Chapter 18

1.2K 49 4
                                    

Jade

3 weeks na ang nakalipas simula ng ianunsyo ng isang teacher namin ang tungkol sa gaganaping MAPEH FAIR .

Simula noon naging busy na din ang karamihan bukod sakin dahil di naman ako sumali sa kahit anong contest. 

Pati yung nagdidirty talk naging busy din . Paano ko nasabi ? She's ignoring me since may natanggap akong nakasimangot na emoji .

Di ko na din siya nakikita after class kasi palagi siyang nauuna lumabas .

Mga ilang hakbang na lang ako sa locker ko ng may mahagip ang mga mata kong nakausling papel mula dito .

May sulat na naman .

Hinila ko ito palabas saka binasa .

She is MINE !

Nakasulat dito .

Hindi tulad noon na hand writing ,printed ang sulat . Talagang nag-effort , ganoon na ba ako kaimportante ngayon ? Tsaka anong tinutukoy nito !?

Out of curiosity , nagpasya akong maging mas mapagmasid sa paligid ko .

I have a hint na yung tinutukoy nitong SHE ay si Samantha . Everybody wants her . Isasama niyo ba ako sa everybody na yan ?

Naglalakad na ako papuntang classroom ng mapansin kong nakatungo na naman si Samantha .

Di tulad dati kapag pumapasok ako ngiting-ngiti sya . Tapos bibiruin nya ako , kapag inirapan ko sya, tatawa sya ng tatawa .

Itinuon ko nalang ang tingin ko sa sahig at baka kalabitin ko ng wala sa oras itong isang ito .

Dumating na ang teacher namin saka lang nag-angat ng ulo ang katabi ko . Mukha syang puyat pero ang ganda pa rin nya.

Tinititigan ko lang sya ng lingunin niya ako saka tinaasan ng kilay .

Nabigla ako kaya agad akong tumingin sa harapan at nagkunwaring nakikinig sa lesson ni Ma'am .

Nakita ko ang smirk nya mula sa aking peripheral view. Naghihintay akong asarin niya ako o bulungan ng kalokohan niya pero bigo ako .

Nag-expect yata ako masyado .

May parte sa akin na kumirot dahil unti-unti na syang nagbabago . Nasanay na ako sa mga kalokohan nya .

Inaamin ko tuwing  inaasar niya ako kunwari ay naiinis ako pero ang totoo nyan masaya ako .

Minsan din gustong-gusto ko ng tumawa sa pinaggagawa nya pero pinipigilan ko lang .

Napakakulit nya kung tutuusin .

Nakakamiss ka pala talaga Samantha .

Fast Forward

5 minutes nalang bago mag-uwian nag-aayos na ng gamit itong katabi ko .

3 minutes pa nag-aabang na itong isa sa paglabas ng teacher namin sa last subject .

Saktong paglabas ni Ma'am ay nangunguna na naman si Samantha sa paglarga. 

Ano kayang ganap nito ?

Hinayaan kong makalabas lahat ng classmates ko saka ako nag-ayos ng gamit .Wala naman kasi akong gagawin .

Isinusukbit ko na ang isa sa strap ng bag ko ng makita ko si Samantha sa pinto ng classroom .

Tinaasan ko siya ng kilay . ' May naiwan ako ' wika niya

Dahan-dahan syang lumapit sa kinauupuan ko ng hindi inaalis ang tingin sa aking mga mata. 

Nailang ako sa way ng pagtitig niya kaya umiwas ako at kumilos na para kuhanin ang natitirang libro sa arm chair ko .

Ngunit pagharap ko'y mga bisig nya ang sumalubong sa akin .

Hindi ko alam bakit ako niyayakap ng isang ito pero wala sa isip ko ang pagtutol .

Ganito naman talaga ang magkalapit na kaibigan hindi ba ?

Pero yung yakap niya parang may laman . Napakainit na napakasarap sa pakiramdam .

Mga ilang segundo lang binitawan ko yung mga librong hawak ko saka ako tumugon sa mainit nyang yakap sa akin .

Wala kang maririnig kundi ang paghinga at heart beat naming dalawa .

Mga ilang minuto din kaming nagyakapan .

Ng matauhan , ako na mismo ang kumalas sa kanya .

Saglit akong tumingin sa mga mata niya ' Sso . sorry ' mahinang sambit ko saka pinulot ang mga librong nahulog sa lapag .

Binilisan ko ang kilos ko para makaalis na .

Ni hindi ko na sya nagawa pang lingunin dahil sa nangyaring yakapan kanina .

Dumiretso ako sa c.r ng girls para kalmahin yung sarili ko .

Niyakap lang naman ako ni Sam kanina pero bakit iba yung dating sa akin .

Mga ilang minuto din akong nag-stay saka ako lumabas ng c.r

Malapit na ako sa gate ng makita ko si Samantha sa labas . May dumating naman na black na kotse sa harapan nya .

Pagbaba ng bintana nito ay nakita ko ang isang maputing lalaki . Hindi ko gaanong makita ang itsura nya pero tingin ko'y may kagwapuhan ito .

Pumasok sa front seat si Samantha .

May naramdaman na naman akong kirot sa loob ko .

Saka naman umandar ang kotseng sinakyan nila .

Naiwan akong nakatulala sa kinatatayuan ko .

May boyfriend na pala sya hindi manlang sya nagsasabi.

Sabagay sino ba naman ako sa kanya ?

Nagawa nga nya akong iwan noon . Ibig sabihin hindi ako ganoong importante sa kanya .

Mga ilang minuto din akong nakatulala sa kawalan hanggang sa magpasya akong umuwi sa bahay .

Pagbukas ko ng kwarto'y pabagsak akong sumalampak sa kama .

Sobrang nakakapagod ang araw na to .

Saglit akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko ng mapansin kong may mainit na likidong pumapatak mula sa mga mata ko .

Ugh ! Umiiyak na naman ako !

Noong last na pag-iyak ko sinabi ko sa sarili kong hindi ko na ulit iiyakan ang dating bestfriend ko .

Pero eto na naman ako . Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko .

Kapag ito pa naman pumatak dire-diretso .

Wala naman akong karapatang magalit o ano pero talagang nasasaktan ako .

Nasasaktan ako kasi may dahilan na pala talaga sya kaya sya umiiwas sa akin .

Noong una akala ko nagseselos sya dun sa kung sino mang nagbigay ng emoji sa akin pero mali pala .

May minamahal na sya .

At that thought , mas lalong nag-unahan sa pagtulo itong mga pesteng luha ko .

Ganito ba talaga dapat magreact ang dating kaibigan kapag nalaman nyang may bf na ito ?

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mapagod ang mga mata ko sa pagluha .

'Okay lang yan . Bukas wala na din naman to ' sabi ko sa aking sarili

Kung saan ka masaya Samantha .,



Dun ako liligaya .



Kahit ang totoo .,




ang sakit-sakit na .

Ang Girlfriend Kong DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon