Jade
Nandito na ako ngayon sa classroom . Si Samantha naman kinukulit kulit pa din ako . Nasosobrahan na nga itong isang to .
Maya-maya pumasok na din sa loob si Layne Alexis . Nakangiti ng nakakaloko ang loka !
Tumigil sya sa tabi ng pwesto ni Sam saka ako nginuso . Tuwang-tuwa naman itong katabi ko saka sila nag-apir na dalawa .
Mga loko-loko !
Maya-maya dumating na teacher namin . Nagdidiscuss lang si Ma'am ng may nagpatawag kay Ella mula sa office .
Naglakad naman agad ito palabas at sumunod sa sumundo sa kanya .
Tinitigan ko lamang sya hanggang sa makaalis sya .
Mali yung mga ginawa nya pero may part sa akin na nagiguilty .
Medyo lutang na nga ako nung mga sumunod na oras . Hindi pa din kasi sya bumabalik .
Lumabas saglit ang teacher namin . May kausap yata sya .
Pinakuha nya sa akin ang bag ni Ella . Kahit medyo gulat ay sinunod ko sya at dinala sa labas ang bag na pinapakuha nya .
Doon ko nakita si Ella . Halata mo sa kanyang umiyak sya . Mas lalo tuloy akong naguilty . Medyo napatungo ako nung napansin ko ang mga mata nya .
'S..sorry Jade ' mahinang sambit nya
Napaangat ako ng tingin sa kanya saka ko nakita kung gaano sya kasincere sa sinabi nya .
Maya-maya ay tumulo na ang mga luha nito . Agad ko naman syang niyakap para mas gumaan ang pakiramdam nito .
Napansin ng teacher namin na kailangan namin mag-usap kaya pumasok na sya sa loob .
'Sssh ! Tahan na . Tapos na yon . Okay na pinatawad na kita ' pag-aalo ko sa kanya
'Huh.huh. Sorry talaga , gustung-gusto ko kasi talaga si Sam noon pa . Naging sobrang selfish ko kaya pati ikaw muntik ng mapahamak dahil sakin' sabi nya
Pinapat ko lang yung likod nya para medyo tumahan na sya .
'Lilipat na ako ng school ' biglang sabi nya
Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya .
'Bakit ?' tanong ko
Ngumiti sya ng bahagya .
'Nahihiya na kasi ako sa ginawa kong kalokohan sa inyo . Gusto ng counselor na kausapin ang mga magulang ko sa states para ipaalam ang mga ginawa ko dito sa school . Di ako pumayag na contakin sila kaya nagvolunteer na lang akong lumipat ng school, ganun din naman e 'sabi ni Ella
' Aah ? O . . sige basta mag'iingat ka ! Pakabait ka na ha ! wika ko sa kanya
Niyakap ko syang muli saka nya kinuha yung bag nya at umalis .
Ako naman pumasok na sa loob .
'Anong ginawa mo sa labas ? ' takang tanong ni Sam
'Wala ka na dun ' sagot ko
Nagpout lang ito saka dumiretso ng tingin sa teacher namin.
Ilang oras kaming di nagpansinan hanggang sa maglunch break na .
Pagtayo ko pa lang hinawakan na naman nya ang kamay ko . Para na naman akong nakuryente .
'Tara oy ! ' yaya nya
Akala ko ako kausap si L.A pala .
'Eto na oh ! tatawa-tawang sagot naman nito
Hila-hila nya lang ako hanggang sa makapunta kami ng garden .
Binitawan nya ako saka sila naglatag ng medyo malaki-laking tela na sakto naman sa aming tatlo .
'Yung totoo ? Pinaghandaan nyo ba to ?? ' natatawang tanong ko
'Uhm . . konti lang ? ' sabi ni L.A
Sabay tawa ng dalawa . Tatawa-tawa nalang din akong pumwesto ng upo para makakain na . Medyo madami-madami kasi malalamon namin nito .
Tawanan at kwentuhan lang kami kasabay ang paglamon hanggang sa maubos namin yung mga pagkain namin .
Nag-ayos na kami ng pinagkainan . Inilahad naman ni Samantha ang kamay nya para tulungan akong makatayo .
Gentlewoman !
'Nakanang yan ! Ang landi nyong dalawa ! pang-aasar ni L.A
'Nakita mo ba itsura nya kahapon idol nung nilagpasan mo sya ? HAHAHA ! Ang epic ng hahaha ! ng mukha nya ! Ah ! Araaaay !
Pinagpapalo ko nga sa likod . Puro kalokohan din itong isang ito ! Tawa pa din sya ng tawa . Pati yung isa nakikihalakhak din .
Ng makabawi'y iniwan ko nga silang dalawa . Magsama silang loko-loko !
Dumiretso muna akong c.r para magbawas ng sama ng tyan . Maya-maya ay may pumasok , nadinig ko kasi ang pagbukas ng pinto .
Patapos na ako ng mapatingin ako sa taas ng pintuan ng cubicle . Wala naman akong nakikitang kakaiba hanggang sa may nag'appear na kamay na sobrang pula .
Napasigaw ako sa takot at pinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa medyo kumalma na ako .
Narinig ko naman ang pagtawa ng kung sino mang loko-lokong may pakana nito .
Dali-dali akong naghugas ng kamay at lumabas ng cubicle .
Saka ko lang nakita ang walanghiyang loko-loko !
Naghuhugas sya ng kamay ngayon sa lavatory dahil nilagyan nya ng lipstick yung kamay nya .
'Ang lakas talaga ng topak mo ano ! Kahit ano talagang pagpapapansin gagawin mo mapansin ka lang ' sabi ko kay Sam
Pinatuyo nya lang saglit ang mga kamay nya tapos nagkamot ng nagkamot ng batok .
'Sorry na ? Iniwan mo naman kasi ako kanina ' kamot kamot pa din ang batok nya .
'Tsaka sayo lang naman ako ganito' dagdag pa nya
Pailing-iling nalang ako saka ko sya iniwan sa c.r . Sumunod naman agad sya sakin at sumabay sa paglalakad .
Nanlaki ang mga mata ko ng ilagay nya ang kamay nya sa bewang ko .Para akong nakikiliti na ewan .
Hinawakan ko naman ang kamay nya at saka tumingin sa kanya . Ngumiti muna ako saka ko inalis ang kamay nya sa pagkakahawak sa akin .Saka ako naglakad ng medyo mabilis .
Lumingon pa ako sa kanya bago ako pumasok sa loob ng classroom . Nakapout sya na akala mo'y pinagsakluban sya ng langit at lupa .
Nakakatawa na nakakatuwa .
Masasabi kong nito lang ulit ako naging ganito kasaya ,simula nung bumalik ang babaeng iniwan ako para mahalin ko din sya .
Hanggang maupo ako at magsimula ang klase'y iniisip ko kung kakayanin ko nga ba kung mawala ulit sya sakin .
Pati yung sinabi nyang mahal nya ako . Lately din kasi parang gandang-ganda ako sa kanya kahit anong pang-aasar at pangloloko nya sakin . Tapos nung di nya ako pinapansin hinahanap hanap ko yung kakulitan nya .
May time din na titig na titig ako sa lips nya parang ang lambot lambot kasi kung titingnan .
Panay ang pag'iisip ko ng mga bagay bagay ng abutan ako ng sulat ng katabi ko .
Binuksan ko ito mula sa pagkakatiklop saka binasa
PWEDE BA KITANG LIGAWAN ? PLEASE ?
Yours'
Sam💘A/N : Thanks for voting and reading :) Godbless !
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
CasualeNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...