Chapter 32

668 19 7
                                    

Sam

Nakita ni Joshua na papalapit si Jade sa amin pero di manlang nya sinabi sa akin . Kung bakit ba kasi pumayag akong sumali sa laro nila .

Nag try akong makahabol pa ngunit masyado na itong malayo kung kaya't natanaw ko na lang sya mula sa bus . Medyo malabo ang mata ko pero naaninag ko ang malungkot na mukha ng babaeng mahal ko .

Kung alam mo lang Jade nasasaktan din ako .

Hindi na ako nagpaalam sa mga kasama ko . Naghintay lang ako ng masasakyan saka dumiretso pag uwi . Dinaanan ko lang ang bahay nila Jade sigurado naman akong bantay sarado na naman sya ni Aries .

Nag try akong idial ang number nya pero nakapatay ang phone nya .

Napapikit nalang ako sa sobrang dismaya .Pupuntahan ko sya bukas . Sana bukas maging okay na kami .

Jade

" Kuya lipat na tayo " bungad ko sa kuya kong si Aries pag'uwing pag uwi ko .

Napatigil naman bigla si Kuya . Maya maya ay tumayo sya sa pagkakaupo sa sala saka sinabing mag'ayos na ako ng mga gamit ko .

Nagpunta akong kwarto saka nagsimulang mag ayos ng mga gamit ko . Naiisip ko pa lang yung mga panahong nagkukulitan kami dito ay dali daling tumulo ang luha sa mga mata ko . Hindi ko alam kung tama ba itong nagpadalos dalos ako pero ang makitang nagpapakasaya sya sa piling ng iba without even trying to talk to me or gumawa ng effort para magkaayos kami is enough to made me do this . Mahal na mahal ko sya pero parang ang sakit sakit na . May pagkakamali ako pero di sapat yun para balewalain nya ako .

Noon kaunting away lang namin susuyuin agad nya ako , aayusin agad namin pero iba na sya ngayon e . Natitiis na nya ako . Dinedma ko lang yung part na di sya nagmessage kahit isa I even made an effort to see her para mag usap kami ng maayos but to my surprise makikita ko lang syang nakikipaglaro ng spin the bottle tapos hinayaan nya lang yung guy na ikiss sya sa lips . The moment na maalala kong hinalikan sya ng iba ay lalong nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko .

Ganito ba talaga purpose ni Sam sa buhay ko ? Ang paiyakin ako ?

Pagtapos kong mag ayos ng gamit ay ninais kong ipikit nalang ang mga mata ko.

Sana bukas makalimutan na kita .

Ang Girlfriend Kong DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon