Saturday Morning .
Mahimbing na natutulog si Jade ng dumating si Samantha sa kwarto niya . Kilalang-kilala siya ng mama ni Jade dahil sila naman na talaga ang magkasama simula pagkabata .
Nagkaroon lang sila ng kamustahan ng tita Alex niya saka siya umakyat sa kwarto nito .
Mukha siyang isang anghel na walang kamuwang muwang sa mundo sa isip-isip ni Samantha .
Marahan nitong isinara ang pinto saka nag-ikot ikot sa loob ng kwarto . Nakita niya sa harapan ng kama nito ang isang malaking frame na naglalaman lang naman ng litrato nilang dalawa . Parehas silang nakablue na t-shirt nito . Sa pagkakaalala niya ay anim na taong gulang sila .
Napangiti siya sa nakasabit na larawan saka dumiretso sa gilid ng kama ng bestfriend niya .
Marahan niyang pinagmamasdan ang mala anghel na si Jade .
Ang tagal kong hindi nakita yang panis na laway mo ! pang-aasar nito ngunit pabulong lamang .
Pagkasabing-pagkasabi nito ay naramdaman niya ang mainit na palad na dumapo sa kanyang pisngi.
Aray ! natatawang wika ni Sam
Ang aga-aga mo mamburaot ha ! Akala mo di ko narinig kalokohan mo ? kunwari'y naiinis na wika ni Jade
Sorry na ? Sa ngayon ko lang naman ulit nakita ! kamot batok na si Samantha
Kung makapag-usap ang dalawa akala mo'y walang dramahang naganap kahapon .
Nag-almusal ka na ba ? Pag-iiba sa usapan ni Jade
Uhm . Not yet ? sagot naman ni Sam
Tumango si Jade saka nagpuntang banyo para maghilamos at magmumog .
Dito ka lang muna ha ? Magluluto lang ako . sabi ni Jade
Okay ! Pero pwede ko ba mahiram laptop mo ? pagpapaalam nito
Sure . Basta wag kalokohan ang bubuksan mo . Magkavirus pa yan naku malalagot ka talaga sakin . pagbabanta nito kay Sam
Grabe ka naman sakin ! Ganon ba pagkakakilala mo sakin ? natatawang tugon ni Sam
Walang alinlangan namang sumagot si Jade ' Hindi . Pero sa loob ng ilang taon alam kong madami kang kalokohang natutunan ' ani Jade
Ng di na makasagot pa si Sam ay bumaba na si Jade para magluto ng almusal .
'Hindi naman ako nanonood ng porn sa laptop ng iba e ' bulong ni Sam habang naghahalungkat sa laptop .
Binuksan niya ang kanyang facebook account saka nagpost ng Status .
2-1-2-19 <3
Ilang saglit lang ay halos mapuno na ng comment ang post niya. Panay din ang react ng mga followers niya .
Nagscroll lang siya sa News Feed ng account niya ng makita niyang naiupload na pala ni Tata( co-dancer) ang video nila nung last na dance contest na sinalihan nila .
Nakadapa siyang nanonood ng video nila ng biglang dumating si Jade dala ang isang tray na may dalawang platong puno ng fried rice na mala chow fan .
Panay naman ang singhot ni Sam sa hangin dahil amoy palang ay masarap na daw ito .
Ano yang pinapanuod mo ? tanong ni Jade
Eto ? BOLD to ! HAHAHA badtrip ka din babs no kita mong sumasayaw yung mga tao tatanungin mo pa ! tatawa-tawang sagot naman ni Sam
HA HA ! nakakatawa ? sarkastikong wika ni Jade sabay nag-ikot ng mata dahil nakalimutan niyang may saltik pala itong kasama niya .
Nagpigil lang ng tawa si Sam saka inalok si Jade manood noong video nila .
Tara watch tayo together ! Habang kumakain ng mouth watering mong fried rice . nagkunwari pa itong nagpunas ng laway sa labi nito .
Napapailing na lang si Jade sa pinagkikilos nitong isang to .
Iniabot nito ang plato ni Sam saka umupo sa tabi nito .
Inulit naman ni Sam ang video .
