Yung katabi ko parang nanigas sa kinauupuan niya . Maya-maya din pinauwi na yung impakta . Impakta kasi kaya pinaliguan ng putik .

Imbes na kulitin itong katabi ko ay hinayaan ko nalang siyang magpahinga . SA KAKULITAN KO .

Iniisip ko din yung nangyari kanina . Di kaya para kay babs na naman dapat yun ?

I was having different conclusions in my mind ng mapansin kong ibang teacher na pala itong nasa harap .

Ms. Ramos I want to talk to you later after your last class this morning ' sabi ni ma'am

Tumango lang ako as an answer .

Bakit naman kaya ? Wala pa naman akong kalokohang nagagawa dito ah ??

I'll figure it later .

Natapos ang English subject namin then agad akong nagpuntang canteen . Baka mamaya mahaba-habang usapan pala edi nagutom ako .

Nagpunta ako sa department ng teacher ko kanina at dumiretso na sa kanya.

Pati yung ibang teachers sinusundan ako ng tingin .

I sat at the chair in front of Ms. dela Cruz .Then she shockingly smiled at me .

Pasensya ka na at kailangan kong hingin ang kaunting oras mo Ms.Ramos . Gusto ko lang sanang sabihin sayo na may gaganapin tayong Fair sa MAPEH at napag-usapan naming mga co'teachers ko kung pwede ba kayong mag-opening number at guest judge dito sa school ? May dance contest din kasing magaganap at malaking karangalan sa amin kung pauunlakan nyo kami . sabi ni Ma'am

Napaisip ako saglit at nagpalinga-linga sa paligid ko . Nakaabang  silang lahat sa isasagot ko .

No problem ma'am . Salamat sa invitation nyo . Kausapin ko lang mamaya yung mga co'dancer ko though alam kong matutuwa ang mga yon . nakangiting sagot ko

Talaga !!? medyo napalakas yata ang boses ni Ma'am dahil napatakip into sa  bibig niya .

I nod as an answer and then she gave me all the details . I also ask for some favor . She agreed to me and now it's settled .

Para akong baliw na ngingiti-ngiti dito sa hallway . I have something brilliant in my mind .

These days magiging busy na ulit ako . Mamimiss ko na naman lokohin at asarin siya .

Kinuha ko ang bag ko sa locker ko saka nagpunta sa c.r ng girls . Naglock ako sa dulong cubicle saka naglabas ng mga gamit ko .

Napangiti na naman ako ng matapos ko ito . Nagpunta ulit ako ng locker .

Siniguro kong wala pa siya at walang makakakita na ako ang naglagay nito sa locker niya .

After successfully pushing it inside I already made my way back sa classroom .

Ng makaupo ay kinuha ko ang earphone at cellphone ko saka nagpatugtog ng Iyiyi ni Cody Simpson saka tumungo sa desk ko at marahang pumikit .

Kahit sabihin kong katabi ko lang siya namimiss ko pa din siya . Hindi ko naman kasi siya nayayakap or ano kahit kating-kati na yung mga braso ko .

Maya-maya naramdaman kong may umupo sa tabi ko .

Hey baboy ! What took you . . so long ? Akala ko kasi si Babs . Yung isa sa mga classmates ko pala .

Hi ! I'm Ella . nakangiting sabi niya sabay lahad ng kanang kamay niya .

Tinignan ko lang yung kamay niya tapos bumalik na ulit ako sa pagtungo .

Maya-maya naman ay naramdaman kong umalis na siya . I'm sure I have offended her but I don't care .

We , dancers  we're supposed to be friendly and nice to those people dahil it's our way of having fandom . But not in my case anymore . I used to be like that but not anymore . Narealize kong ang fame ay para lang sa mga isip bata . Aanhin ko ang fame kung yung taong mahal ko wala naman sakin . Madami dyang ibang nagkakandarapa pero hindi naman sila yung taong gusto mo .

Ilang sandali lang ay umupo na din ang babaeng kanina ko pa hinihintay . Agad akong tumunghay sa pagkakatungo saka tumingin sa babaeng katabi ko .

Nakangiti ng bahagya ang mga labi nito habang hawak hawak yung ibinigay kong nakasimangot na emoji kanina .Gawa ito sa folder na pinatungan ko ng yellow colored paper saka ko ginuhitan ng mukha .

Ang nakakapagtaka lang , nakasimangot yung emoji na binigay ko pero bakit nakangiti siya ?

Napangiti na lang ako sa reaksyon niya.

Yung babaeng matagal ko ng pinapangarap,

may saltik din pala tulad ko .

Ang Girlfriend Kong DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon