Jade's
Nasa isa akong napakagandang hardin na napapaligiran ng napakagagandang mga bulaklak . Panay lang ang pitas ko ng mga ito ng may makita akong babae sa di kalayuan .
Nakasuot ito ng bestidang pula na may mapupulang rosas . Tinawag ko ito ngunit di nya ako narinig .
Sa pangalawang pagkakataon tinawag ko ulit sya ng mas malakas kaysa kanina .
Lumingon naman ito at saka ngumiti ng malapad . Unti unti akong humakbang patungo sa kanya ng mapansin kong unti-unti din itong naglalaho . Mas binilisan ko ang kilos ko hanggang tumakbo na ako papunta sa kanya . Mga sampung hakbang nalang ako ng tuluyan syang naglaho .
Huwag !! sigaw ko saka ko lang naibuka ang aking mga mata .
Pinahid ko ang aking mga luha . Umiyak na naman pala ako habang natutulog .
Ilang taon na din ang nakaraan ngunit di pa din maalis sa panaginip ko at sa isip ko ang nagawang pag-iwan sa akin ng isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko .
Sya yung bestfriend ko noon . Masaya naman kami nung huli naming pagkikita pero nagulat nalang ako ng bigla silang maglaho ni tita .
Kaya naging ganito ako. Takot akong mapalapit sa ibang tao dahil alam kong iiwan din nila ako tulad ng ginawa nya .
Inayos ko ang aking sarili saka naghanda na sa pagpasok .
SCHOOL .
Pagpasok ko ng room nakita ko na yung lintek na bigla nalang naglaho . Talagang bumalik pa sya huh ?
Naupo na ako sa upuan ko then mga ilang minutes din dumating na si Ma'am .
Good morning class . I have something i mean someone very special to introduce to you . She's been a great honor to our country and our school's very lucky to have her . You can now come in Ms. Ramos and please introduce yourself . dire-diretsong sabi ni Ma'am Sanchez
Saka naman pumasok ang isang magandang babae na sobrang puti at kinis . Pero teka ? Pamilyar yung mata nya ? Pati yung lips ! Pati ilong ? di kaya magkahawig lang talaga sila ? Pero Ramos daw e ?
I'm Samantha Ramos . 16 years old and a dancer . Nice to finally meet you !
Si taba ba talaga yan ??? Yung last sentence nya sa akin sya nakatitig habang binabanggit ang mga ito . At nakaramdam ako ng kilabot .Nagtaasan nga ang mga balahibo ko sa braso .
Nagtinginan din tuloy sa akin mga classmates ko pero as usual inirapan ko lang sila .
Ng ibabalik ko na ang tingin ko sa dating bestfriend ko pinapaupo na sya ni Ma'am .Papunta sya sa direksyon ko ngayon . Mga ilang segundo lang ang lumipas tumigil sya sa upuan sa kanan ko saka naupo . Alphabetical order nga pala .
Naupo sya sa upuan nya na cold face then pag-upo nya saka sya tumingin sa akin sabay ngiti na wari mo'y sobrang saya nya .
Errr ? Galit ako sa kanya . Tinagal-tagal wala ni ano tapos bigla nalang sya susulpot .
Hindi ko na lang sya pinansin saka nakinig sa tinuturo ni Ma'am . Nakita ko naman ang pagpout ng lips nya sa aking peripheral view .
Grabe sa lakas ng appeal ah ? Lumingon-lingon ako sa mga kaklase ko at halos lahat sila nakatulala sa tabachoy na to .
Pati yung lintik na classmate kong nagngangalang LA nakikitulo laway din .
Di ko sila masisisi dahil talaga namang napakaganda nitong katabi ko . Ang laki ng pinagbago nya .
Mas lalo syang gumanda . Naalala ko pakilala nya isa syang dancer ? Woah !
I was silently talking to myself ng kalabitin ako ng katabi ko . Dinedma ko naman sya pero kinalabit ulit nya ako . Nakailang ulit pa sya ng nagdecide akong lingunin sya .
What ? mahina ngunit iritado kong sambit sa kanya
Inilapit naman nya yung mukha nya sakin . Agad ko itong iniwas saka ko lang nalamang may ibubulong pala ito sakin .
I badly miss you . bulong nya
Napansin ko nalang nagtaasan na naman mga balahibo ko .
Jusme . Ano pong ginawa nyo sa ex best friend ko !!?
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
RandomNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...