Sam
Nagising nalang ako ng may kumakatok na pala sa pintuan ng kwarto ko .
Pagbangon ko saka ko naramdamam yung hangover ko dahil sa inumang naganap kagabi . Wala naman kasi akong gagawin dito kaya sumama na din ako .
Hilo-hilo kong binuksan ang pinto saka naman nito niluwa ang mukha ng babaeng matagal ko ng gustong yakapin at halikan .
Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil di ko naman inaasahang pupunta sya dito .
Pinapasok ko naman agad sya saka pinaupo sa kwarto .
Pagkaupo nya sa kama ay agad ko syang niyakap ng mahigpit mula sa likod .
Hindi naman sya pumalag .
Gusto din ?
Maya-maya ay naramdaman ko nalang na humihikbi na pala ito . Saka ko lang sya hinarap sa akin at nakitang umiiyak na pala ito .
'Sshhhh . Tahan na . Sorry na babs kasi . Hayaan mo akong mag-explain ng mga bagay-bagay bago mo ako ijudge naman . Nahihirapan din ako sa ganitong set-up natin ' pagpapaliwanag ko
Pinilit naman nitong makinig sa sinasabi ko habang pinipigil ang kanyang mga luha .
I felt guilty . Mukhang nahirapan din sya sa nangyari kaya di na nya napigil umiyak .
'Nung nagpunta ako kila Mico di ko namalayan nahulog yung phone ko .Di ko naman saulo ang number ng girlfriend ko kasi hirap ako sa numbers . Tapos bigla nag'alok ng inom yung isang kasama ko . Sabi ko isa lang para makauwi na ako . Kaso di ko namalayan nasundan ng nasundan yung shot na binibigay nila . Di ko din naman sila masisisi dahil last na bonding na namin yun '
Nakita ko kung paano nya iabsorb ang mga pinagsasabi ko . Parang pinipilit nyang intindihin yung mga naganap noong araw na yon .
'Tapos nagising nalang ako na kasama sa kwarto yung babaeng naghatid sa akin kahapon ' dugtong ko
Tila hindi nya nagustuhan ang mga huling nasabi ko dahil nakita kong umigting ang panga nito . Medyo kinabahan ako pero itutuloy ko .
'Sya yung bagong member ng All-Star . Ang balak nga nila ay ako ang magtetrain don pero pinagpilitan kong sila nalang kahapon . Kaya umuwi man akong gegewang-gewang ay naipaglaban ko naman ang karapatang pantao ko' pagpapaliwanag ko
Medyo tumaas ng bahagya ang kabilang kilay nya . Medyo seryoso ang mukha nya pero mas lalo syang sexy at hot sa paningin ko ngayon .
Bahagya akong napalunok sa pinag-iisip ko .
'Galit ka pa din ba ? lakas-loob na tanong ko
Imbes na sagutin ang tanong ko ay tinanong din ako nito .
'Katabi mo talaga sa kwarto yung babaeng yon ?' may halong pagtataray na tanong nito
'Opo babs . Pero di ko naman alam bat ako napadpad dun . Tapos di naman sya nakayakap or ano pagkagising ko kung madumi man ang iniisip mo . Sayo lang ako pati katawang lupa ko' pagbibiro ko pa dito
Nakita kong namula bigla ang kapisngian nito . Nakapaganda .
Sa sobrang panggigigil ay hinalikan ko ang mga pisngi nitong mamula-mula . Saka ko sya niyakap ng mahigpit .
'I love you ' bulong ko sa tainga nya habang yakap yakap sya .
Wala naman akong nareceive na kahit anong response pero okay lang .
Di naman talaga importante kung may matanggap ka e . Basta ba alam mong naibigay mo sa kanya yung dapat nyang malaman .
Baka inaabsorb pa nya yung nangyari .
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka hinawakan ang mga balikat nito saka ko ito tinitigan .
Maya-maya ay nakita kong papalapit ang labi nya sa labi ko .
Bahagya akong natawa saka ko lang naalalang hawak ko pala ang balikat nya at ako ang nagpapalapit sa kanya sa akin .
