Isang linggo na ang nakalipas ng maging isa sina Jade at Samantha .
Tulad pa din ng dati , palagi silang nag-aasaran at nagkukulitan .Sabay din lagi silang tatlo ni Layne Alexis kumain sa kanilang garden .
Mula din noon , mas lalong pinaparamdam ni Sam gaano nya kamahal si Jade .Palibhasa ay halos magkadikit lamang ang mga bahay nila kaya lagi silang magkasama .
Noong nakaraang araw lang ay dinala ni Sam si Jade sa bahay nito upang pormal na ipakilala sa mommy nya bilang girlfriend nya .
Her mother stayed silent for seconds then smiled charmingly .Her mother already know her undying love for Jade . That's how lucky Sam is .Her father might have gone to heaven but she have a very supportive mother who loves her unconditionally .
Nagyon naman ay ang araw na ipapakilala ni Jade si Sam as her girlfriend .
They already made it clear to themselves na gusto nilang legal sila both sides para wala silang itatago at maeenjoy talaga nila ang relasyong mayroon sila .
Nakaayos na si Jade mula sa pagluluto ng bake mac at personalized cookies ng magdoorbell ang girlfriend nya . Dali-dali naman itong bumaba para pagbuksan ito .
Abot-langit naman ang kanilang pagkakangiti . Wari mo'y wala ng bukas pa .
Jade happily reach for Sam's right hand and entered their house .
Kahit sabihin mong at home na si Sam ay kinakabahan pa din ito .
'Hey , you look like an idiot ! umayos ka nga' natatawang sambit ni Jade
'Ih kasi ! kinakabahan ako .' kabadong sagot naman nito
Tumaas na naman ang kilay ni Jade sa narinig .
'Eh nung halikan mo ako kinabahan ka ba ? Pagdating talaga sa kalokohan ang galing galing mo ano ! Hayup ! ' tatawa-tawa si Jade para mawala ang kaba nilang dalawa
'Naman kasi ! Haha ! Sige na aayos na ako ' sagot naman nito
'Akala mo naman ibang tao kakausapin mo' bulong ni Jade
'Narinig kita baboy . Lagot ka sakin mamaya pagkatapos natin dito.' pagbabanta nito
Mamula mula na naman tuloy ang pagmumukha ni Jade .
Hawak kamay naman silang dumiretso papunta sa kwarto ng mommy nya .
Maya-maya ay kumatok na si Jade para kausapin ito.
'Hi ma , good morning !' bati ni Jade pagkabukas ng pinto ng mommy nya
'Good morning ! O Sam andito ka pala ? ' pagbati din nito
'Ah ! y.yes po ? Good morning tita ! ' nauutal na sagot naman ni Sam
'O Jade anak , bakit mo nga pala tinawag ? May kailangan ka ba ?' mahinahong tanong ng mommy nya
'May sasabihin lang sana kami ma . Kasi . . . ka. . s.si ahm si Sam nga pala girlfriend ko po' pautal-utal na pag'amin nito
Si Samantha naman ay nanatiling ninenerbyos mula sa pagkakatayo sa harapan ng mommy ni Jade .
Tumahimik saglit ang Mommy nya . Wari mo'y inaabsorb pa ng utak nya ang sinabi ng anak nya .
'Is that true Sam ? Mag-girlfriend kayo ni Jade ? ' mahinahong tanong nito
Huminga ng malalim si Sam bago magsalita .
'Yes po tita .Girlfriend ko po ang anak nyo' matapang na pag'amin nito
Nag'iba ang itsura ng mommy nya . Nanatili pa din itong tahimik .Mga ilang minuto ang nakalipas ng maglipat-lipat ang tingin nito sa dalawa saka ngumiti ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
RandomNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...