Layne Alexis
Sobrang aga kong pumasok nitong mga nakaraang araw para malaman sinong may kagagawan noong putik scene ko noong isang araw .
Kalimutan nyo na ang paghanga ko kay Samantha dahil alam kong walang wala na akong pag-asa .
I give up .
Kalimutan nyo na din yung kay Jade .Nakahanap na ako ng pagdidiskitahan. Masyado akong beast mode sa gumawa noon sa kin .
Grabeng kahihiyan ang tinamo ko sa kalokohan nya . Makikita nya sinong binangga nya .
Sa ilang araw ng pagmamasid wala pa naman akong napapansing may naglalagay ng sulat o ano sa locker ko .
Pero may nakikita akong babaeng laging late sa klase pero napakaaga yatang pumasok ngayon .
Nandito ako sa kasuluk-sulukang parte ng locker room kaya hindi agad ako makikita dito .
Sumilip ako sa gilid ng isang locker saka pinagmasdan ang babae .
Nagpalinga-linga pa ito , sinisigurong walang ibang tao ang makakakita sa gagawin nya .
Ng masigurong walang ibang tao ay nagbukas ito ng backpack nya . May kinuha itong puting papel saka isinuksok sa locker ng kung sino man .
Dali-dali itong umalis saka ako nagpunta sa kinaroonan nya kanina.
Madali kong nakuha ang sulat dahil may kaunti pang nakausli sa labas na papel .
'Catch me before I get you'
Nakasulat dito .
Tinignan ko kaninong locker ito nakalagay .
JADE ANNE REYESSamantha
These past weeks naging busy ako . Though nasayaw na namin itong sasayawin namin sa gaganaping FAIR kailangan pa din namin magpractice .
Hindi naman kasi gaya noon na halos whole day kami nagpapractice. Limited lang yung oras ko dahil sa school .
Ayaw ko naman magpaexcuse dahil mamimiss ko si mahal kong seatmate .
Kada uwian sinusundo ako ni Mico , co'dancer ko papunta sa bahay nila . Dun kami nagpapractice .
Para wala ding makakita . Walang ibang nakakaalam sa school na mag oopening kami bukod sa mga teachers ng MAPEH DEPT.
Kaya lagi akong nauuna sa uwian . Nag'iisip din ako ng way para magsorry ng official at magconfess sa mahal kong bestfriend na gusto kong maging girlfriend .
Noong isang araw nga , ng sinabi ni Mico malelate sya ng kaunti sa pagsundo sa akin dahil traffic ay agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa room .
Alam ko kasing palaging nagpapahuli yun sa paglabas . Nagpalusot na lang ako saka ko sya niyakap ng mahigpit .
Hindi ko na napigilan ang sarili ko .
Nabigla ako sa pagtugon nya dahil akala ko pipigilan nya ako .
Hanggang sa sya na mismo ang kumalas.
Pag-alis nga nya'y ngingisi-ngisi akong naglalakad papuntang labas . Hanggang dumating na yung service ko .
Last day na ng practice ngayon dahil bukas na ang FAIR .
Sinabi sa akin ni Ma'am na excuse daw ang lahat ngayon kaya heto ako sa puder ng co'dancer ko .
Kasalukuyan kaming nagpapahinga habang nagkukwentuhan .
Samuel , ano ready ka na ba bukas ? tanong ni Marco
Naikwento ko kasi sa kanya yung Samuel na sinulat ni Babs nung nakaraan . Inaasar tuloy ako .
Badtrip ka ! Gusto mo sumbong kita sa mga dyowa mo ? pagbabanta ko
Oy grabe ka naman ! Binibiro ka lang tropa haha . sabi ni Marco .
Babaero kasi yan . Di ko nga alam sino yung legal wife kila Jenny , Hanna , Lisa , Rose , Veronica at Elise .
Tinanguan ko lang sya bilang sagot .
Kinakabahan ako bukas . Hindi sa sayaw kundi sa babs ko . Ireject kaya nya ako ? Tanggapin kaya nya ang sorry ko ?
Unknown
I went to school too early para walang makakita sa akin .
Nadisappoint nga ako nung si LA yung naliligo sa putik .
Si AMBISYOSANG Jade dapat yon !
Oo ! Ako ang may pakana noon .
Si Samantha . AKIN LANG SYA !
Wala pa akong hiniling na hindi ko nakukuha .
I've been her stalker and follower since una ko syang nakitang sumayaw .
I'm always watching her vids . Yung mga sayaw nila .
I also stalked some of her co'dancers . Almost all of them were good looking pero iba talaga yung dating ni Samantha .
I think she'll love me too if Jade would disappear .
Nothing can stop me from loving her .
I can do anything , everything just to have her .
I may sound too desperate but who cares ?
This is me . This is how I get what I want !
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
RandomNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...