Inilipat ko ang mga kamay ko sa pisngi nyang malambot .
'Sorry na ?' pagpapacute ko
Wala pa ding response .
'Please ? pagpapacute ko ulit .
Saka naman ito umiling na parang bata dahilan para ngumuso ako ng bahagya .
Nagulat nalang ako bigla ng makita kong magsmirk ang girlfriend ko saka sinunggaban ang mga labi kong ilang linggo ng uhaw sa lips nya .
Mukhang the feeling is mutual ah ?
Patuloy ang halikan naming dalawa hanggang sa inalalayan ko sya sa paghiga habang naghahalikan kami . Nakaibabaw na ako ngayon sa kanya dahilan para mas maging intense ang palitan namin ng pagmamahal sa isat-isa . Napayakap naman sya sa batok ko samantalang hindi mapakali ang isang kamay ko .
Hanggang sa naisipan kong sundin ang pag'iisip ko . Dahan-dahan kong inilapat ang isang kamay ko sa tyan nya saka ko ito pinisil ng bahagya .
Napansin kong mas nagugustuhan ng girlfriend ko ang nagaganap kaya ngiting tagumpay na naman ang pag'iisip ko .
Dahan dahan kong iginagapang ang kanang kamay ko paakyat ng may kumatok sa pintuan ko .
Agad kaming kumalas dalawa saka hinintay ang sunod na sasabihin ni Mom .
'Sam . Gising ka na ba ? Mag'almusal na kayo ni Jade .' sabi nito
'Opo . Bababa na kami ' kamot batok na sagot ko .
Nilingon ko naman itong katabi ko . Medyo magulo ang buhok nya pero ang sexy pa din .
Agad ko syang niyakap kahit medyo bitin sa kissing scene namin kanina .
'Baboy !' pang-aasar ko dito
Nag-alamaldita na naman ang pagmumukha nya . Nakakatuwa .
'Mahal mo pa ba ako ?' paglalambing na tanong ko .
'Hindi na 'sagot naman nito.
'Ay sabagay bakit ko nga naman naitanong e alam na alam ko naman ang sagot ' pang-aasar ko dito .
'Walanghiya ka !' nahihiyang hinampas hampas ako nito .
Tawa lang ako ng tawa .
Sya naman pikon na pikon .'Grabe ka kanina babs no ! Namiss mo naman masyado mga halik ko . Siguro pag gabi nag'iimagine ka no ! ' dagdag ko pa dito .
'Leche ka kamo . Ang ingay ng bunganga mo mamaya may makarinig sayo .' nahihiya ulit ito dahil sa pinagsasabi ko saka nya pinipilit takpan ang bunganga ko .
Panay lang ang kulitan naming dalawa hanggang sa magdecide syang bumaba . Maya-maya ay bumalik na ito saka may dalang isang tasa ng kape .
Ang sweet naman .
'Hinalik-halikan kita kanina di ka pa pala nagtutoothbrush . natatawang sabi nito .
'Oo nga . Sarap na sarap ka naman pano pa kaya kung nagtoothbrush ako edi magdamagan na ? pagbibiro ko na naman .
Kinuha nya saglit ang hawak kong basong may kape saka itinabi sa side table ko saka ako pinaghahampas .
Tawa lang kami ng tawa hanggang gabi .
Umuwi sya saglit sa kanila para magpaalam na dito matutulog .
Heto kami ngayon nakahiga . Di na naman nya alam porn tong pinapanuod namin .
Maya-maya nakita kong ang sama sama ng tingin nito sakin .
Saka ko sya kiniss sa noo at patay malisyang nanuod .
Umayos naman na sya ng higa .Akala ko nanunuod sya ng marinig Kong naghihilik na pala ito .
Pasaway !
Niyakap ko nalang sya ng mahigpit saka pinatay ang TV . Kiniss ko ulit sya sa noo at sinabing goodnight at iloveyou .
Sana ganito lang lagi . Yung palagi kaming masayang dalawa . Yung yakap yakap mo lagi ang taong mahal mo .
Goodnight sakin . Sweetest dreams !?
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
RandomNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...