(Music Playing : DJ Got Us Falling In Love by Usher )
Usher (yeah man)
So we back in the club
With our bodies rockin' from side to side (side to side)
Thank God the week is done
I feel like a zombie goin' back to life (back to life)
Hands up, and suddenly we all got our hands up
No control of my body
Ain't I seen you before?
I think I remember those eyes, eyes, eyes, eyesTahimik lang silang dalawang nanunuod ng video sa laptop ni Jade .
Kung nakikita niyo lamang ang malabituing mga mata ni Jade samantalang si Samantha naman ay sarap na sarap sa pagkain .
Ng saglit na magtama ang braso nilang dalawa'y naramdaman pa nga nito ang pagtindigan ng mga balahibo nito sa braso .
Malamang ay dahil sa babaeng swabeng sumasayaw sa gitna . May mga ekspresyon itong kahit ang lalaki at babae ay talagang kikiligin .Napakagaling niya ! Sa isip-isip ni Jade
Napapalingon pa ito sa katabi niya dahil di siya makapaniwalang ganito ito kagaling sumayaw .
Bagay na bagay kay Samantha ang pagsasayaw . May mga tao kasing makasayaw lang okay na .
Yun yung mga taong masabi lang na dancer sila pero mali sila . Dancing is a form of art . Depende sa genre at music kung paano mo isasabay yung facial expressions mo .
Sam just really fits perfectly .
Natapos ang video at pinatay na ni Jade ang laptop niya . Tapos na din ang dalawang kumain .
Lumabas ito sandali upang hugasan ang mga plato .
Pagkatapos ay dumiretso naman ito sa banyo malapit sa lababo .
Kanina pa niya nararamdamang may kung ano sa tiyan niya . Matagal tagal din siyang nakapwesto doon ngunit wala talagang lumalabas .
Pagbalik niya sa kanyang kwarto ay nadatnan niyang nakahiga si Sam . Nakapikit ito habang nakaunan ang ulo sa mga braso nito .
Hoy ! tawag nito
Hoy ! ulit nito sabay yugyog kay Sam
Makailang ulit pa bago siya sumuko kakagising dito . Napakalalim nga pala matulog ng isang ito ' wika nito sa sarili
Umupo ito sa tabi saka pinagmasdan ang itsura nito habang natutulog .
Ilang segundo ang lumipas ay dali-dali itong nagpunta sa kanyang drawer para kuhanin ang kanyang DSLR na camera .
Hindi niya pwedeng mamiss ang itsura nitong patulo na ang laway dahil nakaawang ng kaunti ang bibig nito .
Panay ang kuha niya ng litrato ng mapatingin siya sa mga labi nito .
Napatigil siya ng ilang sandali ngunit nagulat naman siya ng biglang imulat nito ang mga mata sabay bangon dahilan para tumama ang labi nito sa dulo ng labi niya .
Mamula-mula ang mga pisngi niya dahil sa kalokohan ni Sam . Ang isa nama'y nakangisi habang nakatungkod ang mga kamay nito sa kama .
Wala sa sariling itinulak ni Jade si Samantha palabas dahil puro kalokohan ang alam nito . Ibang-iba sa sensitive na Sam kahapon .
Panay naman ang pagpiglas nito ngunit wala na siyang nagawa kaya't hinayaan nalang niya ito.
Napailing na lamang siya habang nakangisi at umalis na sa bahay .
Argh ! Bakit ko nga ba pinalabas yon ? tanong ni Jade sa sarili
Saka lang niya naalala ang pinaggagawa nito.
Lokang Sam yun imbes na makapag-usap ng maayos bibirahan ako ng mga kalokohan niya ' sa isip isip into
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone nito .
May nagtext sa kanya . ' Our lips already talked to each other ' basa niya
Magtatype sana siya ng HAYUP ! ng tumunog ulit ito . ' Ang soft pala ng lips mo ' may kasama pa itong nakabungisngis na emoji .
What the !!!? Kelan pa to natuto mag dirty talk !!!?
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Dancer
AcakNg dahil sa biglaang pag-iwan ng bestfriend niyang si Samantha , ang dating masayahin at bibong babaeng si Jade ay biglang nag-iba . Kalaunan naman ay makikilala niya si Layne Alexis na isang dancer sa kabilang bayan . Sa di inaasahang pagkakatao'...