"Sorry kase naging pabaya ako lately . Imbes na unawain at suyuin kita hinayaan lang kita . Sinabi ko noon na di muna ako magsasayaw pero andun ako at nagpapakasaya "
Dire-diretsong sabi nito.
Natahimik lang ako saka sya tinignan . Nakatingin sya sa kawalan at tila di makatingin ng diretso sa paningin ko .
Bakit saglit na panahon lang parang ibang tao na tong kasama ko ?
Napabuntong hininga muna ako bago sinabing "Sige okay lang . Sorry din tinoyo lang ako "
"So okay na ? Di ka na galit ? Okay na tayo ? " sunod sunod na tanong nya
"Siguro ? " sabi ko na parang wala sa loob
"Salamat babs " sabay yakap nya sakin
Ultimo yakap nya di na kasing init nung una . Am i crazy or what ?
Pagtapos non ay sabay na kaming umuwi . I tried to hold her hands while walking . Kumapit naman kamay nya pero i can't feel anything unlike before .
Pag uwi ko sa bahay nahiga na ako then chineck ko yung phone ko if nagtext sya . Kaso mga 2 hours na kong nag iintay wala pa din . Di ko namalayan nakatulog na ako .
The other day
Nagising na ako't lahat wala pa ding text . Nag ayos na ako para pumasok sa school . Paglabas ko ng gate walang Sam na nakaabang .
I made my way to school . Naglakad lang ako . Nag- iisip isip .
Nagulat nalang ako ng matanaw ko sa malayo si Sam na mukhang may hinihintay sa gate . Seryoso ?
Panay ang type nito sa cellphone saka maya maya ngiting-ngiti habang tinitignan yung lalaking parating .
Parang di ko kilala to . Maliit lang na lalaki .
Nag'iinit na ulo ko naiinis na ko sobra pinipigilan ko lang . Malapit na ko sa kinaroroonan nila ng mapalingon sakin si Sam .
" Ow babs . Si Nelson nga pala " pakilala nito sa maliit na lalaking hinintay nya .
Dire- diretso lang ako ng lakad . Nagkunwari akong di ko sila napansin or narinig .
Dali dali akong nagpunta sa classroom saka inilapag ang gamit at tumungo . Grabe , ang sakit pala talaga magmahal ano ?
Di ko namalayan napapikit ako . Nagising na lang ako ng magdatingan na mga classmate kong maingay .
Infairness wala pa din si Sam .
Nabigla ako ng biglang may kumalabit sa balikat ko .
" O bakit mukhang malungkot ka ? Break na kayo ? " tanong ni Layne Alexis sabay hagalpak ng tawa .
Sa di ko malamang dahilan tumulo nalang luha ko ng walang paalam .
Nabigla naman si L.A kaya pinunasan nya luha ko gamit ang panyo nya .
" Sorry na " sabay kamot nya sa batok nya
" Sssshhh . Tahan na .Di ko naman alam di kayo okay "
Maya maya pumasok na si Sam at nadatnan nyang pinupunasan ni L.A yung mukha ko . Napakunot ang noo nito saka nag diretso sa upuan nya .Lumayo na sakin si L.A .
"Bakit pala nag dire- diretso ka kanina ? " tanong nito
Di ko nalang sya pinansin at kunwari'y nagsusulat sa notebook .
Biglang dumating yung teacher ko kasama yung maliit na guy na hinintay ni Sam kanina .
Seryoso ??
Sino ba tong epal na lalaking to . Medyo kumunot ang noo ko habang tinitignan sya .
Nagpakilala sya sa unahan saka umupo sa upuan sa tabi ni Sam .
Wow ! Kapal ?
Ano nga ulit pangalan ? Nel what ? Nel bansot yata potek .
Tapos habang nagtuturo si maam panay ang kwentuhan ng dalawa . Minsan pa nga sinusundot sundot ni bansot yung tagiliran ni Sam .
Seryosooo ba talaga to ??
Ayokong magmura pero p*tek ano to gaguhan ?? HARAP HARAPAN ???
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
RandomNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...