November 20
Jade
Maaga akong nagising para maaga akong makapasok sa school .
Kulang-kulang isang oras ng matapos akong mag-asikaso saka naglakad papuntang school .
Medyo naeexcite din kasi ako gaya ng karamihan sa aming mga estudyante dahil mag-eenjoy lang kami at walang lessons at exam na magaganap .
Nandito na ako sa locker ng maalala kong kailangan ko pala humiram ng libro sa chemistry .
Inayos ko lang saglit ang locker ko saka nagsimulang maglakad patungo sa library .
Pagpasok ko ay hinanap ko agad kung saan nakalagay ang librong hihiramin ko . Wala ding librarian dito dahil busy ito sa pag-aayos ng mga kailangan sa program.
Maya-maya ay narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto .
Sinasabi ko na nga ba , may balak syang ipahamak ako at ikulong dito .
Nagpatuloy ako sa paghahanap ng iba ko pang maaaring hiraming libro .
Mga sampung minuto lang ang nakalipas ng bumukas ang pinto .
Ibinalik ko na ang mga libro sa kanilang mga pwesto saka lumabas .
Nakasandal sa pintuang iyon ang babaeng aking kasabwat habang pinapaikot ikot nito sa daliri nya ang susing hiniram nya sa librarian .
Si Layne Alexis .
Tinanguan nya ako na sya namang tinaasan ko ng kilay .
Ilang segundo kaming nagkatinginan saka humalakhak ng tawa.
Easy catch huh ! si Layne Alexis
Oo nga . Sila na bahala sa kanya ! sabi ko .
Nag-uusap lang kami habang papunta sa locker .
Nakakatuwang isipin na nag-uusap na kaming dalawa nito ngayon .
Actually pinuntahan nya ako kahapon sa mini garden noong lunch break .
Nagulat nga ako noong sumulpot sya doon . Saka nya sinabi ang nalalaman nya tungkol sa naglalagay sa akin ng sulat .
Napagkasunduan naming gumawa ng plano para mahuli namin sya . si Ella .
Iyon ay ang ginawa ko kanina . Nagkunwari akong hihiram ng libro sa library .
Alam naming susundan nya ako at gagawan ng kalokohan kaya hiniram na agad ni L.A ang susi sa librarian kanina .
Habang nasa loob ako ng library ay nasa labas naman si L.A at ang presidente ng klase namin na si Joel para may witness kami .
Hinintay nilang makaalis si Ella saka binuksan ang pinto ng library . Dumiretso naman si Joel sa office ng Counselor ng 3rd Year .
Inaayos ko ulit ang locker ko ng mawala si L.A sa landas ko .
Bigla namang sumulpot ang isang babaeng freshman sa harap ko . Nakangiti nitong inabot sa akin ang nakasimangot na emoji .
Kanino galing to ? tanong ko
Imbes na sumagot at nagdire-diretso lang ito ng lakad . Sinundan ko sya ng may makasalubong na naman akong babae , may iniabot din itong nakasimangot na emoji , may luha na nga lang .
Gaya ng una , nginitian lang din nya ako saka nagdire-diretso ng lakad . Kada masasalubong ko binibigyan nila ako ng emoji .
Inipon ko na lang nga ito saka ko napansin ang mga itsura nito.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
CasualeNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...