Chapter 11

1.3K 56 1
                                    

Layne Alexis'

Nandito ako ngayon sa Malaysia kasama ng grupo ko . Oo nagsasayaw ulit ako . Kaya ko naman kasi palang pagsabayin ang pag-aaral at pagsayaw .

Tulad nito bilang isang dancer malaking opportunity din ang mapasali sa dance contest lalo't international .

Kaya naman agad akong nag-excuse agad ako sa school para makasama .

Di daw kumpleto pag wala ako .

I know right !

Yung kay Earphone Girl wala yun . Trip ko lang . Nasabi ko ba sa inyong bully ako ? Na di kumpleto araw ko kapag wala akong napagtitripan ? At napakaswerte naman nung isang yon dahil sya ang kauna-unahang target ko sa new school ko .

Masama ba ako ? Pero dito ako masaya . Ang makitang nagsasuffer o di kaya'y umiiyak ang iba ng dahil sakin .

Kasalukuyan kaming nagrerehearse para sa gaganaping contest this week . 2 grupo lang ng pinoy nakasali dito . Yung isa ALL-STAR . Ang grupong ito ay may 12 lalaki at nag-iisang babae . At yung nag-iisang yun si Samantha ! Ang talagang babaeng pinapangarap ko noon pa . Alam ko nga maraming nagkakandarapa sa kanya e . Parang ang hirap naman kasi nyang abutin . Kilala nyo si Chachi Gonzales ? Parang ganun ang galaw nya . Sexy at the same time may swag sa bawat galaw . No wonder tingalain sya ng lahat .

Nagpapractice nga ako pero panay naman ang sulyap ko kay Samantha . Ang ganda nya gumalaw pero effortless sa kanya .

Natapos ang practice namin na masaya . Di ko maalis sa isip ko si Samantha My Loves . Grabe ang ganda ganda pa nya .

Sana naman mapansin nya ako ? Kahit di na kami manalo basta makuha ko lang ni isang segundong atensyon nya .

OA ba ? Ganto talaga pag inlove !

Someone's POV

We're currently rehearsing for the upcoming dance contest this week .

Masaya lang ako , kasi malapit ng matupad yung gusto ko . At masaya din ako dahil pagkatapos nito babalik na ako sa kanya .

I never dreamed of being a dancer until one day I saw her eyes shining upon seeing those dancers .

6 years ago .

Nandito ako ngayon sa bahay kasama ang aking best friend na baboy . Oo ang taba nya ! Namumutok ang mga pisngi pati na rin ang damit nyang isang butil nalang ng bigas ay talagang sasabog na . Ako naman mataba din . Pero mas OA yung pagkataba nya . Baboy nga diba ?

I call her babs . Short for baboy ! Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko at nanunuod ng mukbang sa laptop ko ng bigla nyang itong agawin bigla .

Hey babs ! Akin na yan ! sigaw ko dito

Wait lang ? Panuod muna ako ! Hehehe ! ani nya

Nagtype sya ng kung ano sa search box then naglabasan na mga videos .Puro mga dance contest pala .

Tinignan ko lamang sya habang tutok na tutok sya sa panonood ng mga ito . Ang ganda talaga nya kahit mataba sya . At makikita mo talagang nagniningning mga mata nya sa panonood . 

Gusto mo maging dancer ? tanong ko sa kanya

Lumingon naman agad sya sa akin upang sagutin ang mga tanong ko .

Hindi tabs !( taba) Gusto ko ng dancer ! Hindi maging dancer . Parang ang cool cool kasi nila .Tapos kung ang boyfriend o girlfriend mo dancer parang sobrang nakakaproud di ba ? wika nya na animo'y kinikilig

Ako ! Pag naging sikat na dancer ako magugustuhan mo ba ako ? bigla kong tanong

Sa totoo lang tingin ko iba na kasi tong nararamdaman ko sa kanya . Di na pangfriendship ang gusto ko . Parang gusto ko syang panggigilan at yakapin not in a friendly way . In a romantic way ba .

Hmmm ? Pero bestfriend kita diba ? Para na din tayong magkapatid tabs . Tsaka parehas tayong girl ! sagot nya

Para naman akong tinusok ng isang milyong karayom sa sinabi nya . So what kung parehas kaming girl ! I already love her for Pete's sake !

Maging sikat na dancer ka muna para magustuhan kita . pabulong na wika nya na sakto namang narinig ko

Ano ? May sinasabi ka ba ? kunwari'y di ko narinig ang sinabi nya .

Wala ! wala akong sinabi ! bungol ka ! sigaw nya

Bungol pala ha ! saka ko sya pinuntirya sa mga kiliti nya .

Panay lang ang tawanan naming dalawa noong mga oras na yon .

Yun na din ang huli naming pagkikita at pagsasama . Kasi after that day nagsabi agad ako kay Mom na gusto kong maging dancer . Na sya naman agad tumugon sa akin . Agad kaming lumipat ng Manila para magpaturo sa mga kilalang choreo sa bansa . Nag dance workshop ako .

Sa una talagang nahirapan ako . Pero habang tumatagal nagugustuhan ko na ang pagsayaw . Para na din sa aking babs . Para maging proud sya sakin .

Simula din nung last na pagkikita namin wala na kaming contact . For short , bigla nalang akong nawala . Para naman sa kanya to e .

Sana lang may balikan pa ako .

Ang Girlfriend Kong DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon